kabanata: 18

8 2 0
                                    

Kakatapos lang ng break nina Ace. Naglalakad na kami ngayon papunta sa next class namin. Nauuna ako sa paglalakad at nasa likuran ko naman sina Marina at Kelly na naglalaro sa kani-kanilang cellphone.

Kung tutuusin pwede pa kaming magstay sa practice room nina Ace dahil maaga pa naman. Pero mas pinili kong maghintay nalang sa room at sumunod naman saakin sina Kelly at Marina.

'Di parin maalis sa isipan ko ang nangyari kanina.

Throwback...

Wala paring mababakas na kahit anong emosyon sa mukha ni Ace ng ibinaba niya ang tawag.

"Sinong tumawag?" Kuryoso kong tanong sakaniya. Napalingon naman siya saakin saka hilaw na ngumiti.

Umiling lang siya saakin saka nag-iwas ng tingin. Nakaramdam naman ako ng inis sa naging sagot niya saakin. Para siyang may itinatago.

'Di nalang ako umimik saka ipinirmi ang tingin sa aming mga kaibigan na nagtatawanan 'di kalayuan sa pwesto namin.

Ilang minuto ang lumipas at nandoon parin ang tensyon sa pagitan namin ni Ace. Mukhang wala talaga siyang balak sabihin kung sino ang tumawag kanina. Well, 'di ko naman gustong malaman dahil nagseselos ako, gusto kong malaman dahil sa naging reaksyon niya kanina. It bothers me! Oo nga't madalas siyang cold at walang reaskyon pero may mali talaga! And i can feel it.

Wala paring umiimik sa aming dalawa. Tanging naririnig lang ay ang tawanan nina Kelly, Marina at John 'di kalayuan saamin.

Nakita ko naman sa aking peripheral vision na nakatingin saakin si Ace. Lumingon ako sakaniya at kaagad kong natagpuan ang kaniyang mga mapupungay na matang nakatutok saakin. May bahid itong pagod. Maliban roon 'di ko na mabasa ang kaniyang reaksyon.

Tumikhim ako saka tumayo. Napalingon naman saakin si Kelly ng may pagtatanong sa kaniyang mga mata na i guess kanina pa nanonood saamin ni Ace dahil mukhang nakita niya ang 'di namin pag-uusap dalawa.

"Mauuna na ako, may next class pa kasi kami." Pauna kong paalam kay Ace na ngayon ay nakatayo na saaking gilid. He's towering me kaya kailangan ko pang tumingala para makita ang reaksyon niya.

Parang kinurot naman ng paulit-ulit ang puso ko ng makitang walang kahit anong bahid ng reaskyon siyang isinagot saakin. Nag-iwas ako ng tingin sakaniya. "Bye." Paalam ko na tinanguan niya lamang.

Nang makababa ako sa bleachers, sinalubong kaagad ako nina Kelly at Marina na may pagtatanong sa kanilang mga mata. Umiling lang ako bilang sagot saka nagpatuloy sa paglalakad paalis sa practice room. Nakita ko pa ang mga tingin saakin nina Tyler, John at ang aking pinsan na si Ethan.

Nang malagpasan ko na sila, narinig ko pang sumigaw si Ethan.

"What the hell happened huh?" Sigaw niya kung kanino. 'Di ko na inalam at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Nasa likuran ko naman sina Kelly at Marina.

Present..

Nang makarating sa room kaagad kong ipinasak saaking tainga ang earphones na dala saka ikinonekta ito saaking cellphone. Umupo naman saaking harapan sina Kelly at Marina na tutok na tutok parin ang mga mata saakin na para bang inaalisa ang aking mukha.

Pipindutin ko na sana ang 'play' upang magpatugtog ng kanta ng hinablot saakin ni Kelly ang cellphone. Si Marina naman ay kaagad na tinanggal ang earphones na nakapasak saaking tainga saka mabilis na itinago ito sakaniyang bulsa.

Sinamaan ko naman sila ng tingin saka inirapan.

"Give me my phone and earphone." Walang emosyong saad ko. Nagkatinginan naman sila na para bang nag-uusap thru eyes saka sabay na umiling saakin.

The One (Creison Academy Series #1) (Saraiyah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon