"Hazel, gumising ka na, sasalubungin natin ang bagong taon," tugon ni mama habang ginigising ako sa pagkakatulog.
Agad naman akong tumayo sa pagkakatulog at dumiretso sa kusina para maghilamos.
"Ma, wala na ba talagang pag-asang makita ko si papa?" paulit-ulit kong tanong kay mama habang pinupunasan ang aking mukha ng tuwalya.
"Anak, 'di ba napag-usapan na natin 'yan? Masaya na ang papa mo sa pinili niya," tugon sa akin ni mama habang nilalagay ang mga pagkain sa mesa bilang paghahanda sa media noche.
"Bakit ba tayo iniwan ni papa, Ma? Bakit hindi mo masabi sa akin ang rason bakit niya tayo iniwan?" pahabol kong tanong habang patuloy sa pagpupunas ng aking basing mukha.
"Ang mahalaga sa lahat anak ay masaya tayong dalawa, kasama ang Papa Dandy mo at ang kapatid mo," iniwan ko si mama dahil siguro sawa na ako sa mga paulit-ulit niyang sagot bawat tinatanong ko siya ng tungkol kay Papa.
"Five!"
"Four!"
"Three!"
"Two!"
"One!"
"Happy new year!"
Kasabay ng pagputok ng fireworks ay ang pagtulo ng mga luha ko. Luha dahil sa mga tanong ko tungkol kay Papa. Simula bata hanggang sa paglaki ko, hindi ko maiwasan tanungin ang sarili kung sino ba king aking ama, pitong taon lamang ako noong malaman kong hindi ko tunay na ama si Papa Dandy. Simula noon palagi ko na kinukulit si Mama tungkol sa tunay kong ama.
"Hazel, anak. Ngayong bagong taon na, sana bawas bawasan mo na ang pakikipagbarkada. Gawin mong new year's resolution yan," tugon sa akin ni Papa Dandy habang nagsasalo-salo kaming apat sa hapagkainan. Hindi naman ako umimik at ipinagpatuloy ko lang ang pagsubo ng pagkain.
"Ikaw Maggie, ano ang new year's resolution mo?" pasingit na tanong ni Mama sa bunso kong kapatid na si Maggie.
"Hindi na po ako magiging makulit sa inyong dalawa ni papa, Ma," sabay nagtawanan naman sina Mama at Papa sa naging sagot ni Maggie.
"Tama 'yan anak, para hindi na masyadong nai-stress kaming dalawa ng papa mo," sagot naman ni Papa kay Maggie na nagkalat ang pagkain sa kanyang bunganga.
Biglang nagring ang cellphone ko at nagpaalam kina Mama at Papa na sasagutin lang ang tawag.
"Hello, Andrea," sagot ko sa bestfriend kong si Andrea pagkapindot ko lang ng cellphone ko.
"Asan ka na Hazel? Andito na kaming lahat, bilisan mo na para makarami na tayo agad." Sagot naman ni Andrea na halata sa kabilang linya ang sobrang ingay ng karaoke.
"Sige, hintayin niyo ako, papunta na ako," agad kong pinatay ang cellphone at nagtungo sa hapag.
"Ma, Pa. kailangan kong pumunta kina Andrea. Andoon na lahat ng mga kaibigan ko," tugon ko sa kanilang dalawa na matagal ko nang pinagpaalam sa kanil na magkikita-kita kami ng barkada ko ngayong bagong taon.
"Mag-iingat ka anak, umuwi ka kaagad ha, 'wag kang iinom ng marami." paalala sa akin ni Mama dahil doon sa nangyari sa akin last week na halos hindi makatayo sa umaga dahil sa sobrang hangover.
Agad akong tumakbo sa kwarto para magpalit ng damit at sabay kuha ng bag at dumiretso palabas ng bahay.
"Ferlyn, bakit mo ba pinapayagan yang si Hazel na makipagbarakada? Tingnan mo ang nangyayari sa kanya, napapabarkada, at minsan umuwi ng lasing," pagalit na tugon ni Papa kay Mama na rinig na rinig ko habang palabas ng bahay.
"Alam mo naman 'di ba na kahit anong pagbabawal ko diyan, e ayaw makinig sa akin ng batang 'yun at alam kong alam mo kung bakit nagkakaganun si Hazel," mahinhing sagot ni Mama kay Papa.
BINABASA MO ANG
Love Against Time
Romance"Masakit magpaalam sa taong ayaw mong umalis, pero mas masakit sabihin sa tao na magstay pero gusto nang umalis." - Hazel