"Tita, good day po. Buti at pumasyal kayo dito?" Nakangiting salubong ni Shaun at humalik sa pisngi ni Mommy.
"May gusto lang sana akong itanong sa inyo eh." nakangiting sabi ni Mommy.
Nagkatinginan naman kami ni Shaun.
"Ah tita. Ayaw niyo po bang sa kusina nalang tayo mag-usap? Nagluto na din po kasi ako eh." yaya ni Shaun.
"Ah ganun ba. Oh sige." inalalayan naman siya ni Shaun. Ako naman ay binitbit nalang ang juice ni Mommy at sumunod sa kanila.
Habang kumakain kaming tatlo, doon na ulit nabuksan ang dapat na pag-uusapan namin kanina.
"Ang daddy mo Shaun, nagtatanong na kung kailan niyo binabalak ikasal?"
Ayan na naman.
"Mommy, di ba napag-usapan na natin to?" tanong ko.
"Oo nga anak. Pero ang nakausap ko ang daddy ni Shaun. Kung ieenjoy niyo muna, bibigyan pa namin kayo ng tatlong buwan. At pagkatapos ng tatlong buwan na iyon, ikakasal na kayo." paliwanag ni Mommy.
September na ngayon. So sa January?! Kailangan na nga naming bilisan ang plano.
" Ah.. S-sige po.. Payag kami sa tatlong buwan. "pagdedesisyon ni Shaun.
Nang makauwi si Mommy, pareho kaming tulala ni Shaun habang nakaupo dito sa sofa. Matagal na ang tatlong buwan. Siguro bago matapos ang December, tapos na din yung plano.
" Pano yan? "tanong niya sa akin..
" M-matagal tagal naman ang tatlong buwan. Ang kailangan lang natin gawin, pauwiin na yung kaibigan ni Caila. Kasi kung patatagalin pa niya yung pag-uwi niya ng Sabado, lugi na talaga tayo. "sabi ko.
Tinawagan ko naman si Caila.
" Oh? "
" Cai, we need your help. Pwede mo bang sabihin sa kaibigan mo na kung pwede, umuwi siya ng Martes? "tanong ko.
" Uhm. Sige. Sasabihin ko sa kaniya. Buti at napabilis? Nagkaproblema ba? "
" Bumisita dito si Mommy kanina. May tatlong buwan nalang kami hanggang sa ikasal kami. Hindi namin magagawa kung sabado pa uuwi yung kaibigan mo. "
" Okay. Sige. Ako nang bahala. Sasabihin ko, martes. Ciao!"
Mabuti nalang at hindi nagpaparty si Caila ngayon. Kung hindi, baka wala na akong buhok kasasabunot sa sarili ko. Nakakastress ang araw na to para sa amin ni Shaun.
Dumaan ang ilang araw at heto kami ngayon, naghihintay na kami sa paparating na kaibigan ni Caila. Nandito kami sa airport. Hindi siya nakasama dahil may biglaang pasyente siya.
Sinabi niya nalang ang suot ng kaibigan niya para mas mabilis daw naming mahanap. Nagsulat na din kami sa isang cartolina ng pangalan nung kaibigan niya.
Nang palabas na ang mga tao, isang maganda at matangkad na babae ang lumapit sa amin.
"Hi po! Kayo ba yung couple na sinasabi sa akin ni Cacai?" nakangiting tanong niya.
"So, you must be Raquel? Raquel Serro?" tanong ko at magana naman siyang tumango. "Tara na sa sasakyan." aya ko sa kanilang dalawa.
Pagdating sa sasakyan, naunang sumakay si Raquel. Pangalawa naman si Shaun at panghuli ako. Bale nakagitna sa amin si Shaun.
"Nasabi na ba sayo ni Caila yung tungkol sa plano?" tanong ko.
"Ah opo. Hanggang ilang araw po ba?" tanong niya.
"3 months."
"3 months!? Yess!" napasigaw siya sa tuwa. Siguro ay dahil sa matagal siyang makakapagstay dito.
"Don't worry. Babayaran kita."
"Salamat talaga ate." nakangiting aniya at tumingin na sa bintana.
Maganda siya, maputi, mapayat pero may shape ang katawan, ang buhok ay hanggang bewang at medyo maliit ang mukha. Bagay na bagay para sa gagawin namin.
Kinuhanan ko nalang muna siya ng unit niya at tuwang-tuwa naman siya.
Doon namin sinimulan yung gagawin.
"Raquel, ang gagawin mo lang, kunwari ay matagal na kayong nagkikita ni Shaun. Parang ipapalabas natin na may kabit si Shaun. Ganun lang. Pero wag mong mamasamain ha? Para lang hindi matuloy yung kasal."
"Ay okay lang po sa akin yon ate. Ilang taon ka na?" tanong niya.
Siguro madaming nalunok na vitamins to kaya ganadong ganado.
"26 na ako. Ikaw ba? 23?25?"
"Ay 26 na din ako. Akala ko ay 30 na kayo." pagkatapos iyong sabihin ni Raquel ay narinig ko ang malutong na tawa ni Shaun.
Mataray ko naman siyang tinignan kaya natahimik siya. Bumaling nalang ako kay Raquel at nginitian siya ng pilit. Kanina pa kasi masama amg vibes ko dito sa babaeng to eh. Hindi ko alam kung bakit. Siguro nagkita na kami dati, hindi ko lang matandaan.
Hinayaan ko munang mag-usap yung dalawa. Nafifeel ko na magkakilala sila. Pero hindi ako sigurado.
Nagpaalam na din kami kay Raquel dahil kailangan na naming umuwi. Mukha pa siyang nalungkot dahil mag-isa lang siya pero sinabi namin na babalik kami sa Friday.
Pag-uwi sa bahay ay dumiretsyo lang ako sa kwarto. Naghilamos at nahiga din agad.
May nararamdaman ako. Pero hindi ko alam kung ano yun. Basta alam ko gusto kong manglunod ng tao. Hindi ko alam kung bakit.
Naririnig kong tinatawag ni Shaun ang pangalan ko pero hindi ko magawang lumingon.
Sinilip ko si Shaun. Nasa ilalim siya habang nagcecellphone. Nagtaka ako nung ilapat niya ang cellphone sa kanang tainga at tumingin sa akin kaya agad akong pumikit.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niya pero hindi ako sumagot.
Nang silipin ko siya ay gusto ko nalang siyang takpan ng unan hanggang sa hindi na siya huminga. Nag-assume ako! Akala ko pa naman ay ako ang tinatanong niya. Naalala ko nga palang may cellphone siya sa tainga.
BINABASA MO ANG
Seul L'amour
Romance"Heart's greatest enemy is... The truth" Date Started:April 21, 2020 Date Ended: April 26,2020 ALL RIGHTS RESERVED