Epilogue

35 5 1
                                    

Necklace ft. Bracelet

Naghihintay lang ang batang si Yel sa parke at hinihintay na dumating si Lester. Sinabi kasi ni Lester na may ibibigay siya sa kaniya kaya naman nagmamadali siyang pumunta doon.

Sa ilang minuto niyang paghihintay ay dumating na din si Lester na may bitbit na pulseras.

"Masyado kang matagal." ang sabi ng batang si Yel. "Ano iyan?" tanong pa niya.

"Ang kamay mo. Ibigay mo sa akin." utos ni Lester kaya naman inabot ni Yel ang kamay niya kay Lester. "Huwag mong iwawala to. Kasi binigay ko to sayo. Tanda na magkaibigan tayo. Maliwanag?" aniya kaya tumango naman ang batang si Yel.

"Pero masyado itong malaki? Baka malaglag lang."

"Isuot mo nalang kapag lumaki na tayo." sabi nya at iniwan si Yel sa parke.

Kinabukasan, naglalakad si Yel sa parke ng makita nya sina Keli at Lester na nasa isang sulok. May isinusuot si Lester kay Keli.

Isang kwintas ba iyon? Ang tanong ni Yel sa sarili.

Napatingin siya sa pulseras na ibinigay ni Lester.

Naalala naman ni Yel ang sinabi ng kaniyang mommy.

"Mommy bakit madami ka pong kwintas? Saan galing yan?" tanong ng batang si Yel.

"Anak,galing ito sa Daddy mo. Necklace is a sign of love and loyalty." sabi ng Mommy niya. "Kaya kapag may nagbigay sayo ng necklace, huwag mong iwawala iyon."

Kaya ganon nalang ang lungkot na naramdaman niya dahil sa binigyan lang siy a ni Lester ng pulseras na tanda lang ng pagkakaibigan nila.

Nang paalis na si Lester at papalayo kay Keli, may sinabi si Lester na nakapagpalungkot kay Yel.

" Sana inamin ko na sayo Kel. Gusto kita." sabi ni Lester na ngayon ay nakasandal sa pader.

Napaisip si Yel, bakit hindi niya sinabi kay Keli? Bakit tinatago pa niya? Gusto ba ni Lester na sya na ang magsabi kay Keli? Pero ang sabi ng Mommy niya, masama iyon.

Dahil sa lungkot ay umuwi na lamang ang batang si Yel. Pero pag-uwi niya ay nakita niya ang mommy niya na nag-aayos ng gamit.

Nagtanong siya kung para saan iyon at sinabi ng mommy niya na lilipat na sila. Hindi na siya nagpaalam pa kay Lester at umalis nalang sila. Umaasa siya na sana sa pagtanda nila ay magkita-kita ulit silang tatlo.

Habang nasa sasakyan, naalala pa ni Yel ang salitang itinuro sa kaniya ng mommy niya.

"Seul L'amour" na ang ibig sabihin ay "Only Love"

Para sa kaniya ay si Lester ang kaniyang "Seul L'amour" kahit na si Keli ang "Seul L'amour" ni Lester.

-WAKAS-







Seul L'amourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon