Chapter 2

47 8 4
                                    


Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko sa sala. Ako lang ang mag-isa dito. Imposible na si Caila yun dahil wala naman siyang hawak na duplicate ng susi ng bahay ko.

Dahil sa pagtataka ay inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba. Wag naman sanang magnanakaw to. Pagbaba ko ay halos batuhin ko ang tao na nakahiga sa sofa habang nanonood.

"W-what are you doing here!?" sigaw ko at naglakad papunta sa kaniya.

Napatayo naman siya dahil sa gulat at napatingin sa akin.

"Ano'ng ginagawa mo dito?!" pag-uulit ko.

"Ang sabi ni Tita ay dito raw ako tumira para may kasama ka." saad niya kaya naman nagpupuyos ako sa galit. "This house is big. Ayos na." aniya habang nakatingin sa akin.

"Hindi ko kailangan ng kasama dito."

"Pero nandito na ako."

"Could you please stop!? At saka, hindi ako pumayag sa kasal-kasal na yan."

"So, do you think gusto ko din to?" taas - kilay na tanong niya sa akin.

Kunwari pa.

"Okay. If you don't like this set up, let's create a plan." suhestiyon ko.

"What plan? Hindi na rin naman natin matatakasan to." bored niyang sambit.

Pinatay ko naman ang tv kaya kunot-noo siyang tumingin sa akin.

"May Girlfriend ka?" tanong ko.

"Wala."

"Nililigawan?"

"Wala rin."

Akala ko pa naman kapag lalaki, automatic nang may Girlfriend. You know what does it mean.

"I have a plan." sabi ko.

"What is it?"

"Magpapanggap tayo na parang gusto natin 'to." sabi ko.

"What?!"sigaw niya.

" Wag mong isipin na ginagawa ko 'to dahil gusto ko. Ginagawa ko to para sa' ting dalawa rin. "

" B-but... Ano'ng susunod? "

" Kapag tumagal, kunwari, magkakalabuan na tayo then maghihiwalay para hindi na matuloy yung plano. "

" You think it will work?" tanong niya na parang ako ang pinakauseless mag-isip sa buong mundo.

" Magaling ako sa mga ganiyan kaya makisama ka nalang. At saka, hindi naman ako papayag na ikasal nalang ako basta basta sayo 'no. May hinihintay akong tao." mahabang sambit ko.

" Well, we have the same situation. May hinihintay din ako."

"Akala ko ba wala kang nililigawan?"

"Wala nga. Bakit? Nililigawan lang ba yung dapat na hintayin?"

Ang sarap niyang iluto nakakainis.

"Oh siya tama na. Basta yung plano."

"Walang bayad?"

Tinignan ko naman siya ng masama.

"Sige. Let's make a deal. Papayag ka plus hahanapin ko yung taong hinihintay mo or not?" saad ko. Pareho lang din naman kaming makikinabang dito. Inilahad ko ang kamay ko bilang pakikipag-shakehands.

Tinignan niya pa muna ito ng matagal. Akala ko ay tatanggihan niya. Mukha pa nga siyang nagdadalawang - isip pero kaagad din naman niya itong tinanggap.

"Deal. Basta tutulungan mo akong hanapin ang hinihintay ko."

"Yeah. Sabihin mo nalang sa akin ang name at address niya."

Napakamot naman siya sa batok at halatang pilit ang tawa. Don't tell me...

"Don't tell me... Hindi mo siya kilala?" tanong ko.

Pinanliitan ko siya ng mata.

"Ano ba 'yan. Wala akong lahing manghuhula kaya hindi ko mahuhulaan kung sino sya. Kailan ba kayo huling nagkita?" tanong ko. Baka naaalala niya pa yung itsura.

"20 years ago." sagot niya.

What the... Sobrang tagal na non!

"Ang tagal na. Ilang taon ka na ba ngayon?" tanong ko.

"26. 6 years old kami pareho nung nagkita kami." anya at ngumiti na parang timang.

So, pareho lang kami. Ganoon din ang sa akin eh.

"O--kay. Hindi ba pwedeng ipa-drawing mo nalang sa pulis?" tanong ko. "Kahit sana yung details lang ng mukha niya noong bata siya."

"Eh? Parang hindi na rin ikaw ang gumawa. Edi kung ganon, hindi na ako papayag sa deal natin."

No wayyy!

"What!? Oo na! Ako na sige! Pero wag muna ngayon. Ang pagtuonan natin ng pansin, ay yung plano. Saka nalang yan."

"Sus. Baka scam 'yan ah." inilahad niya ang pinky finger niya.

"Ano yan?" tanong ko.

"Daliri." sagot niya kaya binigyan ko siya ng are-you-serious look. "Hindi ka ba pamilyar sa pinky swear?!" parang inis na aniya.

"Eh bakit naiinis ka!? Kabaklaan." sambit ko.

"Dali na. Sign na hindi scam ang pagtulong mo sa akin." aniya at kinuha ang kamay ko. Isinabit naman niya ang pinky finger ko sa sakaniya at nagsalita. "Promise is promise. No scam. No jokes. Throw a promise or cut fingers. Locked." saad niya.

Wait... Parang narinig ko na dati yung sinabi niya. Hindi ko matandaan kung saan ko ito narinig.

Rachielle isip!

Kahit anong pagtatanda ko ay hindi pumapasok sa isip ko kung saan at kanino ko ito narinig. Siguro, itanong ko nalang sa kaniya.

"Saan mo nakuha 'yung mga pinagsasasabi mo?" tanong ko.

"Ah. Palagi naming ginagawa 'to ni Kel dati." sagot nya.

Sinong Kel?

"Who's that? Siya ba yung hinihintay mo?"

"Yes." Binitawan naman niya ang kamay ko. "At saka, nabuo ko 'yun dahil ang sabi nila dati, kung sino yung taong magbo-broke ng promise at kumasa sa pinky promise, kailangan niyang putulin yung daliri nya."

Puro kabaklaan nasa isip nito. Nakakatakot naman yun. Pero atleast, nalaman ko 'yon.

Sa sala nalang kami nag-usap tungkol doon sa plano na gagawin namin. Kahit paano'y nasubaybayan ko rin na kaya naman pala niyang sumabay sa plano ko. Yun nga lang, may kapalit.

Seul L'amourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon