TGS 5

15 1 0
                                    

Sa kabilang dako naman ay patuloy na nakikipaglaban sila tamara sa mga higanvirous. Ang mga taong nakaligtas ay nagtipon tipon sa isang lugar,gulat at takot sa isang abnormal giant na tumatakbo palapit sa kanila.

"Damn it! Bakit nya tayo iniignora!" Galit na usal ni race habang tumatakbo at hinahabol ang higante. Kasama nyang tumatakbo ang mga kagrupo nya.

"Abnormal yan! Logic doesn't apply!" Sagot ni nick dito habang tumatakbo din.

"Mabilis sya! We are the Frontier! Bilisan natin!" Hingal na sigaw ni grace habang tumatakbo dahil kanina pa nila ito hinahabol ng biglang nagulat sila dahil ang leader nilang kanina pa wala ay biglang nasa unahan na nila na agad tumakbo sa likod ng higante at saka pinabagsak bago pa makakuha ng taong kakainin.

"Dalhin silang lahat sa WTower" utos ni tamara na agad sinunod ni grace at mika. Naiwan naman si nick ar race kasama nya at nagtungo sila sa taas ng isang matibay na gusali. Nakita naman nila na andun ang first district dahil nakita nila si sue ngunit wala ng ibang distrito marahil ay nasawi na din. Kapantay lang ng first district ang lakas ng frontier leaders.

"The order to retreat finally comes" saad ni nick sa first district hunters.

"Wala tayong choice kun'di patayin lahat ng haharang satin hanggang sa makarating tayo sa kampo." Sagot ni dustin sa sinabe ni nick.

"Sino ba naman sa ating lahat ang desperado sa misyon na to?" Tanong ni nick at bigla nyang nakita ang leader nila na si tamara na lumapit kay sue na nakaupo di kalayuan sa kanila.

"Sue, ayos ka lang? Asan si eury?" Tanong ni tamara ng ito'y makalapit sa pwesto ni sue.

"Eury died in my place heroically" sagot nito at yumuko ulit. Napayuko na din ang ibang first district.

"Hindi ito ang oras para magluksa" malamig na tinig na saad ni tamara saka pumunta sa dulo ng gusali.

"Tamara" tanging usal ni sue sa mahinang tinig. Hindi makapaniwala sa sinabe ng kaibigan.

"Im strong, incredible strong! Kung kailangang gawin ko to mag isa, papatay ako. Lahat kayo mahihina at duwag. Suck on your thumb like a baby at panuorin nyo kung paano ko tatapusin ang lahat" mahabang pahayag ni tamara habang nakatalikod sa kanila at nag uumpisa ng sumugod.

"So ang plano ay patayin silang lahat?" Tanong ni mika na kadadating lang kasama si grace at iyon ang naabutan nila.

"Sinong may sabing sya lang ang kikilos?" Ngising sabi ni grace at naghahanda na. Namamangha naman ang ibang first district dahil sa pagiging kalmado ng mga lead frontier.

"Lahat kayo tumayo na!" Utos na sigaw ni race kaya lahat sila ay nagsisunuran at nagsimulang sumugod na din. Si tamara naman ay nasa isang malalim na pag iisip.

"This world is cruel and very beautiful. I live a good life. Sorry eury pero hindi ko kayang tulungan ang sarili ko na bumangon muli." Sabi ni tamara sa isip nito at biglang napaluhod, nakatingin sa sahig habang nakakuyom ang kamao. Nakita naman ito ng lahat kaya napahinto sila sa ginagawa.

"Tammy! Sa likod mo!" Sigaw ni sue dahil wala na ito sa kanyang sariling wisyo kahit ito'y sinisigawan na dahil sa dalawang higanteng nag uunahan para lang makain sya.

"Everyone retreat!" Sigaw ni nick at tumango kay sue. Lahat sila ay umalis na habang nagpaiwan naman si sue.

The Giant Slayer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon