kabanata: 19

6 2 0
                                    

Third Person POV

Kasalukuyang nasa living room ang magkakaibigang sina Ethan, Tyler at John. Walang nagkikibuan, napakatahimik ng paligid at tanging ang nakabukas na tv lamang ang naririnig.

Matalim na tinignan ni Ethan ang ngayo'y pababang si Ace na nanggaling sa guest room para asikasuhin ang babaeng dinila niya roon kanina.

Napansin nina Tyler at John ang matalim na pagtingin ni Ethan kay Ace kaya't hinawakan nila ito sa braso upang kumalma.

"Who's that slut huh?" Seryoso ngunit nanunuyang tanong ni Ethan sa seryosong si Ace.

"What the f*ck did you just said?" Malamig na tanong naman pabalik ni Ace kay Ethan.

"I said that girl is a slut! You promised to Sari, right? Malamang ay naghintay 'yon sa school, habang ikaw? Mas inuna mo pa ang babae mo!" Inis na singhal ni Ethan at matalim na tinitigan si Ace.

Nang marinig ang sinabi ni Ethan, napamura ng mahina si Ace saka nanlumo.

"Damn! I forgot to call her. F*ck!" Akmang icacall na sana ni Ace si Sari ng biglang tumunog ang cellphone ni Tyler. Napalingon ang lahat sa kaniya. Kaagad namang sinagot ni Tyler ang tawag.

"I loudspeaker mo." Bulong pa ni John sa kaniyang gilid na sinunod naman ni Tyler.

"Kuya! We're at the ******** hospital i need you here! Come faster!"  Natatarantang ani ni Kelly sa kabilang linya na ikinatakha nilang lahat.

"Why? Ba't nasa hospital kayo? Anong nangyari?" Nag-aalalang sagot ni Tyler sa kapatid.

"Kuya si S-sari! Please! Please! Come here now! I-i don't know w-what to do!"  Umiiyak na sagot ni Kelly sa kaniyang kuya.

"Okay, just stay calm, papunta na kami." Pinutol na kaagad ni Tyler ang tawag at kinuha kaagad ang susi ng kaniyang susi habang parang naestatwa naman sa kinatatayuan si John at 'di magawang gumalaw.

Kukunin na sana ni Ace ang kaniyang susi ng bigla siyang suntukin ni Ethan sa mukha. Napaupo ito sa sobrang lakas. Dahil doon natauhan ang kaninang tulalang si John at kaagad na pumagitna sakanilang dalawa.

"Kapag may nangyaring masama sa pinsan ko hindi lang 'yan ang aabutin mo, Ace. I promise you that!" Huling sambit ni Ethan kay Ace na ngayon ay dumudugo na ang labi dahil sa suntok na natamo. Kaagad na umalis roon si Ethan at lumabas ng bahay upang mauna na sa hospital.

Nagulat naman si Tyler sa nakita. Tinulungang tumayo ni John si Ace na parang wala sa sarili, lumapit naman kaagad sakanila si Tyler.

"What happened? Wth bro, ba't dumudugo 'yang labi mo? Nasubsob kaba?" Seryosong tanong ni Tyler kay Ace na ngayon ay masama ng nakatingin sakaniya. Mahinang humagikgik naman sa gilid si John ngunit natigil kaagad ng sinamaan siya ng tingin ni Ace.

"F*ck! It's all my fault! Damn it!" Huling sambit ni Ace bago tuluyang iniwan ang dalawa sa loob ng bahay saka kaagad dumaretso sa garahe ng bahay.

Nang makaalis, tinapik naman ni Tyler ang balikat ni John na sinusundan parin ng tingin ang bulto ni Ace palayo sakanila.

"Anong nangyari? Saka ba't wala na si Ethan? Nauna na ba siya sa hospital?" Sunod-sunod na tanong ni Tyler kay John.

"Ohh! Hinay-hinay lang! Mahina kalaban." Pagbibiro pa ni John. Binatukan naman siya kaagad ni Tyler. Akmang babatukan siya ulit ng lumayo siya rito saka nagsalita.

"Eto na, eto na! Sasagot na ng maayos! Ba't ba ang iinit ng ulo ng mga tao ngayon? Chillax lang!" Paunang sambit ni John. Tinignan lang siya ni Tyler. Napatikhim nalang siya saka nailing.

The One (Creison Academy Series #1) (Saraiyah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon