Chapter 22

25 5 0
                                    

Nandito ako ngayon sa harap ng simbahan habang nakikinig ng seremonya.

Kasama ko si Caila. Imbitado din pala siya.

Kitang-kita ko sa mga mata ni Raquel kung gaano siya kasaya na ngayon ay mapapangasawa na niya ang taong una niyang nagustuhan at minahal. Habang si Shaun ay masasaya ang mga mata dahil ngayon, sa harap ng Diyos ay sumusumpa sa isa't isa na magmamahalan ano mang problema ang dumaan.

Napatingin ako kay Caila ng bigla niyang banggain ang balikat ko.

"Ano'ng problema mo?" tanong ko pero pabulong lang.

"Baka umiyak ka diyan ha. Wala akong dalang tissue." sabi niya pero inismiran ko lang siya.

Hindi ako iiyak. Oo, may masakit pa. May kumikirot pa. Pero mas lamang ang saya ko dahil sa wakas, hindi na namin kailangang magkunwaring tatlo. At masaya ako dahil masaya na sila.

Pagdating sa reception, lumapit ako sa kanila at isinama sa table nila ang gift ko. Halata pang nagulat sila ng makita ako pero nginitian ko sila. Sabay pa silang tumayo at pumunta sa harap ko.

Naramdaman kong nagulat si Raquel nang bigla ko siyang yakapin. Humiwalay naman ako agad at ngumiti kay Shaun

"Congratulations sa inyong dalawa" sabi ko. "Ah, ako nalang ang pumunta kasi si Mommy may meeting eh." sabi ko.

"R-Rachielle" parang naluluha pang bigkas ni Raquel sa pangalan ko kaya natawa ako sa inasal niya.

"Hoy ano ka ba. Iiyak ka na? Baka masira yang make-up mo." sabi ko.

"H-hindi ka galit sa akin?" tanong niya at hinawakan ko naman ang mga kamay nya.

"Hindi ako galit sayo Raquel. Kaibigan kita. Kaya bakit ako magagalit? At saka, wag mo ngang isipin yan okay. Kasal mo ngayon, dapat masaya ka." sabi ko.

Napangiti ako ng bigla niya akong yakapin.

"S-sorry.." bigkas niya.

Tinapik ko naman ang likod niya at Humiwalay.

"Wag kang magsorry. Ayos lang. At saka, masaya na din kayo. Kaya masaya na din ako. At saka, pinilit ko si Mommy na ako nalang ang dadalo kasi may gusto din akong sabihin sa inyo eh."

"Ano yun?" tanong ni Raquel.

"Namimiss ko na kayo.." naiiyak na sabi ko. "Namimiss ko na yung dating pagkakaibigan natin.. Namimiss ko na yung kalaro ko na si Keli at si Lester. Namimiss ko na yung mga batang kasama ko sa park palagi..." sabi ko at tinignan silang pareho. "Bumalik na tayo sa dati.."

Nagkatinginan pa muna sila at sabay na ngumiti. Hinawakan ni Raquel ang kamay ko. "Kahit hindi mo sabihin yan, babalik tayo sa dati." sabi niya.

"Promise ba yan?" tanong ko.

"Promise is promise. No scam. No jokes. Throw a promise or cut fingers. Locked." sabi ni Shaun kaya natawa kami ni Raquel.

Naalala ko na. Yun ang palaging sinasabi sa amin ni Shaun pero mas madalas nyang sinasabi iyon kay Raquel dahil si Raquel, matigas ang ulo dati.

Masaya akong bumalik kami sa dati. Masaya akong masaya sila. Masaya akong hindi nabasura ang pagkakaibigan naming tatlo sa kabila ng mga nangyari.

Nakakatuwa kasi ito pala ang naging takbo ng istorya namin.

Ngayon ay bumisita ako sa bahay nina Shaun at Raquel habang kalong-kalong ko ang anak nilang si Shara.

"Ang cute cute naman ng batang to. Manang-mana sa ninang." bigkas ko at kinulit-kulit si Shara.

"Nagmana yan sa Mommy syempre." sabi ni Raquel at natawa kaming pareho. "Ikaw? Ano ng balak mo sa buhay? Baka tumanda na si Shara at single ka pa din?" biro niya.

"Hindi. Tutulungan ko muna si Mommy sa kumpanya. Kung magkakaboyfriend man, edi ayos." sagot ko at nilaro ulit si Shara.

Ang cute cute ng batang to. Kuhang kuha niya ang kilay ng mama niya. Masyadong pang-mataray. Kamukha niya si Raquel noong bata pa siya.

" Boyfriend? May boyfriend ka na Yel? "tanong ni Shaun na hindi ko alam kung saan sumulpot.

" Nabibingi ka na. Ang sabi nga niya ay wala pa. "sabi ni Raquel sa kaniya.

" Ah ganon. Kapag nagkaboyfriend ka, iharap mo muna sa amin. Para sigurado. "

" Opo. KUYA LESTER. "pagdidiin ko at sabay kaming tumawa ni Raquel.

Simula pa kasi nung bata kami, ayaw na ayaw niyang tinatawag namin siyang kuya. Masyado daw nakakatanda eh magkakaedad lang kami.

" Eh kayo? Kailan niyo balak sundan itong si Shara? "biro ko at namula naman si Raquel.

" Ano ka ba! Kaka-one year old pa lang ni Shara, anong susundan. "sabi ni Raquel na namumula pa din.

" Eh bakit namumula ka? Tara sundan na natin." biro pa ni Shaun at mas lalong namula si Raquel.

Natawa nalang kaming pareho ng mag-walk out siya.

Itinuon ko nalang kay Shara ang pansin na ngayon ay nakapikit na.

Ang bilis namang matulog nito.

"Ganito ba talaga to? Ang bilis makatulog." sabi ko kay Shaun.

"Oo. Ganiyan talaga yan lalo na kapag babae ang may hawak sa kaniya. Akin na." sabi niya kaya inabot ko si Shara sa kaniya. Na patingin ako sa wall clock at nagulat ng makita ang oras.

"Nakalimutan ko, may meeting pala ako ngayon! Mauuna na ako, pakisabi nalang kay Raquel! Byee!" nagmamadaling sabi ko at mabilis na pumunta sa kotse ko.

Nang makalayo, napangiti nalang ako. Ang daming pinagdaanan, dito pala hahantong ang lahat.


Seul L'amourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon