CHAPTER 9

301 7 0
                                    

"Simpleng babae lang ako Jed.
Pinaibig mo dahil sa pustahan.
Di ka pa nakontento, nilait at
sinaktan mo pa ako. Kaya wala na kong naisip kundi ang mag- pakamatay.

Tumalon ako sa bangin at ng naghihingalo na ko, isang matandang babae ang tumulong sa akin. Binigay niya ang bertud ng pagka  aswang, kaya naisip ko ang paghigantihan ko kayo.

Noong una balak kong takutin lang kayo, katulad ng ginawa ko saiyo sa salamin.Pero si Rex nilait niya ko kaya naisip kong
dukutin ang puso niya at sobrang bango, kaya pati lamang loob kinain ko ganon din kay Ricky at Allan na kapag nakakain ako ng puso at lamang loob ay gumaganda ako.

Pero si Billy nagmakaawa kaya di ko siya pinatay, di katulad ni Roman. Kaya nakita ni Billy kung paano kung ginawang hapunan si Roman.

At sa oras na ito kayo na lang ang natitira na dahilan ng pagkasira ng buhay ko."

"Patawarin mo ako Lea, di ko alam ang mga nagawa ko." sabi ni Jed.

Pero may balak pala siyang masama, sinugod niya si Lea. tinusok niya ito ng matulis na bakal.

Tagos sa likod ni Lea ang bakal, kaya nakatakbo palabas ang dalawa. Hinila naman ni Lea ang
bakal na nakatusok sa kanya at hinabol na ang dalawa.

"Jed.........Lyka.........nandito na ko.
Magtago na kayo! sigaw ni Lea.

Magkahawak ang kamay ng dalawa na gumagapang palayo
at hinahanap ang labasan ng hospital.

"Jed di ko na kaya, ang sakit na ng mga paa ko! sabi ni Lyka.

"hu.....hu......hu.....hu......."

Nagkatinginan si Jed at Lyka
dahil umiiyak naman si Lea.

Habang naglalakad dahan dahan yong dalawa, may humila kay Lyka. Nataranta si Jed.

'Lyka! Lyka! .........Lea ! wag si Lyka! sigaw ni Jed

"Jed! tulong!
Aaaaaaahhhhhhh! sigaw ni Lyka.

At nakita ni Jed si Lea na winawakwak ang tiyan ni Lyka.

"Hayup ka! hayup ka! sinugod ni Jed si Lea.

Pero itinulak lang ni Lea si Jed
at nagsasalita kahit tumutulo ang dugo sa bibig.

"Ikaw ang hayup! Ikaw ang gumawa sa akin para maging hayop" sabi ni Lea.

"Patayin mo na rin ako para makontento ka na! sigaw ni Jed.

"Di mo kailangang mamatay Jed, dahil gusto ko alalahanin mo na ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.
He......he.......he....sabi ni Lea.

"Hindi! .....sigaw ni Jed.

Samantala lalong umingay sa mental hospital.

"Alis!.…alis!....  ka   dito baka patayin ako ni Lea!  sigaw ni Billy.

Pinagbabato ni Billy si Jed ng unan.

"Alis! ....,. alis!......dito andiyan na si Lea".

Si Jed naman ay lingon ng lingon at bulong ng bulong.

"Wag si Lyka...........wag si Lyka
wag si Lyka..... bulong ni Jed.

Si Lea  nakasilip sa dalawang nakakulong sa mental at abot tengang nakangiti.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MGA KWENTONG KATATAKUTAN AT KABABALAGHANWhere stories live. Discover now