Agad iyong idenelete ni Shaun at hinagilap pa kung may natira. Nakita niya pa iyon sa recently deleted kaya agad niya din iyong binura.Ipinukpok ni Shaun ang cellphone nung lalaki sa mismong ulo nung lalaki at pabatong binitawan siya.
"Sa susunod na gawin niyo 'yan, hindi ako magdadalawang isip na ipakulong kayo. Kung sa mga nanay niyo at mga kapatid na babae gawin yan, nakakatuwa ba?!" sigaw ni Shaun.
Dahil sa inis ay muntik na niya itong masuntok. Buti nalang at agad ko siyang napigilan.
Ipinulupot niya sa bewang ko ang jacket. Baka daw kasi kapag nakatalikod na kami ay picturan nanaman.
Dali dali nalang kaming pumasok sa kotse. Buong biyahe ay walang gustong magsalita. Alam kong galit si Shaun. Sobrang higpit kasi nang hawak niya doon sa manibela.
Siguro kung nagsasalita yung manibela, magrereklamo na yun.
Pag-uwi ay siya na ang nagbuhat ng mga gamit ko.
Hindi ko nalang muna siya kinausap. Baka masigawan ako eh.
Pagpasok sa bahay, dire-diretso siyang pumunta sa kwarto. Sumunod nalang din ako dahil magpapalit ako ng damit.
Habang kumukuha ako ng damit sa closet, bigla siyang nagsalita. Nakahiga kasi siya sa kama habang nakapikit.
"Sa susunod, hwag ka nang magsususuot ng ganon kaikli. Nababastos ka pa." aniya.
"Eh anong gusto mong isuot ko? Leggings? Eh hindi ako sanay lumabas ng bahay nang hindi maikli ang pang-ibaba ko."
Alam ko na kung saan mapupunta 'to. Syempre, babae ako. Papatalo ba ako sa away?
"Oo alam kong babae ka. Pero, iwas-iwasan mo yung pagsusuot ng ganon kaikli. Sinasabihan lang kita dahil ikaw lang rin ang nagbibigay ng motibo sa kanila para bastusin ka."
"Wow! Bakit parang kasalanan ko? Ako ba yung nagpicture?! Hindi naman diba!? At saka anong nagbibigay ng motibo? Hindi ba pwedeng nasanay lang ako na ganon magsuot!? Ang sakit mo naman magsalita." litanya ko at pumasok sa banyo para magbihis.
Nakakainis siya! Ano bang pakealam niya ha!?
Pagkatapos kong magbihis, napaatras pa ako nang buksan ang pinto. Agad kasing bumungad sa akin ang mukha ni Shaun.
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Anong nakain nito?
"I'm sorry sa sinabi ko kanina. Nadala lang ako kasi ayokong nakikita na may binabastos na babae. Sorry." sabi niya.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bumitaw na siya at hinalikan ako sa noo. "Matulog ka na." aniya pa. Tango nalang ang naisagot ko at dali-daling pumunta sa kama.
Anong oras na pero hindi pa rin ako makatulog. Naaalala ko yung kanina. Okay lang sana kung yakap lang pero may kasama pang halik sa noo.
Napaupo ako sa kama at nahagip ng paningin ko si Shaun na natutulog sa sofa. Isang unan at isang kumot lang ang nasa kaniya.
Bakit ang lakas ng epekto mo sa akin?
Bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig. Eto ang palagi kong ginagawa para makatulog ako.
Madaling araw na pero hindi ako dinadapuan ng antok. Kailangan ko na sigurong humingi ng sleeping pills kay Caila.
Speaking of that girl, inosenteng doktor sa umaga, wild na partygirl sa gabi. Ang tagal na rin nung huli kaming magkita dahil busy siya. At ako naman, sa company namin.
Nagtataka nga ako kung bakit naging doktor yun. Kalahati sa kaniya, pag-aaral. Kalahati naman, pagbabar. Pinanganak yata 'yon sa bar.
At isa pa, hindi niya pa alam yung tungkol sa kasal-kasal namin ni Shaun.
Literal akong napatalon sa gulat nang marinig ang sigaw ni Shaun.
"A-ano bang problema mo bakla!?" sigaw ko sa kaniya.
"A-akala ko iniwan mo ako." nahihiyang aniya.
"Bakit naman?"
"Kasi nagagalit ka sa kanina." aniya.
Hindi ko talaga alam kung sino ang babae sa aming dalawa.
"Hindi naman ako nagalit. Nainis lang ako dun sa sinabi mo. Eh paano, never akong nasanay magsuot ng mahahabang damit. Mahilig ako sa mga skirts, shorts, palda. Di'mo na maaalis sa akin yun." paliwanag ko.
Pero sa kabilang banda, natuwa naman ako sa ginawa niya. Kasi nagpakalalaki siya kahit mukhang bakla. May respeto siya sa mga babae na ikinatutuwa ko.
Nagpalipas nalang muna kami sa kusina. Syempre hindi mawawala ang bangayan. Hanggang sa dalawin kami ng antok.
Sabay na kaming umakyat sa kwarto. Naguilty naman ako kase sa sofa siya natulog.
"Ah. Shaun.." tawag ko at tumingin naman siya sa akin. "Mahihirapan ka diyaan sa sofa kasi maliit lang yan. Para di ka mahirapan.." sabi ko at kumuha ng isa pang kumot. "Dito ka na sa sahig matulog. Nakakaguilty kasi eh. Nagsusumiksik ka diyaan sa sofa baka sumakit katawan mo." sabi ko at pinagpagan ang kumot.
Nalaglag naman ang panga niya at napatakip nalang ng mukha gamit ang palad.
"Ikaw, akala ko pa naman concern ka sa akin."
"Concern na nga ako sayo. Kaya nga sa sahig kita pinapatulog kesa naman mamaluktot ka riyan sa sofa 'di ba?Edi dito sa sahig, pwede kang mag-unat unat, pwede ka pang gumulong-gulong."
"Hay ewan ko sayo babae." aniya at humiga nang patalikod sa akin at nagtakip ng unan.
Ayaw niya pa nun? Ang bait ko na nga sa kaniya. Natulog nalang din ako. Atleast alam kong hindi sasakit yung katawan niya.
BINABASA MO ANG
Seul L'amour
Romance"Heart's greatest enemy is... The truth" Date Started:April 21, 2020 Date Ended: April 26,2020 ALL RIGHTS RESERVED