Aalis na sana siya ng biglang hawakan siya ni Angela sa braso at
Kunin mo ito, maging maingat at mapagmatyag ka para matapos na ang lihim ng apartment na ito sabi ni Angela at bigla siyang hinimatay.
Nagtatakang umuwi si Denise dala ang binigay ni Angela na metal na krus . Hinimas himas niya ito at biglang may nagclick at paghila niya ay isang matulis at matalim na kutsilyo pala yon .
Natakot siya sa natuklasan at babala ni Angela na wag magpagabi at umalis na sila doon.Nagsusulat siya sa may sala ng biglang bumukas ang sahig na sementado at may lumabas na lalaki na animoy doktor papunta sa kanya, napatayo siya pero pag tingin niya sa kinauupuan may babaeng mahabang buhok na nagsusulat, nilapitan ito ng lalaki at tinurukan ng injection at binuhat pababa sa bukas na sahig. Napabangon siya sa kanyang kama at hingal na hingal na napaupo ar natakot sa kanyang napanaginipan.
ikinuwento niya sa barkada ang tungkol sa panaginip At di sila naniniwala sa kuwento dahil mag one week na sila at wala namang nangyayaring masama sa kanila.
Hanggang isang gabi pagod na pagod sila dahil sa dami ng trabaho na nagawa nila.
Denise....... Denise..... gising yong kaibigan mo, tulungan mo siya.
Parang naririnig niya si Angela ang tumatawag sa kanya, pero iba ang mukha nito. Lumabas ito ng kuwarto at bumaba ng hagdan, dahan dahan niya itong sinundan ng may halong pagta- taka. At itinuri nito ang lalaki parang doktor na pababa sa ilalim ng lupa buhat ang kaibigang si Lucy at nagsara ang sahig .Lucy! pabulong niyang wika at pagtingin niya ay nawala ang babae.