Lumipas ang isang linggo nasa park si Allan, habang hinihintay ang isa sa mga girlfriend niya. At di sinasadyang mabangga niya si Lea.
"Sorry ...... Lea? Ikaw ba yan?" tanong ni Allan.
"Ako nga, bat parang di ka makapaniwala." sagot ni Lea.
"Ang laki ng iginanda mo, parang naiinlove nako sa iyo pero biro parang ibang tao ka ngayon." sagot ni Allan.
Ngiti lang ang sagot ni Lea.
" Pwede bang magselfie tayo, para maipakita ko kay Jed, kung gaano ka na kaganda." sabi ni Allan.
Nagpaunlak naman si Lea at ng makaalis na si Lea. Ay pinuntahan naman ni Allan si Jed para ikwento at ipakita ang pictute nila ni Lea.
"Pareng Jed ang ganda talaga ni Lea." sabi ni Allan.
Tinakpan ni Jed ang bibig ni Allan.
"Walang nabasag, dahil si Lea O.K. naman siya at tanggap na niya ang nangyari. Ito pa nga ang picture namin." sabay abot kay Jed ang litrato.
Shock naman si Jed sa nakita sa litrato. Si Allan walang ulo at si Lea di lang maganda, lalo pang gumanda.
"Pare bat wala kang ulo sa picture?" tanong ni Jed.
"Anong wala, meron yon ah." sagot ni Allan.
Pero ng tinignan ni Allan ang picture ay wala nga siyang ulo. At nabitawan niya iyo. Takot ang dalawa sa nakita, kaya tinawagan nila si Roman at Billy para malaman ang nangyari.
Alas onse ng gabi, kausap ni Roman si Allan sa cellphone ng matanaw ni Allan si Lea sa bintana.
"Lea, napadaan ka, sinong kailangan mo?" tanong ni Allan.
Sumenyas lang ito sa kanya.
"Pare nandito si Lea gusto yata akong kausapin. Tawagan na lng kita maya. Bye." sabi ni Allan.