kabanata: 15

33 4 1
                                    

Busy ngayon sa paglalaro ng ps4 ang boys, kasama na roon ang aking kapatid. At dahil 'di naman kami naglalaro no'n, nagyaya si Kelly na tumambay muna kami sa garden ng bahay nina Ace.

Masyado pang tirik ang araw kaya 'di kami makapag swimming, tipong parang nakakasunog ng balat ang init. Kaya, baka mamaya nalang kami magswimming nina Kelly at Marina.

Nakaupo sila sa aking harapan, habang may malaking payong na nakatakip sa aming pwesto.

"Pfft.. Kamusta pala ang date niyo ni Kuya, Marina? Oks ba?" Panimula ni Kelly. Oo nga pala! Para makuha ang number ni Ace na ibinigay nila saakin, ibinugaw ng bruhang si Kelly si Marina sa kuya niya!

Napairap naman sakaniya si Marina na parang inis na naalala ang date nila ni Tyler.

"Psh! Kainis kayong dalawa! Magkuya nga kayo!" Inis na ani naman ni Marina kay Kelly. Napahagalpak naman ng tawa si Kelly at napapahampas pa sa lamesa. Natatawang nakikinig lang ako sa asaran nilang dalawa.

"Bakit? Ano bang nangyari sa date niyo ba't parang inis na inis ka ha? Kwento ka naman!" Natatawang sagot ni Kelly kay Marina na hanggang ngayon ay may inis parin sa kaniyang mukha.

"Bwiset! Kainis talaga! Nagtext lang kasi siya saakin na susunduin niya raw ako ng 6pm sa bahay namin, pero wala siyang sinabi kung saan kami pupunta," Panimula ni Marina sa pagkukwento.

"E siyempre wala naman siyang sinabi kung saan kami pupunta, so suot ko lang e jogger pants, saka plain tshirt." Inis parin ang ekspresiyon sa kaniyang mukha habang nagkukwento, habang parang aliw na aliw na bata naman si Kelly sa pakikinig sa kaniyang gilid.

"Ang putcha! Naka formal siya! Samantalang ako, mukha akong namamalimos sa suot ko! Ang nakakainis pa, magpapalit sana ako ng damit pero ang mokong hinila ako kaagad saka isinakay sa kotse niya!" Napahagalpak naman kami ng tawa ni Kelly sa kwento ni Marina. Gosh! Naiiyak pa ako sa tawa, namumula na kasi si Marina sa sobrang inis at parang ready na siyang sugurin si Tyler sa loob upang bigwasan!

"O tapos? O tapos?" Tawang ani ni Kelly kay Marina na irap naman ang isinagot nito.

"Baliw talaga 'yang kuya mo! Kainis! Ayon! Kumain kami sa fancy restaurant ng nagmumukha akong napulot niya lang sa kalsada! Nagmukha tuloy akong maid or p.a ng mokong na 'yon! Habang hiyang hiya at inis na inis ako sakaniya, nagawa niya pa akong inisin at pagtawanan ng mokong! Argh!" Tuluyang napahagalpak si Kelly sa pagtutuloy ng kwento ni Marina. God! Naiiyak na kami sa tawa! Send help!

"Baliw talaga! Maloko talaga kayong magkapatid! Walang duda, magkapatid nga kayo! Kainis!" Inis pa na ani ni Kelly sa naiiyak sa tawang si Kelly sa kaniyang gilid.

Nang medyo humupa na ang tawanan, at ng magsawa na kaming inisin si Marina. Lumipat ang tingin saakin ni Kelly at mukhang ako nanaman ang target netong inisin!

"Ikaw naman, Mare! Kwento ka!" Nakataas kilay niyang sambit saakin. Inirapan ko naman siya, sabi na e! Natatawang hinampas naman ni Marina si Kelly sa braso.

"Ang lakas talaga ng trip mo ano?" Natatawang sambit ni Marina.

Lumingon naman saakin si Kelly at parang hinihintay ang aking kwento.

"Ano namang ikukwento ko?" Maang kong sagot kay Kelly. Napairap naman siya saakin na para bang sinasabi niyang "'wag ka ng magpanggap riyan!"

"Asus! Kunware 'di alam! Kamusta na kayo ni ACE mo? Any improvements?" Talagang idiniin niya pa ang pagkakasabi niya ng Ace!

"Wala, okay lang naman." Tipid kong sagot. Napairap naman silang dalawa saakin. Inilapit pa ni Kelly ang kaniyang mukha saakin at parang inaalisa ang aking ekspresyon.

The One (Creison Academy Series #1) (Saraiyah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon