Monday nanamannnn! Tinatamad akong umupo sa aking kama at inaantok na kinusot-kusot ang aking mga mata. It's only 5:00 am kaya't maaga pa.
Nang medyo mahimasmasan, kinuha ko sa aking side table ang aking cellphone, na nakapag pa ngiti at nakapagpabilis ng tibok ng aking puso.
(4 unopened messages)
Na nanggaling lahat kay Ace.
Isa-isa ko itong binasa habang may munting ngiti sa aking labi na pilit kong pinipigilan.
(Ace)
Don't forget to eat your breakfast before you go. :))
'Wag na magbababad sa gadgets if maliligo ka kaagad para 'di sumakit mga mata mo.
I'll pick you up at 7, 'kay? Don't rush. Take your time, love. Maaga pa naman.
Don't forget your water tumbler, hmm?
Heto nanaman ang kiliti sa aking tiyan, na para bang may mga paru-parong naglalaro roon. Simpleng gestures and words niya lang ay sobra na ang impact saakin. Is it normal?
Tumayo ako sa aking kama at nakangiting inayos 'yon. 'Di ko alam kung ba't ginanahan ako bigla na pumasok! Tho, i still hate mondays!
May ngiti parin sa aking labi at naghuhumm pa ako ng dumaretso ako sa aking banyo upang maligo na, hanggang sa pagligo ay 'di parin mawala mumunting ngiti sa aking labi.
Napailing na natatawa nalang ako sa aking sarili. Humarap pa ako sa salamin sa aking banyo at tinuro-turo ang aking sarili.
"Sari! Are you going crazy na ba?" Natatawang pagkausap ko pa saaking sarili. Nababaliw na nga talaga ako. Ganito ba talaga ang epekto ng inlove?
Nang matapos maligo, dumaretso ako kaagad sa aking walk in closet upang pumili ng susuotin. Naagaw naman ng aking pansin ang isang dress na kaagad nakapagpangiti saakin.
It's a white off shoulder dress na binigay saakin ni Krisha, ang bunsong kapatid ni Ace na nasa new york, pinadeliver niya daw ito para saakin noong saturday. Napangiti ako ng maalala kung paanong inis at parang napipilitan si Ace nang ibigay niya ito saakin.
(Flashback)
It's 6 pm already at napagpasiyahan na naming umuwi. Nauna nang umuwi sina Kelly at Marina habang hatid sila ni Tyler at Ethan.
"Are we going to wake him up? Masarap pa ang tulog niya." Mahinang sambit saakin ni Ace habang tutok ang kaniyang tingin sa aking kapatid na nakahilata sa kaniyang kama.
"Nah, i'll carry him nalang, 'di naman siguro siya magigising." Nakangiti kong sagot. Napalingon naman kaagad siya saakin saka umiling bilang sagot.
"Ako na ang magbubuhat sakaniya." Aapila pa sana ako ng makita ko siyang binuhat na ang aking kapatid na ngayon ay mahimbing ng natutulog sa kaniyang bisig.
Tumango nalang ako sakaniya saka kinuha nalang ang bag na dala ko kanina na may lamang mga gamit ni Riley at ang aking shoulder bag. Medyo malusog kasi si Riley kaya mas pinili ni Ace na siya nalang ang magbuhat sakaniya.
Aayusin ko pa sana ang nagusot na bed sheet ni Ace ngunit 'di ko na magawa ng hapitin niya ang aking bewang at inilayo roon.
"You don't have to." Tutok ang mga matang sambit niya saakin saka kinuha sa kamay ko ang bag na may lamang gamit ni Riley.
Hinayaan ko nalang siya at 'di na kumontra. Mukha namang yakang-yaka niya iyon no!
Nang madaanan naman namin si John sa living room, pilyo itong ngumiti saamin saka nagtaas-baba ng kilay saaming dalawa ni Ace.
BINABASA MO ANG
The One (Creison Academy Series #1) (Saraiyah)
Teen FictionSiya si Saraiyah Vivien Caza, na mas kilala sa nickname niyang Sari. Maganda, mabait, simple, at maraming nagkakagusto sakaniya. Ngunit sa dinami-dami ng pwede niyang magustuhan, sa isang masungit, cold at gwapong si Ace Melfiere pa. Pero kalaunan...