Nagising ako dahil sa sigawan na narinig ko sa ibaba. Ano ba!? Araw araw nalang ba akong magigising dahil sa ingay!?Inis na lumabas ako at bumaba sa sala. Nagulat naman ako sa nakita ko. Si Caila, may hawak na kutsilyo habang nakatutok kay Shaun.
Patakbo akong lumapit kay Caila at kinuha ang kutsilyo na hawak niya.
"A-ano bang nangyayari dito!?" tanong ko.
"N-naabutan ko yang lalaki na yan na nasa kusina mo! Magnanakaw ba iyan?!" sigaw ni Caila at akmang susugod kay Shaun pero pinigilan ko.
"Kumalma ka nga!" sigaw ko at tumigil naman siya. "Hindi siya magnanakaw okay!?"
"Eh kung hindi, ano siya!?"
"S-siya yung ipinakilala sa akin ni Mommy. Y-yung pakakasalan ko daw."
Napanganga nalang si Caila sa sinabi ko.
"B-bakit hindi ko alam!?" inis na sigaw niya sa akin.
"Eh pano mo malalaman busy ka sa kaka-party mo!"
"E-excuse me lang ha. Pwede na ba akong umakyat? Feeling ko nawalan ako ng dugo dahil sa ginawang pagtutok ng kutsilyo niyang babae na yan."naiinis na sabi ni Shaun at naglakad paakyat.
Hinila naman ako ni Caila at pinaupo sa sofa.
" N-nasa iisang kwarto kayo!? "pasigaw niyang tanong.
" O-oo.. Pero w-wag kang mag-isip ng kung ano-ano. Magkahiwalay kami ng hinihigaan."
"S-so ano? I-ibinigay mo na yung.. Ano.. Yung.. Alam mo na." ano daw?
"Hindi ko maintindihan. Anong ibinigay? Ang alin?"
"Yung... Yung perlas ng silanganan."
Anong perlas ng----anak ka ng!
Agad ko namang binatukan si Caila.
"Ang advance mo masyado."
"Eh. Malay mo kasi diba. Ang gwapo nun, imposibleng hindi ka bumigay."
"Alam mo, wala akong pake kahit gwapo siya. Ang sa akin lang, hindi ko siya gusto. Pareho kaming may ayaw sa kasal na to kaya nga gumawa kami ng plano eh." paliwanag ko.
"So, pati itong pagtira niya dito, plano niyo?"
"Hindi. Si Mommy ang nagsabi sa kaniya na dito nalang tumira. Kaya nasali na yun sa plano namin."
Ikinuwento ko sa kaniya ang plano at ang sabi niya, baka pwede daw niya kaming matulungan.
May kakilala daw siya sa probinsya nila. Actually, kaibigan niya din daw doon. Kung pwede daw, isama namin siya sa eksena namin.
Pang-drama lang ang peg.
Nagbigay din siya ng tips para naman daw makatulong siya. Humingi na din siya ng tawad kay Shaun at nang maggagabi na ay umalis na siya.
Habang nanonood kami sa sala, naalala ko ang pinag-usapan namin ni Caila.
"Ah Shaun.. Nakausap ko si Caila kanina. Ang sabi niya, pwede niya daw tayong matulungan." panimula ko.
"Ah. Akala ko puro panunutok lang ng kutsilyo yung kaya niyang gawin." nakangiwing aniya kaya natawa ako.
"Hindi. Nagulat lang yon kanina. Ngayon niya pa lang kasi nalaman yung tungkol dito eh."
"Oh okay. So, what's the new plan?"
"Ganito. Kakausapin niya daw yung kaibigan niya sa probinsya. Maganda yun. Bagay na para kunwari siya yung ipapalit mo sa akin." paliwanag ko. Ako man ay hindi alam kung gagana ba ang plano na ito.
"Kapag napapayag natin siya na pumunta dito, doon na magsisimula yung plano."
Habang patagal ng patagal ang araw, patuloy lang ang pagpapanggap na ginagawa namin ni Shaun.
Noong isang araw nga ay muntik kaming mahuli. Nag-uusap kami tungkol doon sa plano nang biglang pumasok sa kusina yung isang katulong dito sa bahay ni Mommy.
Kahit papaano'y nakikisama naman siya.
Habang nandito kaming dalawa ni Shaun sa garden ng bahay ko, tumunog yung cellphone ko.
"Oh, si Caila, tumatawag." sabi ko kay Shaun. Siya naman ay agad na lumapit sa akin. Sinagot ko ang tawag at nilakasan para marinig namin ni Shaun.
"Hello Chi"
"Oh ano nang balita?" tanong ko.
"Pumayag na yung kaibigan ko. At saka, okay na daw yun para naman may iba siyang mapuntahan." sabi niya.
"Ah sige. Salamat naman. Kailan daw siya pupunta?"
"Ah, next week daw. Sa Sabado. Galing siya sa Aklan."
"Ah sige. Susunduin nalang namin siya sa Saturday. Isasama ko na si Shaun." sabi ko at pinatay ko na ang tawag.
"So, pagsundo natin sa kaniya sa Saturday, hindi na ako dito titira?" tanong ni Shaun.
"Baliw ka ba? Syempre dito pa din. Ano'ng gusto mo, mahuli tayo? Syempre kunwari, may kinikita kang babae nang hindi ko alam. Para mas makatotohanan."
"Basta pagkatapos nito. Yung deal natin ah."
"Oo na. Sige na. Ako nang bahala doon."
Pagpasok namin ng bahay, si Shaun na ang nagluto para sa kakainin namin. Uupo na sana ako sa sofa nang marinig ang tunog ng doorbell.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Mommy.
"O-oh Mommy. H-hindi niyo sinabi na dadalaw pala kayo?" gulat na naitanong ko.
"Ganun ba. Hindi na ba ako welcome dito?"
"S-syempre Mommy welcome kayo dito. Ah pasok kayo." pagpapatuloy ko kay Mommy.
"Kukuha lang po ako ng juice." sabi ko at nagmamadaling pumunta sa kusina.
Naabutan ko si Shaun. Nagluluto pa din. Narinig siguro niya ang baso kaya tumingin siya sa akin.
"Oh. Bakit namumutla ka?" tanong nya.
"Si Mommy. Nandiyaan." sabi ko at kita ko din na nagulat siya.
Agad kong pinagtimpla si Mommy ng juice. Tinapos na din ni Shaun ang pagluluto at inihain na ito.
Pagdating ko sa sala, inabot ko na muna kay Mommy ang juice. Nakasunod pala sa akin si Shaun.
BINABASA MO ANG
Seul L'amour
Romance"Heart's greatest enemy is... The truth" Date Started:April 21, 2020 Date Ended: April 26,2020 ALL RIGHTS RESERVED