Chapter 8

13 5 3
                                    


Sino naman kaya yung kausap niya? Gabing gabi na.

"Hays. Oo na. Sa Friday. Ha? Bakit naman? Ayaw mo ba siyang nakikita?" tanong ni Shaun doon sa kausap niya.

Eto talaga. Hindi na ako mag-aassume kasi feeling ko ako talaga yung topic eh. Si Raquel kaya kausap nito? Kasi may pa Friday Friday pa eh.

"Hays. Siya ang nagplano kaya dapat kasama siya. Sige na. Matulog ka na. Matutulog na din ako. Oo tulog na siya." hindi pa ako tulog hangal! May pa-topic topic pa kayo diyaan, ano ako, lesson!?

Nang silipin ko ulit ay nakalagay na ang unan sa mukha niya at halatang natutulog na. Ang sarap niyang daganan.

Kinabukasan, dahil hindi pa naman Friday, napagpasyahan ko na kausapin na si Shaun tungkol doon sa tao na pinapahanap niya sa akin.

"Hoy. Tara sa garden." yaya ko habang may hawak na papel at lapis.

"Bakit?" tanong niya pero sumusunod pa din sa akin.

"Gawin na natin yung kapalit nung deal." sabi ko at halatang nasiyahan naman siya.

Nang makarating kami sa garden ay doon na namin sinimulan ang gagawin. Ang pags-sketch. Wag kang ano.

"Describe mo na."

"Uhm.. Nung bata siya, maliit ang mukha. Mataba ang mga pisngi." panimula niya kaya ginawa ko na.

Sinunod naman namin ang kilay.

"Pang-mataray na kilay. Alam mo yun?" tanong niya at tumango naman ako."Yung mga mata niya, singkit tapos mahaba yung pilik-mata.Then yung ilong niya, hindi pango pero hindi din matangos. Yung sakto lang. Tapos yung labi niya, katulad nung labi mo"pagkukumpleto niya.

Mabuti nalang at namana ko kay Daddy ang pagiging talented sa pags-sketch

Nang matapos ay natigilan ako. Parang kilala ko ang bata na to.

"Hoy. May problema ba? Ano? Tapos na?" naeexcite niyang tanong pero nakatuon pa din ang atensyon ko sa drawing.

Kilala ko ang bata na to.

Flashback

"Yel, halika. Samahan mo ako. Makipaglaro tayo kay Lester." sabi sa akin ni Keli

"Nasa parke si Lester?" tanong ko dahil tuwang-tuwa ako na makikita ko nanaman siya. Gusto ko kasi si Lester kahit maliit pa lang kami.

"Oo. At may ibibigay daw siya sa atin. Halika na!"maligayang sabi ni Keli at hinila nalang ako papunta kay Lester.

End of flashback

S-si Keli ang hinihintay ni Shaun..

Pero pano? Si Keli, iisang lalaki lang ang naging kaibigan namin ni Keli.. Si Lester..

Hinablot sa akin ni Shaun ang papel at bakas sa mukha niya ang tuwa.

"Ang galing mo talaga! Kuhang-kuha mo yung itsura ni Kel. Ngayon, naniniwala na ako na hindi ka scammer. Pero.. Okay ka lang ba? Kanina ka pa natutulala." nag-aalalang sabi niya at kinapa ang noo ko.

Agad ko namang inalis ang kamay niya sa noo ko at nagpaalam na aakyat muna sa kwarto.

Pagdating sa kwarto, doon ako nag-isip ng kung ano ano.

Imposible..Lester is.. Shaun..

Alam ko si Keli, isang lalaki lang ang naging kaibigan niya at yon ay si Lester.

Paano nakilala ni Shaun si Keli? Bakit yun ang lumitaw sa inisketch ko? Bakit si Keli!?

Litong-lito na ako. Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko. Kung ginagamit lang ba ni Shaun ang naiisip niya para lituhin ako. Kaibigan ko si Keli. Nauna ko siyang nakilala kesa kay Caila. Pero matagal na din kaming walang koneksyon ni Keli.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. At hindi ko din maiwasang mag-isip kung sino at ano na ang itsura ni Keli ngayon.

Hangga't hindi pa sigurado ang naiisip ko ay iwinaksi ko muna ito sa isip ko.

Hindi ko alam kung siya ba si Lester o isa lang siya na may gusto kay Keli noon.

Nang dumating ang biyernes, sabay kaming pumunta ni Shaun sa unit ni Raquel.

"Helllooooo!" masayang bati nya nang makita kami. Nginitian ko nalang siya kahit pilit.

Niyaya niya kami sa loob at pinainom ng juice.

"So, kailan magsstart yung plano?" tanong niya sa akin.

"Gusto ko sana ay dahan-dahan na magsimula yung plano. Sa Linggo ay pupunta kami sa Baguio. Nagrequest si Mommy na magsalu-salo sa Baguio. Ang gagawin natin, pauunahin ko na sila habang ikaw naman, isasabay ka namin. Alam ko ay maghohotel. Ipagbabayad nalang kita ng isang unit. 3 days 2 nights lang naman yun. "

Nakinig naman silang pareho sa mga sinasabi ko. Ilang oras lang ay napagplanuhan namin ng maayos ang mga mangyayari. Kung paano susulpot si Raquel sa eksena ay napagplanuhan na rin. Ikukuha ko siya ng unit sa katabi lang ng amin.

Pag-uwi ay sabay kaming kumain ni Shaun.

"Alam mo ba, parang ang gaan ng feeling ko doon sa kaibigan ni Caila." sabi ni Shaun habang kumakain. Naibagsak ko naman ang kutsara at tinidor ko kaya nagulat siya at tumingin sa akin. "Bakit?"

"Busog na ako." sabi ko at naglakad papunta sa kwarto.

Ngayon, nakumpirma ko na. Naiinis na talaga ako sa tuwing binabanggit ni Shaun ang babae na yon. Gusto ko siyang pagsasaksakin ng tinidor pero alam kong makukulong ako doon.

Hindi ko nalang inisip dahil baka makapatay pa ako ng tao at natulog na lamang.



Seul L'amourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon