kabanata: 9

38 14 0
                                    

Nang matapos kaming magbake ng cookies, kaagad kaming naglakad papasok ng living room upang dalhan ang mga kaibigan namin ng cookies na bagong bake palang.

Hindi pa man kami tuluyang nakakalapit sa kanilang pwesto nalingunan ko na kaagad sina Marina at Kelly na may mapanuksong mga tingin saakin at may mapaglarong ngisi sa kanilang mga labi.

Nang makita ang reaksyon nila sa kanilang mga mukha, nag-iwas kaagad ako ng tingin sakanila. Oh god! I'm sure namumula nanaman ang pisngi ko neto!

"We baked cookies, try them." Casual na sambit ni Ace sabay abot ng dalawang tray ng cookies kina Ethan at Tyler.

"Look's good huh?" Ethan said. Sabay subo ng buong cookies.

"Uhm, 'di ba natin tatawagin si John? Para naman makapagmeryienda rin siya." Sambit ko sakanila. Tumayo naman si Tyler at nagpresinta na siya na raw ang tatawag kay John upang makababa na at makapagmeryienda rin.

"Kain ka na." Ace's voice filled my ear. Tumango naman ako sakaniya. Inabot niya naman ang tray at kumuha ng tatlong pirasong cookies.

Nakita ko namang halos mabilaukan sa kinakain na cookies sina Marina at Kelly na parang sasabog na sa sobrang kilig sa aking gilid. Napalingon ako sakanila at namumula na ang kanilang mga mukha na para bang pinipigilang hwag tumili.

Natawa ako sa naging reaksyon nila at naramdaman nanaman ang kiliti sa aking tyan.

Kinuha naman ni Ace ang aking kamay at nilagay roon ang tatlong cookies na kinuha niya kanina para saakin. Tinanggap ko naman iyon at sinubo ng buo ang isa.

Oh god! Nahihirapan tuloy akong ngumuya! Nauubong tinapik ko si Ace sa kaniyang balikat upang manghingi ng tubig.

"A-ace!" Nabibilaukang sambit ko.

Nang makita niya akong nauubo, kaagad siyang tumayo at kinuha ang tubig sa lamesa na nasa harapan namin. Kaagad niya itong inabot saakin at tinapik-tapik ang aking likuran habang nakatingin saakin ng may pag-aalala sa kaniyang mga mata.

"Are you okay? Ba't ba kasi nagmamadali kang kumain? Take it slow." Malumanay niyang sambit saakin habang may pag-aalala parin sakaniyang mga mata.

"S-sorry." Utal kong sagot. Nakita ko namang tumayo ulit siya at kumuha ng tubig sa kusina. Nalingunan ko naman sina Marina at Kelly na nangingiting nag thumbs-up pa saakin! Sinamaan ko naman sila ng tingin at inirapan.

Nakakahiya! My gad! Narinig ko namang nag-aasaran sina John at Tyler habang pababa sa hagdanan kasabay si Ace na papasok ng living room.

"Here. Drink." Tipid niyang salubong saakin sabay abot ng panibagong isang basong tubig. Tinanggap ko kaagad ito at ininom uli.

"Sabi na e! Magmumukha lang ako'ng walang lovelife dito!" Inis na sambit ni John ng makarating sila sa pwesto namin. Nalingunan ko naman sila Marina at Kelly na makahulugang nakatingin saamin ni Ace.

"Paano ka magkakajowa e playboy kang hinayupak ka? Magtino ka nga!" Pang-iinis pa ni Ethan kay John. Nagsamaan sila ng tingin at mukhang magbabangayan nanaman.

"Stop it, you two." Malamig na sambit sakanila ni Ace. Kaagad naman silang natahimik at nag-irapan nalang sa isat-isa.

Kaagad ko namang kinuha ang aking laptop ng maalalang hindi pa pala kami tapos sa aming groupwork! Muntik ng mawala sa aking isipan!

Nang tignan ko ito, tapos na! Napalingon naman ako kay Ace na tahimik na ngumunguya ng cookies saaking gilid. Inosenteng napalingon naman siya saakin, god! He's so cute!

"N-natapos mo na p-pala?" Utal kong sambit sakaniya nang nakaiwas ng tingin. 'Di ko siya kayang tignan ng matagal! Feeling ko mahuhulog nanaman ako sa ibang dimensyong hatid ng kaniyang mga mata.

The One (Creison Academy Series #1) (Saraiyah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon