Nang matapos naming ilagay lahat ng mga napamili namin sa likod ng kotse ay kaagad akong umiwas ng tingin kay Ace. Kaagad kong binuksan ang pintuan ng kotse at pumasok na sa loob.
Ang bilis ng pintig ng puso ko! What was that? Bakit ganoon? Ilang araw palang kaming magkakilala pero bakit ganoon nalang ang nararamdaman ko pag dating sakaniya?
Bakit parang tinutusok ang puso ko tuwing nakikita ko siyang may kausap na iba? Kapag naiiisip kong di niya naman pala nararamdaman ang nararamdaman ko sakaniya? Paano kung ako lang pala ang nakakaramdam ng ganito at para sakaniya'y wala naman?
Ba't nanlalambot ang mga tuhod ko tuwing nagkakatitigan kami? Ba't di ko siya kayang matagalan ng titig?
Ba't naghaharumentado ang puso when he's around? Ba't ganoon nalang ang epekto niya saakin? Ano bang ginagawa mo saakin Ace?
Hindi ba'y sabi nila Kelly at Marina na wala siyang interes sa mga babae? Pero bakit ganito siya saakin? Ba't ganito ang mga aksiyon niya saakin? May kahulugan ba ang mga iyon? O ako lang ang nagbibigay ng kahulugan?
Hindi ba'y dapat cold at wala siyang pake saakin? Sino ba naman ako? Pinsan lang naman ako ng kaibigan niya. Ilang araw pa lang naman kami magkakilala. Pero bakit parang ang tagal na naming magkakilala?
Pero bakit ganito siya saakin? Ba't feeling ko pinoprotektahan at inaalagaan niya ako? Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka ginagamit niya ako para iparanas saakin ang naranasan niya noon sa ex niya. Pero bakit? Bakit ako pa?
Totoo ba ang pinapakita niya saakin? O hindi? Ito ba ang tunay na Ace? Tinutusok ang puso ko ng maisip na hindi tunay at pagpapanggap lang ang mga kabaitang pinapakita niya saakin.
Napabuntong hininga ako at napayuko. Umaandar na ngayon ang kotse and i guess papunta na kami sa kung saan man ang bahay nilang magbabarkada. Hindi ko manlang napansin na umaandar na pala ang kotse sa sobrang pag-iisip ko.
Tumikhim si Ace at lumingon saakin. "Okay ka lang ba? You look... sad." Tila ba hindi pa siya sigurado sa ekspresiyon ng aking mukha ngayon.
Tumango ako sakaniya at tipid na ngumiti. Napabuntong hininga naman siya at parang hindi pa nakuntento sa sinagot ko sakaniya.
"You're not okay, whats wrong hmm?" Bakit ba ganiyan siya? Ba't ang lambing ng boses niya? Totoo ba 'tong mga pinapakita siya saakin? O pinapafall niya lang ako? Halo-halong inis at lungkot ang nararamdaman ko. Nag-iwas ako ng tingin at tumingin sa bintana.
"Okay lang...ako." tipid kong sagot sakaniya. Napailing nalang siya saakin at binalik na ang tingin sa daan. Gusto ko siyang tanungin kung bakit ganiyan na lang ang mga pinapakita niya saakin? Imposibleng magustuhan niya ako! Ilang araw palang kami magkakilala! Saka imposibleng magtiwala at sumugal ulit siya sa pag-ibig dahil sa naging relasyon na noon!
"Were here." He said in a flat tone. Napatango nalang ako sakaniya at lumabas na ng kotse. Binuksan niya naman ang likuran ng kotse at kinuha ang mga plastic na may lamang mga pinambili namin.
Tutulong pa sana ako sa pagbubuhat ng seryoso niya akong tignan at nagsalita.
"Ako na, pumasok kana sa loob maaambunan ka pa pag nagstay kapa rito sa labas." Seryosong sambit niya sabay hagod saakin ng tingin. Suot-soot ko parin ang hoodie niya na nagmukhang dress na saakin. Abot ito hanggang gitna ng mga hita ko.Nang makitang nakatitig pa siya saakin ay agad akong tumalikod at binuksan ang pinto ng bahay at hinintay siyang makapasok.
Hinawakan ko ang pinto para sakaniya. He smiled at me. "Thank you, sige na pumasok kana doon. Kaya ko na to." He assured. Tumango ako sakaniya at pumasok na sa main gate ng bahay. Nandito na siguro silang lahat. Naka park na kasi sa harapan ng bahay ang mga kotse nila.
BINABASA MO ANG
The One (Creison Academy Series #1) (Saraiyah)
Teen FictionSiya si Saraiyah Vivien Caza, na mas kilala sa nickname niyang Sari. Maganda, mabait, simple, at maraming nagkakagusto sakaniya. Ngunit sa dinami-dami ng pwede niyang magustuhan, sa isang masungit, cold at gwapong si Ace Melfiere pa. Pero kalaunan...