Nang sila'y nasa malapit na papuntang mikaleiva ay may nakaharap silang higante gumagapang pero mabilis ito na para bang tumatakbo. Agad tumalon si levin sa kanyang kabayo at sumampa sa likod ng higante.
Napahinto naman silang lahat at manghang tinignan ang lieutenant na hiniwa ang likod ng higanteng ito.
"Anong klaseng higante yan" nagtatakang tanong ni eryell sa mga kasama nya. Si eryell ay nasa pamumuno ni rare.
"A craw runder giant" manghang sambit ni rare na narinig naman ng ibang myembro nila levin.
"Craw runder?" Nagtatakang tanong ni roah mula sa pangkat ni skyler.
"Ang craw runder ay isang salamander giant. Ang kaibahan lang ay tao ang higanteng iyan" paliwanag ni Fairen mula sa pangkat ni levin kaya napalingon si rare dito.
"Pano mo nalaman ang bagay na yan?" Tanong ni rare dito.
"Pinag aaralan ko ang iba't ibang uri ng higante at kung san sila maaring mamatay ng mabilisan" sambit ni fairen dito kaya natahimik si rare at mukhang naiisip.
Nakabalik na si levin at sumakay na sa kanyang kabayo. Paalis na sana sila ng biglang nagsalita si rare.
"Alam ko na! Kailangan ko ng buhay na higante para pag aralan!" Masayang sambit ni rare kaya napailing na lang silang lahat.
"Baliw na babae" parinig ni skyler at nagpatuloy na sila habang nakasimangot naman si rare. Nakita nilang pasara ang gate kaya madali silang pinatakbo ang mga kabayo nila.
Bago pa sila makapasok ay nakita nila ang isang napaka gandang higante na si eury na isinara ang kanilang papasukan.
"Up!" Sigaw ni levin at agad nilang ginamit ang roper nila para maka akyat. Naunang makaakyat si levin at pasugod sa higanteng si eury.
"Get away!" Sigaw ni tamara at sinangga ang armas na dadapo sa kanyang kapatid.
"Why are you stopping me lady?" malamig na tanong ni levin kay tamara na handa sa mangyayari.
"Dadaan ka muna sakin bago mo mapatay ang kapatid ko." Walang emosyong sabi ni tamara at dahil dito ay nagulat si levin ngunit hindi nya pinahalata.
Namayani ang ilang sandaling katahimikan hanggang sa sabay sabay lumapag ang triumvirate lieutenant at napalingon sila sa higanteng si eury.
"Woah!" Manghang sambit ni rare na nakita ang pangyayari at ang higante ngunit kabaliktaran nya ang mga miyembro nila na nakahandang umatake.
"Kill her at kami ang makakalaban nyo" sambit ni sue at pumunta sila sa unahan para protektahan si eury.
"Stop" sambit ni levin kaya naman kumalma sila skyler. Namutawi ang mahabang katahimikan.
"Ang ganda nya! Pwede hawakan?!" Masaya at parang batang sambit ni rare kaya naman napayuko sa kahihiyan ang miyembro nya habang natatawa ang ibang miyembro ng lieutenant at napa facepalm si skyler.
"Are they really the lieutenant triumvirate" nagtatakang bulong ni dustin na narinig ni sue at tamara.
"Sue, dustin kunin nyo si eury" utos ni tamara kaya nagtaka ang grupo nila levin. Agad tumango si sue at pumunta sa likod ng higante at hiniwa ang likod nito.
"What the hell?!" Gulat na sambit ni skyler sa kanyang sarili. Kinuha nila si eury at lahat sila ay namangha sa ganda ni eury.
"Tara na" utos ni tamara at umalis na silang tatlo habang buhat ni dustin si eury.
"Sumunod kayo sa amin" sambit ni loki at umalis na din.
"Welcome back lieutenants" sabi ni thania at sumunod na kay loki.
Lumipas ang ilang araw at nalaman ng tatlong emperor ang nangyare kaya naman ay ipinatawag ang lahat ng hunters sa kanilang bulwagan.
Nasa kaliwang bahagi ang grupo nila tamara na pinamumunuan nila commander fred at captain rios habang nasa kanang bahagi ang lieutenant triumvirate at ang miyembro nila.
Nasa gitna si eury na nakayuko habang nakatali ang dalawang kamay patalikod. Ang emperors ay pinamumunuan nila cyrus mula sa lant, sebastian mula sa garnedia at arthur mula sa mikaleiva.
"Kailangan syang patayin!" Pahayag ni emperor cyrus na sinang ayunan ni emperor sebastian kaya napahigpit ang hawak ni tamara sa kanyang armas.
"Walang papatay, wala tayong dahilan" sabat ni emperor arthur sa dalawa nyang kasama.
"Isa syang halimaw! Sapat na dahilan iyon" sabi ni emperor sebastian.
"Ang halimaw na iyan ang tumulong upang bawiin ang mikaleiva" pagtanggol ni emperor arthur.
"Nananalaytay sa dugo nya ang dugo ng isang halimaw!" Sabi ni emperor cyrus at nagpatuloy ang kanilang pagtatalo.