"S-shaun Lasseter?"pag-uulit ko" Oo. Shaun Lasseter. May problema ba iha? "tanong niya nang mapansin na nakatulala ako sa frame.
Pero paanong nangyari na Lasseter ang pangalan niya? Ang nakilala namin ay Lester. Hindi kaya, nagkamali lang siya ng pagkakasabi sa pangalan niya noon at talagang Lasseter ito imbes na Lester?
" Mr. Ventura, pwede ko po bang makita yung itsura ni Shaun noong bata siya? Yung mga.. Nasa 6 years old?" tanong ko.
Lumapit naman siya sa cabinet. Kailangan kong malinawan.
"Ah! Nakita ko na." sabi ni Mr. Ventura at dahan-dahang lumapit sa akin para ipakita.
Iaabot na sana niya sa akin nang biglang bumukas ang pinto.
Sabay naman kaming napalingon at nakita namin si Shaun..
"Oh anak nandito ka na pala." sabi ni Mr. Ventura at mukhang nakalimutan niya na ipapakita niya sa akin ang litrato dahil bigla nya itong ibinalik sa Cabinet.
"Papa! Ipakita niyo na lahat wag lang yang nandiyaan!" pagmamaktol ni Shaun at umakbay sa akin. "Baka ma-pangitan pa sa akin tong si Rachielle at baka hindi matuloy ang kasal." sabi niya at kumindat pa.
Tumawa naman si Mr. Ventura
"Kung hindi mo na naitatanong, madaming babae yan noong bata pa lang siya. Ang ipapakita ko sanang litrato sayo ay noong nasa parke sya habang may kausap na dalawang babae. Yun yata yung may humarang sa kaniya na dalawang babae. Mahilig lumapit sa kaniya yung mga babae noon. " iiling iling na sabi ni Mr. Ventura.
Epal naman kasi eh! Kung hindi sana dumating si Shaun, baka alam ko na ang totoo! Ano ba kasing ginagawa nito dito!?
"Buti nandito ka?" tanong ko. Gusto ko siyang batukan dahil sa ginawa niyang pag-eksena.
"Tinawagan ako ni Papa. Ang sabi niya ay nandito ka at nagdala ng wine. Kaya nagpasundo ako sa driver namin. Nakwento pa naman ng mama mo na mahilig kang uminom."
"Nakwento? Kailan? Bakit hindi ko alam?"
"Syempre pa sikreto lang. At saka palagi kaming nagkakausap ng mama mo no." aniya at pinisil ang ilong ko.
"Oh siya tama na ang lambingan, kumain na muna tayo at tikman yung wine na binili ni Rachielle. Mukhang masarap." Nakangiting sabi ni Mr. Ventura at nauna nang lumabas.
"So madami kang babae nung bata ka pa lang?" tanong ko at iniwan siya doon sa loob.
Habang kumakain, nakikinig lang ako sa kwentuhan ng mag-ama. Tuwang-tuwa daw si Mr. Ventura kasi nandito kaming dalawa ni Shaun.
Nang matapos kumain, nagpahinga muna kami saglit at nang makapagpahinga ay nagpaalam na din kami sa Papa niya.
"Ingat kayo sa biyahe ah? Rachielle, sa susunod, ipapakita ko naman sa yo ang mga hubad na larawan ni Shaun." biro niya at napasimangot naman si Shaun na para bang ito na ang pinaka pangit na biro ng ama niya.
Tinapik niya pa muna si Shaun sa balikat at nagmaneho na. Siya na ang nagmaneho sa kotse ko. Ang kotse niya kasi ay iniwan niya sa bahay at nagpasundo sa driver nila.
Pagdating sa bahay, sabay kaming umakyat ni Shaun sa kwarto. Siguro, tatanungin ko na siya tungkol dito.
"Shaun"
"Rachielle"
Napatingin pa kami sa isa't isa dahil sabay naming binigkas ang mga pangalan ng isa't isa.
"I-ipapaalala ko lang na may Baguio trip tayo bukas." sabi niya.
Naalala ko naman agad. Mabuti nalang at pinaalala niya. "Ikaw? Anong sasabihin mo?" tanong niya pero umiling nalang ako.
Nag-ayos nalang ako ng mga damit na kakailanganin ko sa three days two nights na trip sa Baguio. Habang nag-aayos, naalala ko si Raquel.
"Shaun, may number ka ba ni Raquel?" tanong ko.
"Ah yeah. Here." aniya at inabot ang cellphone niya.
Bakit may number si Raquel sa kaniya? Ano sila? Text buddies? O landian buddies?
Napaikot nalang ang magaganda kong mata at hinanap ang number ni Raquel. Ilang ring pa at sumagot na ito.
"Hello Shaun-iee!" maligayang bati niya.
S-shaun-iee?! Kadiri naman!
"R-raquel? Si Rachielle to. Wala kasi akong number mo kaya hiniram ko nalang ang cellphone ni Shaun" sabi ko habang inaalis sa tono ko ang pagiging sarkastiko.
"A-ah. Hellooo! Tuloy ba yung sa Baguio bukas?"
"Actually yun yung itinawag ko. Bukas, susunduin ka namin diyaan ng 5 am. Okay?"
"Okayy! See you tomorrow!" maligayang aniya at ako na ang pumatay ng tawag. Mahirap na baka siya yung mapatay ko.
Inis na ibinalik ko ang cellphone ni Shaun at binalikan ang mga damit na inaayos ko kanina. Batid kong nakatingin si Shaun sa akin. Ganon kalakas ang radar ko.
Pagkatapos naming mag-ayos ng damit, kinausap ko muna si Mommy tungkol sa Baguio trip namin. Sinabi ko na mauna na siya at kasabay ko naman si Shaun. Sinabi na din niya ang location ng pagi-stay-an namin sa Baguio.
Pagkatapos naming mag-usap ni Mommy, niyaya na ako ni Shaun para kumain.
Nakakapagod din yata ang araw na to. Siguro, para sa akin lang. Sa sobrang dami kong iniisip, parang gusto ko nalang matulog ng matulog ng matulog.
BINABASA MO ANG
Seul L'amour
Romance"Heart's greatest enemy is... The truth" Date Started:April 21, 2020 Date Ended: April 26,2020 ALL RIGHTS RESERVED