Chapter 20

14 5 1
                                    

Nang matapos ang gabing iyon, sa bahay ako ni Mommy muna nagstay. Ayokong umuwi sa bahay ko. Madaming memories doon na siguradong ikakasakit lang ng puso ko.

Ilang beses nila akong pinilit na kumain pero sa mga ipinapadala nila sa kwarto ko ay hindi ko kinakain.

Sinabi ko din kasi kina Mommy na hwag muna nila akong iistorbohin hangga't hindi ako lumalabas ng kwarto.

Puro lang ako higa, iyak, tulog. Higa, iyak, tulog. Ganon lang. Paulit - ulit. Pero ngayong araw, wala ng ni isang butil ng luha ang pumapatak. Napagod na ang mata ko. At tatanggapin ko nalang na hindi na talaga maibabalik ang dati.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok.

"Leave." sabi ko at humiga ulit sa kama ko. Pero hindi ito tinigilan at kumatok pa ng kumatok.

Dahil sa inis ay ako na mismo ang nagbukas nito. Ganoon nalang ang sakit at lungkot na bumalot sa puso ko ng makita si Shaun sa harapan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" sinubukan kong huwag manginig ang tono ng boses ko dahil alam kong anytime, iiyak nanaman ako.

"Pumunta lang ako dito para magsorry. Sorry sa mga sinabi ko Rachielle. Ayaw kitang masaktan. Pero totoo lahat ng si---"

"Tama na Shaun please. Masyado ng masakit. Masyado ka ng masakit. H-hindi ba pwedeng, kalimutan mo nalang ako at kakalimutan nalang din kita? Tutal g-ganun din ang ginawa mo sa akin." sabi ko at Napatingin sa itaas dahil anong oras ay handa ng bumaba ang mga luha ko." Shaun pwede bang tama na? Pagod na akong masaktan. Tama na sa akin yung isang beses na ipaparamdam mo sa akin na hindi ako kapili-pili. Tama na please.. "pagmamakaawa ko at sinaraduhan sya.

Napatakbo naman ako sa kama at doon umiyak.

Bakit kailangan pa niyang magpakita? Gusto ko na siyang kalimutan at yung sakit na dinudulot niya sa akin. Masyado ng nakakamatay yung sakit. Masyado ng masakit.

Sana madali ka nalang mabura sa alala ko.. Sana ganun nalang kadali. Sobrang lakas ng impact mo sa akin.. Sa sobrang lakas, nasaktan mo ako..

Gusto kong sabihin kay Raquel na "Hoy, sa akin yan eh. Bakit ka pa bumalik" o kaya naman "Ano bang meron sayo? Bakit wala sa akin?"

Simula ng mangyari ang pagpunta ni Shaun dito, mas tumindi pa ang sakit na nararamdaman ko. Halos wala na akong kain. Nagmamakaawa na ang mga katulong na pagbuksan ko sila ng pinto dahil kakain na pero hindi ko sila pinapansin. Ang mga pagkain na iniiwan nila ay nilalanggam lang dahil hindi ko ginagalaw.

May oras na ikukumpara ko ang sarili ko kay Raquel. Bakit siya ang pinili, eh ako yung nandito? Bakit siya yung pinili at hindi ako? Ano bang meron sa kaniya? Sana ako nalang siya...

Dumaan ang ilang araw, inayos ko ang sarili ko. Lumalabas na ako ng kwarto at sumasalo kay Mommy sa tuwing kakain siya.

Hanggang sa dumating ang araw na kailangan ko ng umalis papuntang Canada.

Grabe pa ang iyak ni Mommy dahil matagal daw niya akong hindi makikita.

Pupunta ako ngayon sa Canada dahil ako ang magmamanage ng kumpanya doon at syempre, para makapagrefresh na din sa mga nangyari.

Paglapag ng eroplano sa Canada, sumalubong sa akin ang lamig na matagal ko ng gustong maramdaman. Sa wakas, mararamdaman ko na din ang pagbabago.

Kapag nasa trabaho ako, iisang itsura lang ang ipinapakita ko sa mga empleyado. Ang pagiging masungit. Kapag sa bahay naman, nakangiti kong kinakausap ang mga katulong naming pinoy doon at minsan ay nilalaro si Apple. Ang alaga kong aso.

Ganon lang ang rotation ng buhay ko sa Canada. Aattend ng meetings, uuwi ng bahay, at paminsan-minsan ay magrerelax at maggagala mag-isa.

Sabado ngayon at hindi na ako papasok sa kumpanya. Aayusin ko na kasi ang gamit ko dahil uuwi na ako sa Pilipinas bukas. Sakto namang tumawag si Mommy. 8 am na dito habang 8 pm na sa Pilipinas..

"Hello anak!" masayang bati ni Mommy kaya natawa ako. "Why are you laughing baby?"

Napailing nalang ako at ngumiti sa kaniya. "I miss you Mommy."

"Aww. I miss you too baby. Kailan ka na ba uuwi dito? Dalawang taon ka na diyaan ah. Nagtatampo na ako sayo." malungkot na saad niya.

"Don't worry mommy. Malapit na akong umuwi." Nakangiting sabi ko. Isusurprise ko siya bukas. "At saka, binilhan na din kita ng favorite mong bag. Wag ka ng magtampo."sabi ko at kitang-kita ko namang natuwa siya.

" Okay baby! I'll wait! Oh sige na, kailangan ko ng magbeauty rest. Goodbye anak. Ingat ka diyaan. "

" Sige Mommy . Sweetdreams. Ingat din po kayo diyaan. "sabi ko bago isara ang laptop.

Kinabukasan, isang oras bago ang flight ko ay nasa Airport na ako. Mahirap na baka maiwan pa ako at baka magtampo na si Mommy ng tuluyan sa akin.

Nang tawagin ang flight papuntang Pilipinas ay tumayo na ako.

Goodbye for now Canada. Thank you sa pagtulong sa aking makalimot.










Seul L'amourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon