CHAPTER 4

219 4 0
                                    

Naiyak na lang si Jed sa nakita. Si Ricky wakwak rin ang tyan, wala na ring puso at lamang-loob.

At ng mailibing si Ricky, kinausap ni Jed ang natitirang barkada na sila Roman, Billy, Allan at ang girlfriend na si Lyka.

"Bakit tayo ang pinupuntirya ng killer na yon. Parang iniisa-isa tayo."

"Naisip ko na may kinalaman si Lea dito." sabi ni Jed.

(Biglang nabasag mag isa ang basong nasa mesa)
Nagtayuan sila at nangilabot.

" Nabasag yong baso, ng wala namang gumagalaw." sabi ni Lyka.

" Baka naman sa sobrang lamig kaya nabasag." sagot ni Billy.

Naupo silang lahat at nakinig kay Jed.

"Mga pare, maniwala kayo o hindi nakita ko sa salamin ng hotel ang pugot at duguang ulo ni Lea." pagkabanggit ni Jed sa pangalan ni Lea, sabay ding nabasag ang mga basong nasa kabilang mesa.

Gulantang napatayo ang grupo, inasikaso naman ng waiter ang mga nabasag na baso.

Dahan-dahang napaupo ang grupo at sabay-sabay na nagkatinginan at iisa ang tanong sa isip.

Pagkatapos nilang magusap ay nagkanya-kanyang uwi na.

"Pareng Allan, magingat kayo, iwasan mo muna ang mga babae ha Allan, baka ikaw ang sumunod." sabi ni Jed.

"Anong pinagsasabi mo pare, kalokohan yan kung ano-anong iniisip mo." sagot ni Allan.

"Basta wag kayong mag-iisa at wag muna kayong maglalalabas sa gabi." sabi ni Jed.

MGA KWENTONG KATATAKUTAN AT KABABALAGHANWhere stories live. Discover now