"Pare di ako nagbibiro, katabi ko kanina si Lea. Noong nakatalikod siya ay di ko siya nakilala at ng tumayo humarap ay si Lea! sabi ni Billy.
"Kung si Lea yon, baka patay na ako, gutom lang yan. Ioorder na kita ang mabuti pa, maghikamos ka muna. May muta ka pa! sabi ni Roman.
Nag cr na si billy, kasulukuyan umihi umihi sya ng may yumakap sa kanya at.
"Lea...... ikaw ba yan Lea..............
wala naman akong kasalanan sayo damay lang ako at di kita nilait di kita binato."...."Sabit lang ako, maawa ka pakiusap wag mokong patayin."umiiyak na sabi ni billy.
"Sabit ka lang di pwes isasabit kita "sabi ni lea nanlilisik ang mata inaamoy nya ang dibdib ni billy.
"Ang bango-ang sarap ng puso." sabi ni lea.
"Wag....... nangangatog na sabi ni billy.
Inihagis sya sa gilid ng cr at sumabit sya sa isang sabitan doon.
samantala si Roman
"Ang tagal naman ng mokong na yon, sabing maghihilamos lang, tapos na kong kumain, wala parin!! sabi ni Roman.
Nang biglang maisip ni Roman si Lea mamadali syang oumunta sa cr.
"Billy! Billy! sigaw nito
nakita nya si Billy na nakasabit sa cr at nangangatog sa takot nilapitan nya ito, at may itinuro sa likuran nya.
Pag harap nagulat pa sya ng tamaan ng bote ng mineral sa mukha. at napamura sya.
Puta***** patay ka sa akin kung sino mang nambatong yan! sigaw ni Roman
Isa isa nyang binuksan ang mga pinto.
Una ,"Blag". Pangalawa"Blug" may pusang tumakbo palabas. at Pangatlo "Blog".
Pero sya ang nagulat, dahil dinukot nito ang puso nya ni Lea nanlilisik ang mga mata.