CHAPTER 2

884 9 0
                                    

Ang weird naman ni ate Ate Matilda, bakit maraming bawal.?
Tanong ko sa kanila.

Ang mga amo natin ay di tao. Sila ay bampira, wolf at kakaiba. Sabi ni Aling Lucilla.

Ha! e di delikado tayo. sabi ni Rosario.

Kaya nga tayo nakakulong sa kuwartong ito at mababait naman sila, ang sahod natin ay malaki. Sa gabi lang sila gising sa umaga tulog sila. Si Don Roy ay isa siyang bampira, asawa niya si Ate Matilda, may anak sila ang panganay si Mara ,isa siyang bampira, sumunod si Bryan isang werewolf at pangatlo si Llyod isang bampira. Noong una natatakot si Rosario pero ng katagalan wala naman gaanong trabaho at malaki ang sahod.
Nasanay na rin siya. Ipinasyal siya ng mga kasama niyang kasambahay sa mga pasyalan sa Baguio.

Hanggang isang araw may kinuha siyang gamit sa bodega at di niya napansin nasara ang pinto. Ng lalabas na siya kahit anong pihit niya di niya mabuksan, nagsisigaw na siya parang walang nakakarinig.

Saklolo!tulungan nyo ko, nasara- duhan ako dito.May tao dito sa
loob! sigaw ni Rosario.

Naghahanap siya ng panungkit sa pintuan at sinungkit ng sinungkit. Samantala nasa kuwarto na lahat ng kasambahay at nagaalala sila kay Rosario, kung bakit wala pa.

Nakalabas na rin si Rosario sa bodega at patingkayad siyang pumunta sa kuwarto, nadaanan niya ang mga amo na kumakain.
Nakita niya na kanya kanya silang sumisipsip ng bote na kulay pula at may isang lalaki na ang kamay ay parang sa halimaw, kinakain niya ang isang putol na kamay.

Muntik na siyang mapasigaw, lumakad na ulit siya, may narinig siyang tumutogtog ng piano. Nanlaki ang mata niya, dalawang putol na kamay nag- pyapyano napaatras siya may narinig siyang humahagikgik.
Napasilip siya sa siwang ng isang kuwarto, mga maliliit na bata na parang tiyanak na biglang lumingon at napaluhod siya na kabang kaba at takot na takot na baka siya ay nakita.

MGA KWENTONG KATATAKUTAN AT KABABALAGHANWhere stories live. Discover now