CHAPTER 3

237 6 0
                                    

Napabalikwas ng bangon si Jed sa paulit ulit na tunog ng celfone.

"O Roman pare, istorbo ka ang sarap ng tulog ko ha." sagot ni Jed.

"Pasensiya na pare, magugulat ka sa ibabalita ko." sagot ni Roman.

"Siguraduhin mong magugulat ako, kundi lagot ka sa akin."ani ni Jed.

"Pare si Rex wala na........"sabi nito.

"Anong wala na."tanong ni Jed.

"Patay na si Rex pare , maaawa ka sa hitsura, wakwak ang dibdib hanggang tiyan ." sabi ni Roman.

"Ano! anong pinagsasabi mo?." tanong ni Jed .

"Totoo pare, nakita ko si Rex sa
kalsada na wala ng puso at lamang loob. At iniisip ng mga imbestigador ang mga taong gumawa noon ay yong kumukuha ng mga organs at ibenebenta." sabi ni Roman.

Nagkita ang magbarkada sa lamay ni Rex at nangako silang maghihiganti sa sinapit ng kaibigan.

Nasa sementeryo silang lahat ng may tumawag kay Jed.

"Isusunod ko na si Ricky! he  .....
he......  he.........sabi nito.

"Nasaan si Ricky? Saan si Ricky! sigaw ni Jed.

"Hayun si Ricky. May kausap siyang supergandang girl." sabi ni Lyka.

Lumingon ang babae at nanlilisik ang kanyang mga mata. Napasigaw si Jed.

"Aaaaahhh..nakita niyo yon, yong babae nanlilisik ang mga mata."sabi ni Jed.

"Anong nangyayari sayo di mo ba matanggap ang nangyari kay Rex." sabi ni Lyka.

"Ano nga bang nangyari sa akin? Bakit di niyo nakita yong babae na nanlisik ang mata. Yong cellphone ko may tumawag, si Ricky na raw susunod." sabi ni Jed.

"Iuwi mo na yan Lyka, para makarelax na kung ano-ano na ang sinasabi." sabi ni Roman.

Lumipas ang dalawang araw, tumawag ulit si Roman kay Jed.

"Pare may nangyari?"sabi ni Roman

"Wag mong sabihing may nangyari kay Ricky. Tanong ni Jed.

"Pare..... pumunta ka na lang rito." sagot ni Roman.

MGA KWENTONG KATATAKUTAN AT KABABALAGHANWhere stories live. Discover now