kabanata: 4

42 20 0
                                    

Kinabukasan, maaga akong nagising para maghanda sa pagpasok. Pumunta agad ako sa banyo upang maligo. Binlowdried ko rin ang aking buhok katapos. Nag-ayos rin ako ng onti. Naglagay lang ako ng onting blush, liptint at pulbo and voila! Pinili ko ring magsuot ng simpleng oversized t-shirt, skinny jeans, at black boots.

Nang matapos mag-ayos ay bumaba na ako agad para makapag almusal na. 7:00 am palang naman. 8:00 am pa naman ang pasok ko kaya may oras pa ako.

"Goodmorning Mom, Dad." Bati ko sakanila ng papasok na ako sa kusina. Si mommy ay saktong papasok rin sa kusina habang may hawak na kape sa kamay na ibibigay yata kay daddy. Si daddy naman ay naka-upo sa usual niyang upuan at nagsasandok ng fried rice. Lumapit ako sakanila at humalik sa pisngi.

"Morning nak, halikana rito! Mag almusal kana." Nakangiting bati saakin ni mommy.

"Si Riley po pala asan?" Tanong ko ng makitang wala pa sa kusina ang aking bunsong kapatid.

"Nako yang kapatid mo talaga. Ayun tulog pa. Mas pinili kong huwag muna siyang gisingin mukhang masarap pa ang tulog e." Sagot saakin ni mom.

"E diba may pasok pa siya mom? Gigisingin ko na po." Akma akong tatayo ng pinigilan ako ni mom at inutusang umupo at kumain muna.

"Mamaya pa namang 9:00 ang pasok ng kapatid mo, hayaan mo muna matulog ako na gigising sakaniya mamaya. Sige na mag almusal kana at may pasok kapa." Nakangiting sambit saakin ni mom.

Nagsandok naman ako kaagad ng fried rice, hotdog at itlog. Mas preferred ko kasi magbreakfast ng kanin kesa bread. Feeling ko kasi di ako nabubusog pagka tinapay lang kinain ko. At di mawawala sa breakfast ko ang coffee! Gosh, i really love coffee! Katapos magsandok ng kakainin kumain nalang ako ng tahimik.

Tumikhim naman si dad at lumingon saakin. Nag-angat naman ako ng tingin sakaniya.

"How's your day?" Seryoso niyang tanong saakin habang nakatutok parin ang mga mata niya sa kinakain.

"Its okay, Dad. I met a lot of friends already and its fun!" Nakangiti kong sagot sabay subo sa pagkain ko.

"Well, that's good. Saka kasama mo naman si Ethan sa school diba?" Sambit niya at lumingon saakin. Si mom naman ay nakatingin rin saakin habang ngumunguya ng pagkain.

"Yes, Dad. Actually yung mga friends niya friends ko na rin." Nakangiti kong sagot at sumimsim sa aking kape.

Tumango-tango naman si dad saakin at nagpokus na sa pagkain.

"Maaga nga pala akong papasok sa trabaho, Sari. Baka si Mang Pedro muna ang maghatid saiyo sa school." Sambit ni dad saakin.

Tumango-tango nalang ako sakaniya at binilisan na ang pagkain.

Nang matapos kumain naghintay nalang muna ako sa living room at nanuod. 7:30 palang naman. Si dad naman umalis na. Papahatid nalang daw ako kay Mang Pedro, yung family driver namin. Nasa taas naman si Mom at inaasikaso si Riley.

Mas piniling mag resign ni mom bilang nurse para mas matutukan ang bunso kong kapatid. Habang naghihintay kay Mang Pedro narinig ko namang nagring ang aking cellphone saaking bag. Dali-dali ko naman itong kinuha at sinagot. Tumatawag si Ethan.

Ethan: ("Hey! Goodmorning! Tinawagan ko si tita kanina kung sino maghahatid sayo sa school ang sabi niya si Mang Pedro raw? Gusto mo ba sunduin nalang kita?") Tanong niya.

Narinig ko namang nagsisigawan ang mga kateam niya sa kabilang linya habang humahalakhak. Nangunguna ang boses ni John! Mukhang may pinagtitripan nanaman sila!

Me:("Nako wag na, Tan! May practice pa kayo hindi ba? Saka hinihintay ko nalang si Mang Pedro. Rineready niya lang ang sasakyan.") Sagot ko sakaniya.

The One (Creison Academy Series #1) (Saraiyah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon