Pumasok siya sa loob, nakita niya may babae sa loob ng isang malaking tube. Nakahubad sinilip niya ang mukha si May.
Si May ba ang babaeng ito? tanong niya sa sarili.
Tumingin siya sa paligid, nakita niya may babaeng nakahiga na walang mukha at kilala niya ang damit na suot kay May ang damit na yon.
May! May!anong ginawa nila saiyo. paiyak na sabi ni Denise.
Ng biglang bumukas ang pintuan, nakita siya ng lalaki.
Sino ka? Pano ka nakapasok dito? tanong nito sa kanya.
Isa kang baliw ,isa kang masamang nilalang. Paano mo nagawa na gumawa ng isang tao at kumuha ka ng parte ng katawan sa ibat ibang babae. sagot ni Denise.
Nagmahal lang ako , isa akong magaling na doktor at marami na akong natulungang mga tao. Pero sa pinakamamahal kong babae hindi ko natulungan. May kanser siya sa dugo at di ako papayag na mamamatay sya , kaya bago siya malagutan ng hininga kinuha ko ang utak niya , para mailipat ko sa ibang katawan. sabi ng nakangising lalaki.
Ang sama mo para kang demonyo! walang kaluluwa para gawin mo ang mga iyon! sigaw ni Denise.
Dahil hindi patas ang diyos mo!
Tumutulong ako, tapos yong pinakamamahal kong babae kukunin pa niya, pahihirapan pa niya. At dahil sa katalinuhan ko kaya kong ilipat ang utak niya sa ibang katawan. Dinudukot ko ang mga babae sa apartment para kunin ang mga may magagandang parte ng katawan para sa aking mahal. At ngayon bou na ang kanyang katawan puso na lang ang kulang.At tamang tama ang puso mo malakas, matapang, mapagmahal. Mabubuhay ko na ang aking mahal.
Ha! Ha! Ha! At walang makakapigil sa akin. Kahit na ang diyos mo Ha! Ha! Ha! sabi nitong tumatawa.