"Wag mong kausapin si Lea, antayin mo ko. Papunta nako diyan." sagit ni Roman.
At mabilis na sumakay ng kotse papunta sa bahay ni Allan. Pero ang nadatnan niya ay maraming tao na nakapalibot sa bahay ni Allan.
Takot at galit ang naramdaman niya ng makita ang bangkay ni Allan. Wakwak ang tiyan, wala ng ang puso at lamang-loob.
Nagdesisyon sila na puntahan ang bahay nila Lea.
"Totoo po ang sinasabi namin. Ang huling kasama po ng kaibigan namin ay ang anak niyong si Lea." sabi ni Roman.
"Ito pa nga po ng litrato nila na katunayang nagkita sila bago pinatay yong kaibigan namin." sabi ni Jed.
Sabay abot ng picture sa parents ni Lea. Nang makita ito ng parents ni Lea, nagalit ang mga ito at pinagsalitaan sila nito ng masasakit na salita.
Nagtaka sila at tinignan ang picture, isang pagkapangit-pangit na babae ang katabi ni Allan.
Samantala, iyak naman ng iyak ang parents ni Lea, dahil matagal ng nawawala ang anak nila.
Kinabukasan, nasa coffee shop si Roman, tinawagan niya si Billy at may usapang magkita.
Nang may makiupo sa kanyang tabi. Di niya pinansin ito, dahil sa pagbabasa ng diyaryo.
Nang pagdating naman ni Billy ay siya naman tayo ng katabi ni Roman at umalis palayo.
Takot na lumapit si Billy kay Roman at
"Bat ksama mo si Lea?" tanong ni Billy.
"Nananakot kaba? Baka gusto mong makatikim sa akin." sagot ni Roman.
![](https://img.wattpad.com/cover/221836301-288-k436391.jpg)