Nang matapos kaming kumain ay kaming girls na ang nagpresintang magliligpit at maghuhugas ng mga pinagkainan. Nasa pool area na silang lahat at inaayos ito.
Nang masiguradong wala nang tao sa kusina biglang nagtitili sina Kelly at Marina sa aking gilid. Nagulat pa ako ng bigla silang tumili! Nang lingunin ko sila nakita ko silang nagyayakapan at para bang kilig na kilig.
Natawa ako sa kanila at tumikhim para makuha ang kanilang atensiyon. At nagtagumpay nga ako! Napatingin sila saakin habang may malapad na ngiti sakanilang mga labi.
"Ahhhh! Sariii! Kita mo na ha? ano 'yung kanina ha? Ba't ang sweet niyo?" Sunod-sunod na tanong saakin ni Kelly at niyugyog ang aking mga balikat.
"Ewan ko, di ko din alam kung bakit ganoon siya saakin, Kelly. I'm also clueless." Naiiling kong sagot sakanila. E totoo naman e! Wala namang kami ni Ace! Di ko rin alam kung anong ibig sabihin ng mga pinapakita niya saakin.
Nanliit naman ang mga mata nila saakin at tinitigan ako, napaiwas ako ng tingin at napalunok sa ginagawa nilang paninitig saakin.
"Hmmm, 'di ka pa nagkakaboyfriend no?" Napalingon naman ako kay Marina ng tanungin niya ako. Agad-agad akong umiling sakaniya.
"Hindi pa.." sagot ko habang tinitignan ang reaksiyon sa kanilang mga mukha.
Napa ohh naman sila sa sinagot ko at parang nagka idea. Napatango-tango pa sila habang nakatitig saakin. Pinagpatuloy ko nalang ang paghuhugas ng plato, si Marina naman ay ang nagpapatuyo nito, at si Kelly naman ang nagpupunas ng mesa.
"Kaya pala wala kang idea sa mga galawan ni Ace." Nangingiting sambit ni Kelly habang patuloy parin sa pagpupunas ng mesa.
"Baby ka pa.. di mo pa nararanasang mainlove, wala ka pang idea sa mga ganoong bagay tama ba?" Napatango ako kaagad kay Kelly na para bang sang-ayon ako sa kaniyang sinabi.
Honestly, walang nagtangkang manligaw saakin, paano ba kasi lagi silang pinag babantaan ni Ethan non. Lagi niyang sinasabihan 'yung mga nagtatangkang manligaw saakin non na isusumbong niya ang mga ito sa mga magulang nila. Umaatras naman sila non dahil sa mga ginagawang pananakot ni Ethan.
Napangiti ako ng maalala ang mga ginagawang kalokohan ng aking pinsan nung mga bata pa kami. Siya rin ang tumatayong kuya ko. Lagi niya akong pinoprotektahan, lagi siyang nandiyan pag kailangan ko siya, at higit sa lahat, lagi niya akong pinagtatakpan kina mommy at daddy sa mga kalokohan ko noon!
Nang matapos kaming magligpit at maghugas ng mga pinagkainan kaagad kaming pumunta sa living room ng bahay at kaagad nilabas ang aming mga gagamitin para sa group project namin.
Nilabas ko kaagad ang yellow pad, ballpen at laptop ko upang maghanda na sa gagawin. Napalingon naman ako kina Marina at Kelly na busy na rin sa paghahanda ng kani-kanilang mga gamit.
Tulad ng pinag-usapan, si Kelly ang nagbasa sa mga hiniram naming mga libro sa library kanina upang kumuha ng mga karagdagang info para saaming topic.
Si Marina naman ay nagsearch sa kaniyang sariling laptop ng mga pwede naming maidagdag sa aming topic at kaagad itong linilista sa kaniyang yellow pad.
Ako naman ay nakatutok sa aking laptop. Ako ang gagawa ng aming presentation. Hinihintay ko lang sila matapos mangalap ng mga impormasyon upang magawa ko na ang aming presentation.
Lahat kami ay seryoso sa aming kaniya-kaniyang ginagawa. Tutok kaming tatlo sa group project namin dahil bukas na namin ito ipepresent! Tahimik ang lahat ng pumasok sina Ethan kasunod sina Tyler, John at Ace sakaniyang likuran.
Walang nag-angat ng tingin saaming tatlo at patuloy parin kami sa paggawa sa aming project. Napagdesisyonan namin kanina na sa sahig kami gumawa. Pare-parehas kasi kaming mas komportableng umupo sa sahig habang nakapatong ang aming mga laptop sa throwpillow na nakapatong naman sa aming lap.
BINABASA MO ANG
The One (Creison Academy Series #1) (Saraiyah)
Teen FictionSiya si Saraiyah Vivien Caza, na mas kilala sa nickname niyang Sari. Maganda, mabait, simple, at maraming nagkakagusto sakaniya. Ngunit sa dinami-dami ng pwede niyang magustuhan, sa isang masungit, cold at gwapong si Ace Melfiere pa. Pero kalaunan...