kabanata: 20

6 1 0
                                    

Sari's POV

Narinig kong kinakausap nina mommy at daddy ang doctor kaya bahagya kong idinilat ang aking mga mata.

"Mr and Mrs Caza, okay na po ang lagay ng anak niyo. Pupwede niyo na po siyang iuwi mamaya." Ngiting sambit ng doctor kina mommy. Tumango naman si mommy saka ako nilingon kaya agad kong ipinikit ang aking mga mata at nagkunwaring tulog pa.

"Salamat po." Rinig kong ani ni mommy. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto kaya i guess lumabas na ang doctor, at tanging ang mga magulang ko nalang at si Riley ang nasa loob ng aking kwarto.

Wala kasi sina Kelly at Marina ngayon dahil kailangan nilang pumasok sa skwelahan. Ganoon din sina Tyler, Ethan at John.

Si Ace? Hindi na kami nagkita pa simula ng nangyari noong isang araw pero patuloy parin ang pagtetext at pangangamusta niya saakin tru text na hindi ko rin naman narereplyan. Nang malaman ng mga parents ko ang nangyari, hindi na muna nila pinayagang magpunta rito ang magkakaibigang lalaki.

"Mom? Uuwi na po si ate mamaya?" Rinig kong tanong ng aking kapatid na ngayon ay katabi kong nakahiga sa aking kama. Hindi raw kasi siya makatulog ng hindi ako katabi. Namiss niya raw ako.

"Oo, baby. Uuwi na si ate mamaya." Rinig kong sagot ni mommy sa aking kapatid. Hindi rin nagtagal ay idinilat ko na rin ang aking mga mata.

Hoo! Hirap magtulog-tulugan ah!

"Oh anak, okay na ba ang pakiramdam mo?" Tumango nalang ako sa tanong ni mommy saka umupo sa kama.

"Pwede ka na raw lumabas mamaya, Sari." Panimula ni daddy. Ang seryoso niya. "Ayoko ng makarinig ulit ng ganitong balita, nagkakaintindihan ba tayo?" Kaagad akong tumango sa sinabi ni daddy. Kahit na 'di siya magtaas ng boses, alam kong galit siya dahil sa nangyari.

"Opo, dad." Napayuko ako.

Naramdaman ko namang may yumakap saaking munting mga braso at hinalikan ako sa pisngi.

Dahil doon ay gumaan ang pakiramdam ko at napangiti. "Ate, are you okay na po?" Pagkausap saakin ng aking kapatid.

"Yes. Ate is okay na." Ngiti kong sagot saka pinisil ng marahan ang kaniyang pisngi. I love him. I love my brother, big time!

"'Wag kana po ulit magpapaulan, ha?" Napahagikgik ako saka nilingon si mommy na ngayon ay nakangiting nakatingin saaming dalawa ni Riley.

He's so sweet. "Yes po. 'Di na mauulit." Malapad na ngiting sagot ko.

.....

Ilang oras na ang nakalipas at nag-aayos na ng mga gamit ko si mommy. Si daddy naman ay nasa labas na upang i ready ang aming sasakyan.

Si Riley naman ay nasa aking gilid at enjoy na enjoy sa kinakain niyang donuts.

Kinalabit ko siya kaya napaharap siya saakin. "Penge." Sambit ko saka itinuro ang lalagyan ng donuts na yakap-yakap niya.

"Ate naman e. Bawal ka sa sweets sabi ni mommy." Pagdadahilan niya.

Liningon ko naman si mommy na ngayon ay napapailing habang nakangiting nakatingin saaming dalawa.

"Anak, pwede ng sweets ang ate mo. Pero, 'wag lang sosobra. Pati na ikaw, bawal kumain ng madaming sweets." Ani ni mommy ng nakangiti.

Liningon ko naman ay bubwit sa aking tabi saka siya nginisian.

"Ay pwede pala? Rinig ko si mommy kanina sabi hindi e." Aniya pa. Nginisian ko nalang siya saka dumekwat ng donuts sa lalagyan.

Hindi pa ako pinayagang gumalaw-galaw ni mommy dahil may konting hilo pa akong nararamdaman. Medyo kumikirot pa rin ang ulo ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The One (Creison Academy Series #1) (Saraiyah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon