Ilang minuto lang ang nakalipas mula ng dumating kami dito ay umakyat na sa stage si Mommy at Papa.
"Good evening everyone. Thank you for coming here tonight. Masaya kami dahil hindi ninyo tinanggihan ang gabi na ito. Because tonight, ngayon namin iaanunsyo ang kasalan sa pagitan ng unica ija ko na si Rachielle Mich Allezarto at ang nag-iisang anak ni Mr. Sherlock Ventura na si Shaun Lasseter Ventura. "sabi ni Mommy at nagpalakpakan naman ang lahat.
Inalalayan ako ni Shaun hanggang sa makaakyat sa stage. May dalawang upuan doon na para sa aming dalawa.
" Good evening everyone. Thank you sa pagdalo. Enjoy. "nakangiting sabi ni Shaun
" Good evening everyone. Thank you for coming. "sabi ko nalang din.
Maya-maya pa ay nagsimula ang sayawan. Nakamasid lang kami sa lahat ng bisita. Ang iba ay may kapareha habang ang iba ay wala. Katulad nalang ni Caila.
Napatingin ako kay Shaun ng ilahad niya ang kamay niya. Nakangiting humawak naman ako dito at hinila niya ako sa mga taong nagsasayaw.
Habang nagsasayaw ay nakatingin lang kami sa isa't isa. Parehong nakangiti at nakatingin sa mata ng isa't isa.
Maya-maya pa'y nagsalita siya.
"Akalain mo, ang tagal na nating hindi nagkita tapos magkakakilala lang pala tayo ulit dahil sa ganito." sabi niya.
"Oo nga. Pero.." sabi ko at nawala ang ngiti ng maalala ang sketch.
"Pero ano?"
"Pero... Bakit hinahanap mo pa din si Keli?" tanong ko.
Nakatingin naman siya sa akin at mas lumaki ang ngiti niya. "Nagseselos ka ba?" tanong niya.
"H-hindi no. Bakit ako magseselos? Kaibigan ko din si Keli." pagsisinungaling ko.
Napatigil kami sa pagsasayaw ng may isang babae ang nasa gilid namin. Nang tignan ko ito ay halos kaladkarin ko na palabas ng makitang si Raquel pala ito.
"Hey. Pwede ba akong makisayaw?" tanong niya. Aba! Ang kapal ng mukha mo.
Dahil sa pinagtitinginan kami ng mga tao ay ako na ang umalis at bumalik sa pwesto ko. Sakto namang malapit lang si Caila sa stage kaya naman dali-dali siyang pumunta sa gawi ko.
" Hoy"pagtawag niya at sumenyas na pinapapunta ako sa kaniya. Lumapit naman ako agad." Ano yun? Bakit nandoon pa siya? Akala ko ba, hindi na tuloy yung plano? "tanong niya na naguguluhan.
" Yun nga ang problema, hindi namin nasabi kay Raquel na ititigil na. Siguro, mamaya ko na sasabihin. "sabi ko tinignan ulit sila sa kinatatayuan nila kanina pero wala na sila." Nasaan sila? "tanong ko at pati si Caila ay nakitingin din.
" Oh my goodness girl! I think, kailangan mo silang hanapin. Iba ang ugali ng babaeng yon. Nako! Kung alam ko lang na ganiyan siya, edi sana hindi nalang siya ang inirekomenda ko. "kinakabahang sabi ni Caila.
Nagpaalam muna ako na hahanapin ko sila.
Pumunta ako sa second floor at inisa-isa ang mga bedrooms na nandoon pero hindi ko sila makita.
Napalapit ako sa isang Veranda dahil parang may naririnig akong nag-uusap. Halos magunaw ang mundo ko ng makita si Shaun at si Raquel na nakasandal sa railings sa Veranda habang nakatalikod naman sila sa akin.
Dahil gusto kong malaman kung ano ang pinag-uusapan nila, nagtago ako sa isang poste na medyo malapit sa kanila.
"Alam mo bang si Yel ay si Rachielle? Nakakatuwa diba? Kumpleto na tayong tatlo." masayang sabi ni Shaun.
Seryoso nga.. Si Keli ay si Raquel.
"Oo nga no. Pero paano mo naman nasisiguro na ako si Kel na hinahanap mo? Ikaw ba si Lester talaga?" tanong ni Raquel.
"Dahil nga sa suot mong kuwintas. Ako ang nagbigay niyan sayo. Sa park." sabi ni Shaun.
"Oo nga! Ikaw nga talaga si Lester!" sabi ni Raquel at nakita kong niyakap niya si Shaun.
Ang sakit ng nakikita ko. Gusto kong pumikit. Pero hindi ko magawa. Pero mas nasaktan ako sa sinabi ni Shaun.
"Alam mo bang ikaw ang first love ko." sabi niya.
Another aray! Hindi ko na talaga kaya. Feeling ko sasabog na yung puso ko sa sobrang sakit. Bakit ginaganito niyo ako?! Tama na...
"Talaga?!" gulat na tanong ni Raquel at tumango naman si Shaun.
"Pero bigla kang umalis non. Hindi ka man lang nagpaalam sa akin." sabi ni Shaun.
Eh sa akin Shaun? Nung umalis ako, namiss mo ba ako? Hinanap mo man lang ba ako? Akala ko ba okay na tayo ha? Akala ko ba, magpapakasal na tayo diba.
"Syempre, kailangan naming lumipat ng bahay. Pero.." sabi ni Raquel at isinukbit ang dalawang braso sa batok ni Shaun. "Namiss din kita. At alam mo, ikaw din ang first love ko." pag-amin ni Raquel.
Hindi ko na kaya. Masyado ng masakit.
Hindi ko alam kung anong nasa isip ko at bigla nalang lumabas sa pinagtataguan ko.
"H-hi.. Keli.." bati ko habang naluluha.
Sabay silang humarap sa akin at ngumiti pa si Shaun. "Oh Rachielle, sakto nandito ka. Kumpleto na tayo." nakangiti pang sabi ni Shaun.
"Hahaha oo nga eh. At saka, congrats ha, nahanap mo na yung first love mo. M-mukhang hindi mo na a-ako kailangan." nakangiting sabi ko na siyang dahilan para bumagsak ang luha ko. Ang sakit sakit na kasi.. Seeing your first love falling out of love from you is so.... Damn, ang sakit.
" R-Rachielle what are you saying? "tanong ni Shaun.
BINABASA MO ANG
Seul L'amour
Romance"Heart's greatest enemy is... The truth" Date Started:April 21, 2020 Date Ended: April 26,2020 ALL RIGHTS RESERVED