Ako inlove? Kay Shaun? Imposible!"Imposible naman yang sinasabi mo eh."
"Nagtatanong ka tapos ngayon ayaw mo akong paniwalaan."
"Pero.. Bakit naman ako maiinlove sa kaniya? Ayoko nga na matuloy yung kasal namin eh."
"Sabi na nga ba. Si Shaun ang binabanggit mo. Hindi naman imposible yun. Gwapo naman si Shaun at mukhang mabait. Hindi ka na lugi diba."
"Ikaw, Caila Vheniz Montes, single ka diba? Bakit ang dami mong nalalaman diyaan sa mga ganiyan?"
"Grabe ka maka-single. Ikaw din naman single ka. Bakit? Kayo ba ni Shaun ha?"
Habang nasa sasakyan ako pauwi ay bumalik naman sa isip ko ang sketch.
Ang layo naman kasi sa pangalan ni Shaun kung siya nga si Lester.
Ginusto kong malaman kung si Shaun nga talaga si Lester kaya nagmaneho ako papunta sa bahay ni Mr. Ventura. Bumili na din ako ng wine para may pang -excuse ako kung sakaling magtanong si Mr. Ventura
" Nandiyan ba si Mr. Ventura?" tanong ko doon sa guwardiya na nakabantay sa gate nila.
"Bakit po Mam?"
"Ahh. Ako yung fiancé ni Shaun. Gusto ko lang kausapin yung daddy niya. Pwede ba kuya guard?" tanong ko pa.
"Ah sige po Mam."
Pinagbuksan naman niya ako ng gate at yumuko pa nang dumaan ang kotse ko sa tabi niya.
Pagpasok ko sa bahay, binati ako ng mga katulong nila. Siguro kilala na ako dito.
"Pwede ko po bang makausap si Mr. Ventura?" tanong ko doon sa medyo matanda na nilang katulong.
"Ah. Sige po Mam. Sasamahan na po kita." Nakangiting aniya.
Habang naglalakad kami papunta sa kinaroroonan ni Mr. Ventura, hindi naiwasang magtanong nung katulong.
"Buti at ngayon lang ho kayo napadalaw dito Mam?"
"Ah.. Ngayon lang kasi nagka-time eh. At saka, buti hindi niyo na ako tinanong kung sino ako?"
"Sinabihan na din po kasi kami ni Mr. Ventura tungkol sa magiging asawa ni Sir Shaun." paliwanag niya kaya tumango naman ako.
Nang matapat kami sa isang kwarto, kumatok siya at nagpaalam nang aalis muna at may aasikasuhin.
"Come in." sabi ng isang tao galing sa loob. Siguro ay si Mr. Ventura.
"Hello po." bati ko nang makapasok doon.
"Oh, mabuti at nandito ka iha?" aniya at lumapit sa akin. Agad naman akong nagmano sa kaniya.
"Ah. Bibisitahin ko lang po kayo. Atsaka may binili din po akong Wine." sabi ko at inabot sa kaniya.
"Oh. Thank you dito. Buti, hindi mo kasama si Shaun?" tanong niya.
"Ah, nagmeet po kasi kami nung kaibigan ko at sakto naman na malapit lang dito kaya tumuloy na po ako." sabi ko kahit na medyo malayo ang bahay na ito sa Café na pinuntahan namin ni Caila.
Hindi ko alam kung paano magsisimula na magsalita dahil wala akong mahagilap na sasabihin. Ang weird kasi kung idederetsyo ko ang pakay ko dito.
" Ah sandali lang, ipahahanda ko lang ang wine na to kay Belinda." sabi niya. Tinutukoy niya siguro ay ang isa sa mga katulong nila dito. Lumabas naman siya kaya naiwan akong mag-isa.
Eto na siguro yung time.
Agad kong nilapitan ang isang malaking frame na nakadikit sa dingding. Picture ito ng isang babae na hindi naman nalalayo sa edad ni Mr. Ventura. Siguro ay asawa niya ito. Ang ganda ng mama ni Shaun. Isang family picture yon. Si Shaun ang nasa gitna at nasa magkabilang gilid naman si Mr. At Mrs. Ventura.
Tumingin ako ulit doon sa table. Baka may makuha pa akong impormasyon o detalye.
Ang buong pangalan pala ni Mr.
Ventura ay Sherlock Ventura. Taray maka-Sherlock. Parang Sherlock Holmes.Sa isang tabi naman ay may cabinet, binuksan ko naman ito at tumambad sa akin ang mga litrato ni Shaun. Siguro, dito nila itinatago lahat ng mga pictures.
Nandito yung mga litrato na nakasando siya habang may hawak na gitara. Siguro nasa 18 years old pa siya dito.
Ang isa naman ay nakabagsak ang buhok. Parang nilawayan ng kabayo. Natawa naman ako sa naisip ko.
Muntik na akong atakihin sa gulat nang marinig na bumukas ang pinto.
"Nagulat ba kita?" tanong ni Mr. Ventura at natawa.
"A-ah.. S-sakto lang po." sagot ko. Lumapit naman siya sa akin at nalipat sa mga litrato na hawak ko ang paningin niya.
"Gusto mo ba? Madami pa diyaan." biro ni Mr. Ventura kaya natawa ako.
"Hindi naman po. Tinitignan ko lang kung ano ang itsura ni Shaun dati." sabi ko. Binitawan ko muna sa itaas ng cabinet ang dalawang litrato na hawak ko at bumalik doon sa frame na nakasabit sa dingding. "Sya po ba yung asawa niyo?" tanong ko habang nakaturo doon sa babae.
"Oo. Siya yan. Si Laisty Del Rey-Ventura. Ako naman si Sherlock Ventura na napangasawa ni Laisty. " parang proud pang sambit niya.
"Lakas po maka-Sherlock Holmes hehe." sabi ko at napailing naman siya.
"Paborito kasi ng mga magulang ko noon ang Sherlock Holmes. Kaya hindi ko sila masisi. Gwapo naman ang kinalabasan." papuri niya sa sarili.
Hindi ko nga maitatanggi. Gwapo din si Mr. Ventura. Pero mas gwapo si Shaun.
"Eto naman" bigkas niya at tinuro si Shaun. "Siya si Shaun Lasseter Ventura. Ang nag-iisa at gwapong anak namin."
Shaun Lasseter
Shaun LasseterLasseter... Lester...
BINABASA MO ANG
Seul L'amour
Romance"Heart's greatest enemy is... The truth" Date Started:April 21, 2020 Date Ended: April 26,2020 ALL RIGHTS RESERVED