Wala sa sariling naupo ako sa aking pwesto ng may ngiti sa aking labi habang hawak-hawak parin ang pisngi'ng hinalikan kanina ni Ace.
Nabalik ako sa aking huwisyo ng marinig kong tumikhim sa aking gilid si Marina na may mapang-asar na ngisi sa labi.
"Ehem, mukhang ikaw yata ang kailangang magkwento." Mapang-asar niyang sambit.
"Uh-huh." Rinig ko namang sang-ayon ni Kelly habang nakatingin sa kaniyang mga kuko na tingin ko ay bagong manicure.
Napairap naman ako sa kawalan saka hinarap silang dalawa na ngayon ay tutok na tutok na ang mga mata sa akin na tila ba hinihintay talaga nila akong magkwento.
"Heh! H'wag niyong ibahin ang usapan, kayo ang magkukwento saakin mamaya!" Irap kong sambit sakanilang dalawa. Nakita ko namang nagkatinginan silang dalawa na tila nabigo sa kanilang misyon.
Iibahin pa nila ang usapan ah? Hmmp.
"Eh kasi naman, Sari." Sambit ni Kelly na para bang nahihiyang ikwento kung ano na ang namamagitan sakanilang dalawa ng magaling kong pinsan.
"Ay! May lakad pala kami ni mommy after class, naalala ko bigla hehe." Biglaang sambit naman ni Marina sa aking gilid saka nag-iwas ng tingin sa akin.
Wala pa ang aming prof kaya malaya kaming nagkukwentuhan ngayon. Actually late na nga kami e, buti na lang wala si prof. Baka may meeting.
Kaagad akong napairap sa sinabing iyon ni Marina.
"Lulusot ka pa ah? No buts, mamayang break sa canteen." Pinal kong sambit saka nag-iwas na ng tingin sakanila.
Nasabi kasi saakin ni Ace kanina na baka 'di sila makasama mamaya saamin sa canteen upang kumain dahil puspusan na ang practice nila, malapit na kasi ang intrams.
Narinig ko namang bumulong si Kelly kay Marina na 'di ko alam kung bulong ba iyon kasi narinig ko naman.
"Ano na? Naku po! Nakakahiyang ikwento kay Sari ang mga kagagahan natin!" Pabulong na sambit ni Kelly kay Marina na rinig ko naman.
"Ehh, ewan? I guess ikwento nalang natin ang totoo, no secrets na, okay?" Kagat-kagat ang daliring sambit ni Marina kay Kelly. Narinig ko namang bumuntong hininga si Kelly saka tumango.
Mas lalo tuloy akong nacurious. Secret's? Ibig sabihin sa ilang weeks na magkasama silang apat ay may nabubuong sikreto? Hmm
Tuluyan na ngang 'di pumasok ang mga prof kaya napagpasyahan nalang namin na tumambay muna sa field ng school na malapit lang rin sa practice room kung saan nagpapractice sina Ace.
Pumwesto kami sa gilid at piniling umupo nalang sa mga damo. Nang maupo, nakita kong parang nag-uusap thru eyes sina Kelly at Marina na para bang tinatansiya kung sino ang mauunang magkwento sakanilang dalawa.
"Ikaw na!" Agarang sambit ni Kelly kay Marina. Magsasalita pa sana si Marina upang tumutol ngunit naglahad ng kamay si Kelly na para bang makikipag jack n poy ito.
Natatawang napa-irap nalang ako sakanilang dalawa. Maloko talaga 'tong dalawang 'to!
"Hanggang 3 points lang ah! Kung sino natalo siya mauuna!" Sambit ni Marina na kaagad tinanguan ni Kelly saka huminga ng malalim na para bang readyng ready na makipag jack n poy.
Tahimik naman akong naupo habang nanood sa paglalaro nila ng jack n poy. Pareho na silang nakaka 2 points kaya tutok na tutok kaming tatlo kung sino ang mananalo.
"Sandali! Shiz, kinakabahan ako. Time out muna." Sambit ni Kelly saka iniunat ang kaniyang mga kamay saka huminga ng malalim.
Natatawang nagkatinginan nalang kami ni Marina sa ginawa ni Kelly. Loka-loka talaga! Ngunit bago magsimula, nakita ko ring napapikit ng mariin si Marina na para bang kinakalma ang sarili. Napailing ako roon. Kitams, kunwari 'di kinakabahan e!
BINABASA MO ANG
The One (Creison Academy Series #1) (Saraiyah)
Teen FictionSiya si Saraiyah Vivien Caza, na mas kilala sa nickname niyang Sari. Maganda, mabait, simple, at maraming nagkakagusto sakaniya. Ngunit sa dinami-dami ng pwede niyang magustuhan, sa isang masungit, cold at gwapong si Ace Melfiere pa. Pero kalaunan...