Hanggang Dulo, Tayo!

296 0 0
                                    

Kalmado nating binabaybay
ang rutang hindi natin alam
kung saan patungo,
kung saan ang dulo, at
kung anong mayroon ito.
Pero, hinanda natin ang sarili
sa lahat ng "paano",
lalo na't pinalalakas tayo
ng ating pagsasama't pagiging isa.
Sinubukan mong maging mahinahon—
kahit na lubak-lubak ang daan,
madilim ang paligid,
at tila walang magsisilbing ilaw
sa 'ting masalimuot na paglalakbay
tungo sa kaluwalhatian ng pag-ibig.
Hawak-kamay pa rin tayo.
Hindi bumitaw.
Hindi bibitaw.

Ang Ma(ka)ta sa PandemyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon