Chapter 13

15 5 1
                                    

Siya ba?!

Siya si Keli?!

Gusto kong sumabat at itanong sa kaniya kung sino talaga siya pero bigla kong naalala na nagpapanggap pala akong nakikinig ng musika.

Gulong gulo yung isip ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.

Sa pagsabi ni Shaun na magaan ang loob niya kay Raquel, sa paghahanap ni Shaun kay Keli,sa Lasseter ni Shaun sa pangalan niya... Hindi ko na alam!

Ang hirap ipagdugtong dugtong lahat ng nalalaman ko. Natatakot ako sa katotohanan na sasampal sa akin.

Pero hindi ko muna sasabihin.. Ayokong malaman kung anong totoo.

Ilang oras ang naging takbo ng biyahe at nang marating namin ang Baguio, hindi pa din maalis sa isip ko ang mga narinig ko.

"Rachielle, samahan mo na si Raquel sa unit niya. Ako nang bahala sa mga gamit mo. Basta wag nalang kayong papahuli." sabi ni Shaun sa akin pero tinanguan ko lang siya.

Nagtakip muna ako ng isang pantaklob at sinamahan si Raquel.

Room 399 ang nakuha namin. Ang room kasi namin nila Mommy ay Room 408. Ang room 400--maliban sa room 408-- hanggang room 420 ay puno na. Mas okay na to. Mas malapit siya. At saka isang kwarto lang din kasi ang nandoon sa sakaniya.

"Oh sige. Maiwan na kita dito ha. Yung plano, alam mo na." sabi ko at iniwan na siya.

Nang marating ang room namin, nandoon na si Shaun.

"Oh, andito ka na pala. Pagod ba sa biyahe?" tanong ni Mommy nang salubungin ko siya.

"Medyo po. Magpapahinga lang muna ako saglit. Saan po ba yung room natin?" tanong ko.

"Dito tayo sa kabila, habang si Shaun at si Sherlock ay sa katabi ng kwarto natin."

"Buti at medyo malaki-laki ang nakuha niyo."

"Oo nga eh. Last na din pala ito. Maswerte na tayo at agad na nakapagreserve. Oh sige na, magpahinga ka na. Gigisingin nalang kita kapag dumating na ang papa ni Shaun". Tinanguan ko nalang siya. Tinignan ko pa muna si Shaun, nakatingin siya sa akin pero hindi ko siya nginitian o kahit ano man lang. Dumiretsyo nalang ako sa kwarto at doon nagpahinga.

Sana ay maayos ang mangyayari mamaya.

Nang dumating ang papa ni Shaun, sabay-sabay na kaming kumain ng pananghalian. Mamaya daw ay pupunta kami sa Mall.

Agad ko namang sinabi kay Shaun na itext si Raquel dahil susunduin namin siya sa unit niya. Magkahiwalay na sasakyan din kasi ang gagamitin eh. Si Mommy ay sumabay nalang sa papa ni Shaun.

Nang makaalis sina Mommy, pinuntahan na namin si Raquel.

Syempre ngayon, nauna na ako sa harapan para hindi na siya bumwelo. Baka mabanatan ko siya.

Pagdating sa Mall, naunang lumabas si Raquel at sinabi na mauuna na siyang pumasok para kunwari ay makikita niya si Shaun.

Ang plano kasi namin, magkikita sina Shaun at Raquel. Pagkatapos ay malalaman namin na sa iisang hotel lang pala ang uuwian namin. Tapos doon na mangyayari yung kunwari, nangangaliwa na si Shaun.

Sabay kaming pumasok ni Shaun. Tinawagan ako ni Mommy na nasa Starbucks daw sila. Batid kong nasa paligid lang si Raquel at sumusunod sa amin.

Pagpasok sa Starbucks, agad naming pinuntahan sina Mommy. Napatingin pa ako sa paligid at napansin ko na umupo si Raquel sa medyo malayong table.

Nagkwentuhan lang kami. Medyo malamig din dito lalo na air-conditioned ang lugar na to.

Nagpaalam si Shaun na magc-cr muna. Sinabi naman ni Mommy na huwag niyang tagalan.

Nakita kong tumayo na din si Raquel at umalis sa Starbucks. Siguro ay pupunta na din sa restroom.

Ilang minuto na ay hindi pa din bumabalik si Shaun. Napapansin na iyon ni Mommy kaya sinabihan niya ako na puntahan ko na si Shaun.

Nakahinga ako ng maluwag ng makalayo kina Mommy. Habang naglalakad ako papunta sa restroom, nakita ko sila sa isang Tea Shop. Doon siguro sila nagkita.

Pero, anong nararamdaman ko? Bakit ganito? Nasasaktan ako kahit na hindi naman totoo lahat ng to. Kasi, sa paraan ng paghawak ni Raquel sa kamay ni Shaun, parang tinototohanan nila ang pagpapanggap na ito.

Ayoko namang pagsuspetyahan si Raquel dahil unang-una, plano ko to. Pero sa tuwing makikita ko kung paano tumingin si Raquel kay Shaun, feeling ko anytime, magiging totoo na to.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa Tea Shop. Habang naglalakad ako papalapit sa kanila, nakatingin na sa akin si Raquel.

Hindi ko alam kung sinasadya ba niya na hawak-hawakan ang kamay ni Shaun

Kaya bago ko pa maputol ang kamay niya gamit ang chainsaw ay kinalabit ko na si Shaun

"Bumalik ka na doon. Si Mommy, nagtataka na kung bakit ang tagal mo." sabi ko pero nakatingin kay Raquel na ngayon ay nakatingin sa labas habang nakangiwi.

Nanggigigil na talaga ako.

Nagpaalam muna siya kay Raquel at pilit namang ngumiti si Raquel sa amin.

Nauna na akong maglakad sa kaniya at nararamdaman ko na sumusunod naman siya.

Sa itsura ng pagngiwi ni Raquel at sa paghawak niya sa kamay ni Shaun, alam kong may gusto nga talaga si Raquel sa kaniya. Babae ako, kaya alam ko yun.





Seul L'amourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon