Chapter 19

16 5 2
                                    

" K-kanina pa ako nandito Shaun.. N-narinig ko lahat.. A-alam mo yung.. Yung araw na p-pumunta kami n-ni Keli sa park p-para puntahan ka? A-aamin na ako s-sayo nun.. K-kaso nalaman ko, g-gusto ka din ni Keli.. K-kaya nagparaya ako.. "paliwanag ko kahit umiiyak ako. Agad ko naman itong pinunasan at ngumiti sa kanila." N-nagparaya ako kasi k-kaibigan ko si Keli.. K-kaya kahit masakit, h-hindi ko i-inamin sayo.. "

" Rachielle... "

" T-tapos malalaman ko--h-hindi mo ako hinanap n-nung umalis ako.. S-shaun, di ba kaibigan m-mo ako dati? B-bakit ganon? I-inaalala pa man k-kita na b-baka malungkot ka... Na b-baka n-namimiss m-mo ako.. S-shaun, akala ko kasi mahalaga ako... "

Gusto ko pang magsalita pero parang hindi ko na kaya. Gusto ko nalang umiyak ng umiyak ng umiyak. Pero isang tanong nalang, isang tanong nalang at lalayo na ako.

" S-shaun.. Kahit ba.. Kahit ba h-hinahanap mo si Keli, s-sa sandaling p-panahon na magkasama tayo, m-minahal mo ako?"

Nanatili siyang tahimik.

"Shaun.. P-please.. S-sagutin mo naman.. S-sobrang sakit n-na kasi.."

Napatingin ako kay Raquel na ngayon ay nakayuko at parang tuliro dahil nilalaro ang daliri niya.

"Shaun.." pagmamakaawa ko.

"Sorry Rachielle. I only liked you. Pero hindi yun pagmamahal na kay Raquel ko lang naramdaman noon.." sagot niya na nakapag-paiyak sa akin ng sobra.

"S-shaun bakit? B-bakit mo ako sinasaktan? N-nag-assume ako. N-na baka m-may pag-asa a-ako sayo.. S-shaun.. B-bakit tayo ganito?" umiiyak na tanong ko.

"I'm sorry.." tanging sinasabi niya lang.

Susuko na ako.. Hindi na ako ang pinili..

Dahan-dahan akong lumapit kay Raquel.

"H-hey.. I-ikaw ha. H-hindi mo sinabi n-na ikaw p-pala yan.. N-namiss kita.." sabi ko at niyakap siya. Doon ako tuluyang humagulgol pero hindi ko tinodo.. Nang humarap ako sa kaniya, "W-wag mong s-sasaktan yan ha? K-knight in shining a-armor pa natin d-dati yan.. A-ang saya ko.. K-kasi nakumpleto na tayo.." huling nasabi ko bago ko sila iwanan doon.

Pagdating ko sa ibaba, nakasalubong ko si Mommy.

"Anak? Okay ka lang ba?" tanong niya na sobrang nakapag-paiyak sa akin.

Kaagad naman niya akong niyakap. Gusto kong ilabas lahat ng sakit.

Bakit ganon? Ang sakit kapag nagpaparaya ka... Pero alam mong may sasaya kapag ginawa mo yon....

Akala ko, ako ang pipiliin niya.. Pero napatunayan kong.. Kahit ikaw pa yung magstay,kahit ikaw pa yung matira,at kahit ikaw pa yung magmahal,kung hindi ikaw ang pipiliin, hindi talaga ikaw.

Nang humina ang pag-iyak, pumunta ako sa stage. Nagtaka pa si Mommy at sinabing huwag akong pupunta doon ng ganon ang ayos pero hindi ko siya pinakinggan.

"C-can I have your attentions please?"

Napalingon naman silang lahat sa akin at rinig ko ang bulungan na namutawi sa buong lugar. Alam kong dahil sa itsura ko pero hindi ko na inintindi. Basta masabi ko lang ang pakay ko sa mikropono na to.

"T-the party is over.. At, wala ng kasalang magaganap.. Thank you sa time niyo at sa pagpunta dito. Ako na ang nagsasabi. Walang kasalang magaganap.. Dahil hindi na ako.." sabi ko at naiyak na naman.

Agad akong dinaluhan ni Caila at inakay papunta sa second floor at pumasok kami sa isa sa mga bedroom.

" Hoy... A-anong nangyari? "nalulungkot na tanong niya.

" C-cai... Ang sakit sakit... Sobrang sakit.. B-bakit hindi nalang ako.. Bakit siya pa... "tanging nasabi ko nalang at nag-unahan ang mga luha sa mukha ko.

Narinig kong bumukas ang pinto. Akala ko ay si Shaun pero si Mommy pala. Pinalabas niya muna si Caila at inutusan akong humarap sa kaniya.

Nang humarap ako, hindi ko na napigilang yumakap kay Mommy at umiyak ng umiyak.

Naramdaman kong tinapik-tapik niya ang likod ko.

"Alam ko ang lahat Rachielle.." sabi niya at hinarap ko siya kahit na namumugto ang mata ko. "Alam ko ang naging plano niyo ni Shaun.. Narinig ko yun nang bumisita kayo sa bahay ko." sabi niya at naalala ko ang araw na yun.. Nung sumakit ang ulo ko at pinag-usapan namin ang tungkol doon. "Anak, hindi niyo naman kailangang gumawa ng ganong plano. Pwede mo namang sabihin sa akin kung ayaw mo. Tinatakot lang kita noon pero hinihintay ko na magpumilit ka sa akin na hwag nang ituloy pero hindi mo ginawa.. Ayaw kong nakikita kitang nasasaktan. Tignan mo tuloy ang kinalabasan ng plano niyo. "sabi niya.

Oo.. Tama si Mommy. Dapat nung una pa, pinilit ko na siyang hwag ng ituloy ang kasal. Pero hindi ko man lang ginawa.

" Anak, hindi mo kasalanan na hindi ka pinili. Nagkataon lang na nagmahal ka ng tao na nakatakda na sa iba. "sabi pa niya at hinaplos ang ulo ko.

Sa mga salitang sinasabi ni Mommy, feeling ko tinotorture ako. Gusto kong sabihing tumigil na pero tama ang mga sinasabi ni Mommy.





Seul L'amourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon