Chapter 6

3.1K 128 2
                                    

Chapter 6

Tama nga si Lola Hilda ang layo ng Middle City dahil halos tatlong oras na kami nagbabyahe.Napatingin ako sa kasamahan ko.Nagulat akong nakatingin pala ang dalawang babae sakin.Nahihiya akong ngumiti at inayos ang bagahe sa hita.Ngumiti din sila sakin at nagkatinginan sa isa't-isa.

"Hhmmm.Anong pangalan mo?"Tanong bigla ng isa.Inayos ko ang salamin sa bandang ilong at nahihiyang tumingin sa kanya.

"Eleitheia ang pangalan ko."Sagot ko.Nabigla naman akong tumawa siya.

"Ang cute mo naman."Sabi pa niya.

"Ako nga pala si Janelle tapos ito namang katabi ko si Thailah."Masayang pakilala niya.Yumuko nalang ako ng kaunti ganun din sila.Nagkikipagsabayan ako sa kanila minsan habang ang katabi ko walang imik.Nagdal-dalan lang kami hanggang nasa harap na namin ang tarangkahan ng Middle City.Sumilip ako sa bintana at tinanaw ang napakalaki at napakataas na tarangkahan na may mga letrang gawa ng pilak at ginto sa ibabaw nito.

"Middle City."Basa ko dito.Grabeh ang laki at ang ganda.Sa magkabilang tore ay meron ding kawal at sa harap ng tarangkahan ay merong mga kawal din.Napakahigpit nila. Makikita ko dito sa kinaruruonan ng aming karwahe kung paano nila sinusuri ang nasa loob nito hanggang sa kami na ang kanilang sinusuri.Nag-usap ang ibang kawal at ang kutsero namin.Ang iba naman ay sinusuri kami pati na ang aming mga dalang bagahe.Pagkatapos ay pinapasok na sa tarangkahan.

Hindi ko mapigilang mamangha sa paligid.Ang mga gusaling nagtataasan at matatayog.Ang kanilang establisemento.Nagkikintaban ito kapag tinatamaan ng sinag ng araw.Sa gilid ng daan ay nakahilara ang mga puno waring mga kawal at meron ding mga makukulay na bulaklak.Dalawa ang daan ng Middle City.Ang nasa kaliwang daan ay para sa mga sasakyan na gawa ng teknolohiya at ang aming dinaraanan ay para naman sa mga kalesa at karwahe.Yan ang napansin ko.Nakita ko din ang mga taong naglalakad sa gilid ng daan pero gawa parin ng marangyang seminto ang tinatapakan nila habang nakasuot ng mamahaling kasuotan at may suot na balabal na kulay ginto.Represents that they are the Middle City people.Meron ding mga torch sa gilid ng daan.Ganito pala ka ganda ang Middle City.Sa wakas nandito na rin ako sa pinakamalaking lugar sa lahat.Ang Middle City.Maganda pala.

Mahabang daan ang tinatahak ng karwahe hanggang tumigil ito.Sumilip ako sa bintana at nakita ang isang napakalaki at napakataas na tarangkahan sa aming harapan.Hindi ko alam kung umabot ba ito sa langit.Hindi ko kasi makita ang dulo nito.Napalinga-linga ako sa paligid.Meron din palang ibang mga karwaheng nagsidatingan.

"Nandito na tayo."Masaya na may halong kaba na sabi ni Janelle.Ngumiti nalang ako at sumunod kay Thailah na unang bumaba.Hila ang aking bagahe ay pinagmasdan ko ang kabuohan ng tarangkahan.

Nakatingala ako sa napakataas na tarangkahan ng Akademya.Napapalibutan ito na kasing taas din ng tarangkahan ng malaking pader ang Akademya.Protektado nga ang paaralan.May mga kawal at nakamen in black sa harap ng gate habang ang iba ay parang naglilibot sa paligid.

Nagtipon-tipon kami hindi kalayuan ng gate.Nagsi-alisan na din ang mga karwaheng sinasakyan namin.Kinabahan tuloy ako.Napakagat ako sa ibabang labi ko na may lumapit samin.Isa sa mga men in black.Malaki ang katawan nito at seryoso ang mukha.Nakakatakot tuloy.

"Kayo ba ang bagong mga estudyante mula sa mga mababang uri?"Tanong nito samin.May sumagot naman sa kanya isa sa amin and he signed us to follow him.Nasa harap kami ng isang room ata at may tao sa loob may maliit na bintana ito.Doon kami tumingin sa kanya.Sinabihan din kami ng men in black na magpila sa harap ng room.Meron pala itong room hindi ko napansin.Nakabantay samin ang mga men in black.

Unti-unting umusad ang pila namin.Ano kayang meron sa unahan? Napalingon ako sa babaeng mula sa unahan.May hawak itong papel at I.D ata.Napabaling ako sa harap dahil ako na ang susunod.Hinintay ko nalang na umalis ang lalaking nasa unahan ko and it's my turn.

"Pangalan mo,binibini."Tanong niya habang may makapal ng papeles sa kanyang harapan at sinusuri ito.

"Eleitheia Nickkola Zaun McGrath po."Magalang kong sagot.Napaangat naman ito ng tingin dahil sa sagot ko at kinunutan ng noo.Napakurap-kurap naman ako.Sinusuri niya muna ang mukha ko at muling binaling ang tingin sa papeles.Kinalaykay niya ito hanggang huminto siya at may binasa.

" Eleitheia Nickkola Zaun McGrath.18 anyos.Mula sa Nixon Tribes.Ikaw toh?"Tanong niya ulit.Tumatango-tango naman ako.Umilaw ang kanyang kamay at hinawakan ng kanyang palad ang gitna ng enrollment form ko.What he doing? Pagkatapos ay ibinigay niya ito sakin.

"Ibigay mo yan papasok ng gate at tumingin ka muna sa bandang gilid ng bintana."Kinuha ko muna ang enrollment form ko bago sinunod ang sinabi niya.I was looked behind the window.Nagulat lang akong may nagflash.Ano yun?

"Ito na I.D. mo."Napaawang naman ang labi ko sa narinig.What?I.D?I'm sure panget ako dun.Kinuha ko nalang ang I.D. at nagpasalamat sa kanya.Umalis ako sa harapan ng bintana at muling pumila papasok ng gate.

Hindi pa naman umusad.Tinitigan ko muna ang I.D. ko.Napakurap-kurap ako.Ako ba toh?Nanlaki ang mga mata ko dito.Mabuti nalang hindi nakanganga bibig ko.I'm still cute parin naman.

"Enrollment form mo."Napaangat ang tingin ko sa men in black habang nakatitig sakin ng mariin.Nakalahad din ang kanyang palad sakin.Ako na pala.Dali-dali kong pinatong sa palad niya ang enrollment form ko.Agad niya naman itong tinitigan parang may hinahanap hanggang pinapasok na niya ako sa tabing gate.Maliit siya yung sakto lang ang isahang tao.Yes,wala po kami sa higanteng gate dumaan.Sa tabi nito kami dumaan.Excited pa naman sana akong pumasok sa malaking gate..hhayystt.

Hindi ako makapagsalita ng makapasok ako sa loob ng Akademya.Ang lawak sobra at ang ganda.Sa gitna nito ay may malaking kastilyo habang magkabilang gilid ang mga buildings. Meron ding sampung hindi kaliitan na kastilyo pero alam kung malaki ang loob nito at magkalayo ang mga ito.

Hinintay muna namin ang iba.Ang laki at lawak talaga ng Akademya.Napakaganda pa ng mga desinyo ng kastilyo.Ano kaya ang mga ito?Wala akong nakitang estudyanteng palaboy-laboy dahil bukas pa ang start ng klase.Baka mamayang gabi darating ang mga yun.

Nung kami ay kompleto na ay may lumapit samin.His wearing formal attire iba sa mga men in black.Para siyang may titulo.Nakakapangilabot ang aurora niya super.He roamed his eyes to us before he spoke.

"Good afternoon everyone.Ako si Hellion Dawkins,the Head Master.Welcome to Royale Majica Academy."We bowed at him and he nodded.

"Sumunod kayo sakin."As what he said,sumunod kami sa kanya.Hindi ko mapigilang ilibot ang tingin ko sa paligid.Ang laki talaga at ang lawak.

Tumigil kami sa malakastilyong gusali.Ang pinakamalaking kastilyong nakatayo sa gitna.

"Yung unang building na may kulay na pinaghalong brown ,yellowish,yellow green at blue violet na flag ay para sa mga taga Gaia Tribes,Ostium Tribes,Axeath Tribes at Raveleth Tribes.Ang kasunod naman nito na may kulay na pinaghalong orange,white,sky blue at yellow ng flag ay para sa mga Allania Tribes,Nixon Tribes,Altius Tribes at Copers Tribes.Ang katabi naman nitong building na may kulay na pinaghalong green,gray,pink at blue ay para sa mga Sumuno Tribes,Vidia Tribes, Oberum Tribes at Ekaia Tribes. Ang katabi nitong building na may kulay na pinaghalong purple,galaxy,red at maroon ay para sa mga Neame Tribes,Caeles Tribes,Azola Tribes at Dalton Tribes.Yan ang inyong magiging dormitoryo sa loob ng Akademya."Madami pa siyang sinasabi tungkol sa mga tribes kung saan sila nabelong.Hindi na ako nakikinig dahil nahihilo lang ako sa dami ng tribes.Alam ko naman kung saan ako magstastay.

"Handa na lahat ng inyong schedule at uniforms niyo, nasa loob na ng dormitoryo.Magsitungo na kayo sa dormitoryo upang magpahinga and once again,Welcome to Royale Majica Academy."

The Stone KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon