Natapos ang klase ng walang pumapasok na prof kaya napagdesisyonan nalang naming tumambay muna sa garden ng school habang hinihintay ang sunod na klase. Nagkwentuhan nalang kami about sa mga kaibigan ng kuya ni Kelly. At dahil curious din ako nakinig nalang ako sa walang prenong bibig nila sa pagkukwento.
"So, umpisahan natin kay kuya muna." Nakangising sambit ni kelly at nakakalokong tumingin kay Marina. Tumikhim naman si Marina at awkward na ngumiti.
Okay, mukhang madami nga akong dapat malaman. Sila kaya? Ang kuya ni Kelly at Marina? Pero parang di naman sila. Para ngang umiiwas si Marina sa kuya ni Kelly kanina e.
"So, apat silang magkakaibigan. Si kuya, Ethan, John, at si Ace." Panimula ni Kelly. Sabay ngiti niya saakin katapos banggitin ang pangalan ni Ace.
"Halos lahat naman sila sa team magkakaibigan. But sila talaga ang magkakasama. Highschool palang kasi e magkakaibigan na sila kaya malapit sila sa isat-isa. Si kuya ang pinakamatanda sakanila. He's already 20 years old, 2nd year college. Captain din siya ng basketball team nila and med ang tinetake niyang course, pagdodoktor. Annnd! Nanligaw siya kay Marina but unfortunately, di naging sila dahil sa isang babaeng nagkagusto kay kuya noon." Mahabang sambit ni Kelly. Tumingin siya kay Marina na para bang sinasabihan niya ito na ituloy niya ang kwento.
Huminga ng malalim si Marina at nag-angat ng tingin saamin.
"Nanligaw siya saakin noon but gaya nga ng sabi ni Kelly hindi na dumating sa point na naging kami. May sumulpot kasi na babae noon. Di pa kami magkaibigan ni Kelly noon kaya wala akong mapagtanungan kung totoo ba yung pinagsasabi n'ong babaeng yon saakin na sila na daw ni Tyler. Inaamin ko, sobrang immature ko pa nung time na yun syempre bata pa ko and di ko pa talaga alam maghandle ng isang relationship. First boyfriend ko sana si Tyler non but yun nga and mali din ako kasi di ako nagtiwala sakaniya. Naapektuhan ako agad sa mga pinagsasabi noong babae." Naluluhang patuloy ni Marina. Lumapit naman kami ni Kelly sakaniya at tinahan siya.
"Ang sabi ko sakaniya noon, kelangan ko munang maging mature mag-isip. Ang sabi ko pa, sana mahintay niya ako. Naniniwala ako na kung para saatin, para saatin talaga. Kung hindi naman hindi talaga. Pero mukhang di niya na ako nahintay pa." Pagod na ngiti niya samin habang lumuluha parin.
"Mahal ko siya. Minahal ko siya. Pero di ko alam kung ganon pa rin ang nararamdaman niya saakin." Humahagulgol na sambit niya.
"Shhh! Its okay! Naniniwala ako na mahal ka din niya. You just have to wait for the perfect time na ibibigay ni Lord sainyo." Nakangiti kong sambit sakaniya habang yakap yakap parin namin siya ni Kelly. Ngumiti naman siya pabalik at huminga ng malalim.
"Ano ba iyan. Nagdrama na ako! Itutuloy ko na ang kwento!" Natatawa niyang sabi at pinunasan ang mukha niyang may kaunting luha.
"Next is, John David Montenegro. Kilala yan dito sa school. Well halos naman sila sikat sa school. Maraming humahanga sakanila specially girls dahil nga ang gugwapo. Pero yang si John? Nako sari! Lumayo-layo ka sa mokong na iyan! Playboy yan! Halos ata bawat week iba-iba girlfriend niyang mokong na iyan e! Siya naman ang pinaka bata sa magkakaibigan. He's only 18 years old. 1st year college. Natatawa naman akong tumango-tango kay Marina. Si Kelly naman ayon humagalpak na sa tawa. May pa hand gesture at pag-irap pa kasi si Marina sa pagkukwento.
"Kita mo ba kanina yung galawan niya? Nung nagpakilala siya sayo? May pakindat-kindat pang nalalaman ang mokong!" Inis na sabi pa ni Marina. Humagalpak nalang kami ng tawa ni Kelly dahil sa pinagsasabi ni Marina. She really hates him huh?
"Okay, okay next! Chill ka lang! Puso mo mare, nakuu!" Natatawang sambit ni Kelly. Pinunasan niya pa ang gilid nang kaniyang mata. Naiyak kakatawa! Bwiset! Hahaha!
BINABASA MO ANG
The One (Creison Academy Series #1) (Saraiyah)
Novela JuvenilSiya si Saraiyah Vivien Caza, na mas kilala sa nickname niyang Sari. Maganda, mabait, simple, at maraming nagkakagusto sakaniya. Ngunit sa dinami-dami ng pwede niyang magustuhan, sa isang masungit, cold at gwapong si Ace Melfiere pa. Pero kalaunan...