kabanata: 12

28 15 0
                                    

Nagising ako ng maramdamang medyo tumama ang sinag ng araw sa aking mukha. Napadilat ako kaagad at naupo sa aking kama. Kinuha ko ang aking cellphone sa aking side table at tinignan ang oras. It's only 6 am in the morning! Maaga pa.

Tumayo ako at hinawi ang kurtina ng aking bintana sa kwarto. Napagdesisyonan kong mag work-out ng kaunti bago maligo at magbihis. Bumaba ako upang kumuha ng tubig. Nang makarating na sa aking kwarto inayos ko kaagad ang aking exercise mat na gagamitin at kaagad na nag stretching bago mag exercise.

Nagpatugtog din ako ng kanta upang mas ganahan ako sa pag wowork-out. Nag plank ako ng 5 mins, at katapos ay nag push up. Usually, nakakaya kong mag push up ng 25 times. Kaya iyon ang ginawa ko.

6:45 am na! 45 mins din akong nagpapawis. Nagpahinga muna ako bago tuluyang makaligo. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext sina Kelly at Marina.

(Sari)

Hey, anong oras kayo papasok?

Habang hinihintay ang kanilang reply sa aking text pumili na ako ng damit na aking susuotin sa aking walk in closet. Pumili ako ng black fitted dress na hanggang sa gitna ng aking mga binti, at denim jacket na pampatong. Pumili rin ako ng simpleng black sandals.

Narinig ko namang tumunog ang aking cellphone kaya't kinuha ko ito. May text message galing sakanila!

(Kelly)

Tinext ko na rin si Marina, maaga tayong papasok para maireview natin ang presentation sa library mamaya.

Okay, that'a a good idea! Although naireview ko na ang topic namin kagabi, mas maganda paring pag-aralan namin 'yon para hindi kami mangapa mamaya.

(Sari)

Okay, okay. That's a good idea! Anong oras tayo papasok?

Napangiti naman ako ng makitang suot-suot ko parin ang hoodie ni Ace. At tila pa nagflashback ang mga nangyari kagabi. Oh my gee! Naalala ko nanaman ang black two piece na naiwan ko sa bahay nila! Gosh! Nahanap na kaya 'yon?

Nagbeep naman ang cellphone ko kaya kaagad akong napatingin roon at naputol ang pag babalik tanaw ko sa mga nangyari kagabi.

(Marina)

Mga 7 or 7:15 okay ba ang oras sainyo? Mahaba haba pa ang oras natin no'n.

(Kelly)

It's okay for me! Ikaw ba, Sari?

(Sari)

Okay lang saakin, kita-kita nalang sa library ha?

(Marina)

Oki! See you girls!

Nagmamadali akong pumasok sa banyo at naligo. Nang matapos, nagbihis at nag ayos ako ng kaunti. Binlowdried ko ang aking buhok at naglagay ng kaunting cheeck tint, pulbo at liptint, then tadah!

Chineck ko ang aking dala at siniguradong wala akong naiwan na gamit. Sinuot ko ang aking sandals at tumingin uli sa salamin upang tignan ang aking mukha.

Nang pababa na ako sa hagdan, nakita kong nasa living room ang aking kapatid at nanonood ng cartoons. Lumapit ako kaagad sakaniya at hinalikan siya sa pisngi.

"Good morning, bunso!" Nakangiti kong bati sakaniya. Kahit na medyo inaantok ang itsura niya, malapad parin siyang ngumiti saakin dahilan kung bakit nakita ko ang ngipin niyang bungi-bungi pa! Argh! So cuteee!

"Good morning, ate!" Malapad ang ngiting sambit niya. Hindi ko na nga pala siya masyadong nabibigyan ng oras dahil sa pag-aaral ko kaya nakaisip ako ng pambawi sakaniya.

The One (Creison Academy Series #1) (Saraiyah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon