kabanata: 6

37 16 1
                                    

Nang matapos ang klase ay excited kaming tatlo nina Marina at Kelly na bumaba upang makaalis na. Nang pababa na kami sa hagdan papunta sa harap ng new building, namataan kong may kausap sina Ethan at Ace. Tatlong babaeng naka uniform pang cheer!

Walang emosyong kinakausap ni Ace ang nasa harapan na babae. Napalingon naman saakin sina Kelly at Marina ng makitang umatras ako at walang balak na tumuloy.

"Uy! Tara na!" Sabi ni Kelly saakin at nagtataka akong tinignan. Siguro ay di pa nila nakikita ang mga kausap nila Ace.

Sinundan niya ng tingin ang kanina ko pa tinitignan at dumilim ang kaniyang mukha.

"Tara na, Sari! Yan yung tinutukoy kong nagpipiling girlfriend ni Ace! Yan yung abby! Kainis!" Inis niyang sambit saakin at hinila kami pareho ni Marina papalapit kina Ace.

Napayuko nalang ako habang papalapit. Bakit parang tinutusok ang dibdib ko ng makita silang magkausap? Ano nanaman ba ito? Bat ganon nalang ang pakiramdam ko pagdating sakaniya?

Nang makarating kami sa harapan nila Ace, nag-angat ako ng tingin at unang nahagilap ng aking mga mata ang seryosong mga mata ni Ace na nakatitig saakin. Ngumiti lang ako ng tipid sakaniya ay yumuko uli.

Napalingon naman saamin yung tatlong babaeng kausap nila Ace. Nag-angat ako ng tingin sakanila at tinignan sila isa-isa. Tinignan naman ako nung abby mula ulo hanggang paa. Napataas naman ang kilay ko sa ginawa niya at tumikhim.

Nang makita niya akong nakatitig sakaniya. Fake siyang ngumiti saakin at naglahad ng kamay. Tinitigan ko lang ang kaniyang kamay at hindi siya kinamayan.

"Hmm? Mukhang may bago kayong kaibigan huh?" Mapanuyang sambit niya pa sabay tingin saakin. Napalingon naman silang lahat saakin. Nagtaas ako ng kilay sakaniya at sasagutin na sana siya ng magsalita si Kelly sa aking gilid.

"So?" Mataray niyang sagot kay Abby. Ngumisi naman si Marina sa gilid at tinignan si Ethan na kausap kanina ng isang babae ngunit ng makita kaming papalapit ay tumahimik ito.

Ramdam na ramdam ko naman ang titig ni Ace saakin sa gilid na tila hinuhulaan ang aking iniisip. Di ko nalang siya pinansin at binalingan sina Abby saaking harapan.

"Hindi bat may usapan na aalis tayo ngayon? So ano pang tinatayo-tayo niyo dyan? Tara na!" Inis na sambit ni Kelly at hinila kami papalayo ni Marina.

Liningon ko naman sina Ace sa aking likuran. Linagpasan niya sina Abby na para bang di parin makapaniwala na kaya siyang balewalain ni Ace. Sumunod naman kay Ace sina Ethan na mukhang nagpaalam pa kina Abby. Kasunod sina Tyler at John na parang walang pake sa paligid at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.

Nabalik naman ang tingin ko kay Kelly ng magsalita siya saaking gilid.

"Kainis 'yang mga babaitang 'yan! Dikit ng dikit kina Ethan! Kung maka asta akala mo mga girlfriend sila e!" Inis na bulong ni Kelly saamin ni Marina. Natatawang pinapakalma nalang namin si Kelly.

"Bat ba galit na galit ka sakanila ha?" Kuryoso kong tanong kay Kelly at lumingon sa harapan. Nakita ko naman siyang lumingon saakin at huminga ng malalim.

"Nagka boyfriend ako dati, at si Abby ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay." Seryosong sambit ni Kelly. Napaawang naman ang labi ko sa sinabi niya at napalingon sakaniya.

"What? Nagkaboyfriend ka dati? Asan na siya ngayon?" Tanong ko sakaniya at tinignan sina Ace na papalapit na pwesto namin.

Umiling-iling lang si Kelly sa gilid ko bilang sagot sa tanong ko. Para bang sinasabi niyang di niya alam. Tumango nalang ako sakaniya. Well, di ko siya masisisi kung bakit siya galit na galit kina Abby.

The One (Creison Academy Series #1) (Saraiyah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon