Chapter 9
Nagising akong may tumama sa pisngi ko.Naiwan ko palang nakabukas ang bintana kagabi.Agad akong tumayo at tumingin sa salamin.Binalik ang dati kong ayos nung pumunta ako dito sa Akademya.Kumuha ako ng towel sa cabinet at uniform.Dumiretso agad ako sa pinto ng CR.Bubuksan ko sana ng makita ko ang isang babaeng nanggaling sa kusina habang bitbit ang plato na may lamang cupcakes.Napatingin ito sakin at ngumiti.Ngumiti na din ako at pumasok sa CR.
Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko ang uniform.White long sleeves at may blazer din na kulay puting may lining na gold.May logo sa left side.Kulay itim ang saya above the knee at kulay itim din ang necktie nito.May kapa din na kulay puti represents that I'm a Nixon students.Nagsuot din ako ng socks na black hanggang tuhod at black flat shoes.Di ako sanay na ipakita ang paa ko.Bat ang ikli ng saya?Lumabas nalang ako sa CR habang sinuot ang salamin at brace.Sinuklayan ko rin ang basang buhok gamit ang kamay.
Mabilis akong tumungo sa sofa at nakita ko ang babaeng kumakain ng cupcakes.Napaangat ito ng tingin.
"Gusto mo?"Alok niya sakin.Nagdadalawang isip naman akong kumuha pero gutom na rin ako eh.Kumuha ako ng tatlo at nagpasalamat.
"Anong pangalan mo?"She asked.Napatingin naman ako sa kanya at kumagat ng cupcakes bago sinagot ang tanong niya.
"Eleitheia.Ikaw?"
"I'm Vivien LeMay."Ngayon ko lang napansin ang highlights niya sa buhok.It's color yellow.She is from Copers Tribes.We are the same color of uniform but sa kapa ay hindi.Yellow ang sa kanya.
"Nakapagtour ka na?Gusto mo itour kita?Maaga pa naman eh."She happily asked me.Tumango nalang ako kaya ngumiti siya.
"Let's go."
Tulad ng sabi niya nilibot namin ang buong Akademya.Malawak ang cafeteria at may malaking chandelier sa taas.Magara din ang mga upuan at tables nito.Ito ang nasa loob ng isang kastilyo.Tinuro niya din kung saan ang gym ng Akademya at isa din ito sa mga may kaliitan na kastilyong nakita ko kahapon.Ang faculties room,punishment room,clinic at meeting room ay iisang kastilyo na pa katabi nito.Ang buong arena naman ay isa din sa mga kastilyo at malayo-layo ito.Ang dalawang kastilyo naman na magkatabi ay classrooms ng mga estudyanteng galing sa Clans.Ang tatlong kastilyo na nagkawatak-watak ang pwesto sa likuran naman ay ang dormitory nila.Grabeh ang yayaman.Tinanong ko si Vivien kung ano ang gintong kastilyong nag-iisa sa tutok ng isang malabundok na lupa.Ibang iba sa lahat.Ang sabi niya ay dormitoryo ng top 10 most richest clans.Kung ano ang nasa loob ng mansiyon ay ganun din ang nasa loob nito.Grabeh.
Pumasok kami sa main building ang pinakamalaking kastilyong nakatayo sa gitna.Sabi ni Vivien ang 8th floor ay ang laboratory ng mga potion maker at ang kalahati ng floor ay ang library.Ang 7th floor naman ay mga kagamitan para sa training.Ang 6th floor hanggang 2nd floor ay ang mga classrooms ng mga estudyanteng galing sa tribes.Ang 1st floor ay room ng Head Master.Sa likod ng main building ay ang malawak at malaking field na may bench sa gilid ng field sabi niya.Sa dulo nito ay ang garden ng Akademya.Grabeh ang lawak.
"Grabeh ang lawak ng buong Akademya."Mangha-mangha kong sabi.Tumawa naman ito.
"Sinabi mo pa.Ako nga noong unang tapak ko dito halos malula ako sa laki at lawak ng School.Pang-mayaman talaga ang dating.Wapak talaga."Masayang sabi niya.Nasa labas kami ng main building at marami naring mga estudyante ang nagkalat.Iba-iba ang mga kulay ng kapa.Wala akong makitang taga-Middle City.
"Wala bang naliligaw dito na taga Middle City?"Bigla kong tanong.Napakamot naman siya sa batok at ngumiwi.
"Ah,minsan lang.Kapag pupunta sila kay head at kapag dadaan sila papuntang field yun lang.Pero makikita naman natin sila kapag may okasiyon o tatawagin ng Head ang lahat ng students sa gym o sa arena.Sa cafeteria din makikita mo din sila dun na kumakain at ano pa ba?Ah sa ceremony dun sa gym.Mayamaya tutunog ang bell hudyat na magsimula na ang ceremony.Yun lang ata."Mahabang pahayag niya.
"Ah."Sabi ko nalang.Habang naglalakad kami ay madami rin kaming nasalubong ng mga estudyante mula sa ibat-ibang tribo.May ngingiti samin,yuyuko at nagmamadaling lumakad.May nakaupo sa bermuda grass parang hinihintay ang pagtunog ng bell.Meron ding galing sa cafeteria at nagtatawanan ang mga ito.Meron ding nag-uusap at kinikilig.
"Mukhang nasa cafeteria ang Elites."Napalingon naman ako sa kanya.Elites?Parang narinig ko na ang word na yan.Saan ko ba yun narinig?
"Elites?"
"Oo yung sinabi ko sayong Top 10 most richest clans.Elites ang tawag sa kanila."Tumango nalang ako at bumaling sa malaking pinto ng cafeteria.Doon ko nakita ang may mga kapang ginto at tumungo sa kanilang kastilyong classrooms.Sa harap ng malaking pinto ng cafeteria ay may limang daan.Papuntang arena,gym,classrooms/dormitoryo nila,papunta sa gintong kastilyo at sa main building.Sa amin.Ang gitna ng daan papuntang classrooms nila ay nandon ang daan patungong faculties room.Basta ang daming daan.Nakakahilo sila tingnan.
Biglang tumunog ang kampana.Napatingin ako dun.Isa itong Bell Tower.Nagsitayuan ang mga estudyanteng nakaupo sa bermuda grass at lahat ng estudyante ay tinahak ang daan papuntang gym.
Pagdating namin ay halos mapuno ang gym sa dami ng estudyante.
"Eleitheia.Hanapin mo ang tribe mo at doon ka luminya.Magsisimula na ang ceremony kaya bilisan mo.Hahanapin ko din ang akin."Tumango nalang ako at mabilis nakipagsiksikan sa mga estudyanteng katulad ko na hinahanap ang kanilang linya.
Napahinga akong makita ang mga taong may puting kapa at dali-daling tumungo dun.Luminya na din ako katulad ng iba.Ang Neame Tribes ang nasa left side namin with their purple cloak katabi nito ang Caeles Tribes with their galaxy cloak.Gaia Tribes naman ang nasa right side namin with their yellow green cloak katabi nito ang Ekaia Tribes with their blue cloak.Two in lines lahat at ang haba ng linya.Hindi naman masyadong masikip.Grabeh ang dami ng Tribes hindi ko na alam kung ano ang mga Tribes na nakita ko.Hindi nga ako nakikinig kay Head diba dahil sumasakit ang ulo ko.Nakita ko din ang mga nakagintong kapa.Ang dami rin pala nila.Nasa left side sila habang ang tribes ay nasa right side at ang gitna nito ay malaking space.Doon dumaan ang head ng Akademya at ibang faculties.Buti nalang may katangkaran ako pero napa kinto parin naman ako eh.Sa dami ba naman ng ulo.
Nasa gitna ng stage ang dean while ang mga faculties ay nasa likuran niya ito. He roamed his eyes on us with his serious face. Nakakatakot talaga siya pero mas nakakatakot yung lalaking nakita ko sa forest. Kumusta na kaya yun? Bakit kaya nakasealed ang kapangyarihan niya?Naibalik ang sarili ko sa realidad ng nagsalita ang dean.
"Good Day everyone and welcome back.To those are new students of Royale Majica Academy,Welcome to the ceremony.Before we will start the ceremony I want the presences of Top 10 Clans and Top 10 Tribes students here in the stage."
Top 10 Tribes?
Napangiwi akong wala na akong makita dahil kumikinto narin ang nasa unahan ko.Napanguso ako at inayos ang salamin ko.Biglang umingay ang gym dahil naghihiyawan ang mga estudyante.Ano bayan di ko makita.
"I call the attention of all students to familiarize our top 10 clans and tribes especially to our new students please familiarize them."
"Thank you my beloved students.You can go back to your lines and now we will start our ceremony."
Tumahimik ang buong gym.Nagtataka naman ako pero hinihintay ko nalang kung ano ang mangyari.Nagulat nalang akong umilaw ang mga kapa namin.Wow.Napaangat ang tingin ko sa taas dahil ang puting ilaw na galing sa kapa namin ay nagkaisa ganun din ang iba hanggang sa matulin itong tumaas at muling nagkaisa ang lahat ng kulay ng mga kapa.Gumawa ito ng malaking bilog habang may ibat-ibang kulay at malakas sumabog.Napapikit ako dun baka matamaan kami dito but nagulat akong may dumampi sa pisngi ko.Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at doon ko nakita ang mga dust mula sa sumabog na malaking bilog.Kumislap-kislap ito.Ang ganda.
Napalinga-linga ako para makita ang reaksiyon ng mga estudyante.Kita ko sa kanilang mga mata at mukha ang pagkamangha.Ganito pala ang ceremony ng Akademya.I love it.

BINABASA MO ANG
The Stone Keeper
Fantasy|Completed but not yet edit| 'Hide and Run' Her daily routines. Hide from everyone who seeks and chases her.She wants a peaceful life but she knows it's very impossible to happen because she is the KEEPER. Keeper of the secret stone and she would pr...