CHAPTER 1
Namasukan ako bilang maid sa isang malaking mansion sa Baguio ng matunton ko ito.Wow! super laki pang fairy tales pala talaga ang mansion na ito. Sinalubong ako ng isang matandang babae na may mahabang buhok, nakaitim na damit. Napansin ko na maganda siya kahit siyay may edad na.
Ako nga pala si matilde ang mayordoma dito, ako ang nama- mahala sa lahat ng taga silbi dito.
Ikaw si Rosario?Opo, ako nga. sagot ko.
Ang tungkulin mo dito ay linisin ang kuwarto ng nasa gitna. Kai- langan walang mahihipong ali- kabok at wala kang babaguhin sa
lahat ng ayos. Pwede kang maglinis mula ala sais ng umaga hanggang ala sais ng gabi. Pag may nakalimutan ka sa kuwartong yon,wag mo ng balikan, kapag di mo na oras. Malinaw ba Rosario? tanong nito.Opo Ate Matilde sagot ko. At sa pagsapit ng ala sais ng gabi wala ng lalabas ng kuwarto, dalhin nyo na ang lahat na dapat nyong gamitin. Pag may ingay kayong narinig wag nyong intindihin malinaw ba?.
Ito ang magiging kuwarto mo, makakasama mo sila. Sila Lina, Maricris, Lucilla at Ben at Roy.
Ikandado mo na ang pinto Roy. sabi nito.