Habang nakatunghay sa bintana
ng aking payapang silid,
biglang sumagi sa aking isipan
ang alaala ng nakaraan:
ang sandaling kapuwa natin
pinagsasaluhan ang saya, ang lungkot,
ang takot, at agam-agam sa mundo.
Masaya pa tayo noong nagsimula
hanggang sa ikalimang taon
ng ating pagsasama—
ginawang sandigan ng isa
ang balikat ng isa;
nagkasundong pupunasan ang
mga luhang maliligaw sa pisngi;
nangako sa isa't isa na hawak-kamay
pa rin kahit mismong tadhana
na ang kalaban ng puso.
Ngunit, hindi napigilang may sumuko.
Nagwagi ang tadhana. Nasa kaniya
na naman ang korona. Siya na naman
ang panalo sa matagal na labang ating
sabay at magkasamang ipinaglaban.
Ngayon sa parehong silid. Sa mismong puwesto. Sa mismong espasyo. Sa dating tagpuan. Nananatiling bukas
ang aking silid. Ang bintana. Ang puso
ko sa iyong pagbabalik. Hindi ko ito isasara. Maghihintay sa anino mong
baka maligaw sa aking bintana,
o sa aking pintuan at nang mabilis kang mapagbuksan, mahal.
BINABASA MO ANG
Ang Ma(ka)ta sa Pandemya
Thơ caIsang koleksyon ng mga natatanging tula na isinulat ng isang baguhang manunula(t) sa panahon ng COVID-19 pandemya. Sinubukan niyang kumawala sa kaniyang sariling kahinaan bilang baguhang manunulat; dalhin ang kaluluwa patungo sa tahimik na kalsada...