Maaga akong nagising ngayon. Siguro ay dahil maaga din akong natulog kagabi.Pagbaba ko ay wala akong naabutan. Wala si Shaun. Saan naman kaya nagpunta yun? Bakit hindi siya nagpapaalam? Mag-iiwan nalang basta.
Mag-isa akong nag-almusal. Nakakainis isipin na baka nandoon siya kay Raquel.
Hindi rin imposible. May line pa siya na magaan yung feeling niya kay Raquel.
Bigla kong naalala ang sketch na ginawa namin. Kaya dali-dali akong pumunta sa kwarto. Hinanap ko ng hinanap kahit saan pero hindi ko makita. Kahit sa cabinet ay wala.
Siguro dinala niya.
Humiga nalang ulit ako sa kama at nag-isip.
Si Lester kaya si Shaun? Kung siya nga, edi ang swerte ko. Kung siya nga si Lester, ititigil ko na ang plano na to. Pero hindi pa din ako sigurado sa naiisip ko. Baka nagkakamali lang ako.
Si Keli kaya kumusta na? Ano na kaya ang itsura niya? At bakit siya yung hinahanap ni Shaun? Magkaano-ano ba sila?
Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko. Ni isa ay hindi ko masagot ng tama. Nakakairita..
Napatayo ako nang marinig ang tunog ng sasakyan.
Patakbo akong pumunta sa harap ng pintuan at hinintay na bumukas ito.
Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin si Shaun. Napaatras pa siya sa gulat nang makita ako.
"B-bakit nandiyaan ka?" tanong niya.
"San ka galing?" tanong ko at
"K-kay Papa." sagot niya.
Hindi ko na siya tinanong ulit at nanood nalang ng cartoons sa tv.
"Cartoons? Seriously? Bata ka ba?" tanong niya at nakiupo sa akin.
"Bata lang ba ang pwedeng manood ng cartoons?" mataray na tanong ko.
Naiinis pa din ako. Bakit hindi siya nagpaalam bago umalis?
Teka, bakit nga ba ako nagiging concern sa kaniya?
Hindi ko nalang siya kinausap ulit at nanood nalang.
Gusto ko siyang tanungin kung natitipuhan ba niya si Raquel pero nahihiya ako. Baka ang isipin pa niya ay gusto ko siya.
"Nag-usap kami ni---"
"Gusto mo ba si Raquel?" seryosong tanong ko. Kitang kita ko naman ang gulat sa mukha niya. Bakit ko pa ba kasi tinanong!?
"B-bakit mo naitanong?" tanong niya.
Ayaw niyang sagutin. Edi pilitin.
"Gusto mo ba siya?" pag-uulit ko.
Mabilis naman siyang umiling kaya tinarayan ko siya. Halos mabingi naman ako sa itinanong niya.
"Nagseselos ka ba?" tanong niya. Mabilis naman akong napatingin sa kaniya.
Nagseselos nga ba ako? Hindi pwede!
Imbes na sagutin ang tanong ay iniwan ko siya doon sa sala at umakyat papunta sa kwarto.
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Kaya imbes na mabaliw kakaisip, tinawagan ko nalang si Caila. Siya ang makakatulong sa akin.
"Cai."
"Yes?"
"Can we talk?"
"Oo naman."
"Sa ****** Café . 9:30 pm. Ngayon." sabi ko
"Okayy" aniya at siya na ang nagpatay ng tawag.
Nagbihis kaagad ako dahil nakakahiya kung male-late ako.
Pagbaba ko ay sinalubong ako ng tingin ni Shaun.
"Aalis ka? Saan ka pupunta? Sinong kasama mo?" sunod-sunod na tanong niya pero ni isa ay wala akong sinagot. Bagkus ay nilagpasan ko siya at akmang pipihitin ang doorknob nang pigilan niya ang braso ko at iniharap sa kaniya.
"Where are you going?"
"Basta. I'll be back." sabi ko at hinila ang braso ko at nagpunta sa kotse ko. Binuhay ko ang makina at nagmaneho papunta sa Café na pinag-usapan namin ni Caila.
Pumwesto ako sa malapit sa Entrance at nakatabi sa glass para makita kaagad ako ni Caila.
Kailangan kong kausapin sya para naman kahit paano ay malinawan ako sa nangyayari sa akin.
"Hey girl." bati ni Caila at umupo sa harap ko. Nag-order pa muna kami ng maiinom bago mag-usap.
"So.. Bakit gusto mo akong kausapin?" tanong niya. "May problema ba sa kaibigan ko?" tanong niya.
"No no. Hindi tungkol doon." sige magsinungaling ka pa Rachielle. "I just want to ask. Anong ibig sabihin kapag.. Yung naiinis ka sa isang tao kasi may taong natitipuhan siya? Or kahit sinasabi niya na magaan yung loob niya sa isang babae?" tanong ko.
"O! M! G!" gulat na bigkas niya. "Totoo ba to!?" natatawang sigaw niya at pinitik ang noo ko.
"Aray! Bakit ka namimitik!? I'm just asking!" inis na sabi ko sa kaniya at hinimas himas ang noo ko.
"Girl, malala ka na." sambit niya.
"What?! M-may sakit ako!?" gulat na tanong ko.
"Gaga. Hindi. What I mean is, malala na ang pagseselos mo. Tatanungin kita. Kapag ba malapit siya sa babae, naiinis ka?" tanong niya at tumango ako. "Kapag ba may ibang nakakapagpatawa sa kaniya, gusto mong pumatay ng tao?" tanong niya pa.
"Yes na yes! Nakakaloka! Ang sarap iumpog sa pader!" sabi ko at nakahawak pa sa ulo ko.
"Admit it. You're jealous." aniya at inasar asar ako.
"I'm not jealous. I'm Rachielle." dipensa ko.
"Bakit ba ang straight ng utak mo girl. Nakakaloka ka. Ang ibig kong sabihin, nagseselos ka." paliwanag niya.
Ako!? Nagseselos ako?
"P-pero bakit? Bakit ako nagseselos? Normal lang ba yun?" tanong ko.
"Hindi normal yun. Ibig sabihin may nararamdaman kana." aniya at pinagkunutan ko naman siya ng noo. "My goodness girl. Kaibigan ba talaga kita? Hindi mo ba maintindihan? You are inlove!"
What!?
BINABASA MO ANG
Seul L'amour
Romance"Heart's greatest enemy is... The truth" Date Started:April 21, 2020 Date Ended: April 26,2020 ALL RIGHTS RESERVED