Manunulat, Magmumulat

317 1 0
                                    

Huwag kang sumulat lang,
magmulat ka. Isama sa iyong
nga butihing akda ang puso,
ang tapang, ang kapalaluhang
bumabalot sa mundo,
ang pag-ibig, ang kadalisayan ng
kalayaan, at pagbangon.
Walang ibang bubuhay sa
ating mga isusulat kundi
ang ating mga mambabasa.
Silang minsang kinalimutan,
minsang iniwan ng mundo,
silang naghahanap ng lakas
sa mga salita, silang walang
makapitan, silang inalipusta't
pinabayaan. Lahat sila—
bagamat hindi natin kilala—
ngunit sumasandal sa atin
bilang kalul'wang gustong
humanap ng masasapian
sa ating akda. Magmulat!
'Yan ang una kong pangako.
Pangarap noong nagsisimula.
Pag-ibig nang minsang nabigyan
ng spotlight sa mundo ng
pagkatha.
"Huwag matakot!"
'Yan ang lagi't lagi kong baon
sa isip, sa puso, at sa bawat pagbangon. Dahil sa bawat kong
pagmulat ay kasabay nito ang aking
unti-unting paglubog sa kumunoy
ng alipusta ng mga nadurungisan,
ng mga silahis na tinatamaan.
Mahal ko ang ginagawa ko,
at sa sandali mang magmura
ang halaga ng buhay ko,
iisipin kong minahal
naman ako ng katha't mambabasa
ko na mula sa aki'y sila'y
nakabangon, namulat, at
nabihag ng laya
tulad ng kaluluwa
kong maglalakbay sa dako
pa roon ng mundo.

Ang Ma(ka)ta sa PandemyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon