Parehong nagulat si tamara at sue sa isang napaka gandang higante na biglang lumitaw at umatake sa mga higanteng papalapit dapat sa kanila. Kinuha naman ni sue ang pagkakataon para alisin si tamara sa pwesto nya at dalhin sa WTower dahil andun ang mga kasamahan nila. Nararamdaman nilang tinutulungan sila at hinaharangan ng magandang higante ang mga sumusugod sa kanila hanggang sa makarating sila sa gusali at halata ang gulat sa mga ka-miyembro nila.
"Yun... Ano yun!?" Gulat na tanong ni nick sa nasaksihan nito. Bigla namang tumakbo si dustin kay tamara.
"Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong nito at tumango lang si tamara bilang sagot.
"Everyone! Ang higante na yun ay maaaring abnormal na pumapatay ng kapwa nya at ipinapakita ang kawalang interes satin. We can use her to escape!" Anunsyo ni kite sa mga tao.
"Kung malalaman lang natin ang misteryong ito. Maaari tayong magtagumpay" sabi ni tamara kaya natahimik silang lahat. Iniisip nito ang kababata nilang si rare dahil kaya din nitong pag aralan ang mga higanteng ito.
"Tama" sang-ayon ni race na nakatingin sa naglalabang mga higante.
"So ang ibig sabihin ay?" Nagtatakang tanong ni nick sa dalawa.
"Halimbawa, kung magiging kakampi natin ang magandang higante na yan ay magiging mas malakas ang pwersa natin kaysa sa paggamit ng mga armas" sagot ni mika kay nick.
"Kakampi? Baliw ka ba?" Gulat na tanong ni nick na parang nahihibang ang mga kasama nya dahil sa mga pinagbubuklod buklod na ideya nila. Ang mga first district ay namamangha sa pagtatagisan ng talino nang frontier lead members.
Natigil lang sila dahil sa ingay ng humihiyaw na tinig ng magandang higante kaya sabay sabay silang napatingin sa labas at nakita nilang napabagsak ng magandang higante ang lahat ng higanteng nakapaligid sa kanila at nakita nila ang unti unting pagbagsak nito sa sahig.
"Mukhang ibinigay nito lahat" sabi ni heather kaya lumingon din si tamara sa tumumbang higante.
"Eury" mahinang sambit ni tamara sa sarili na narinig ni sue dahil nakatingin si tamara sa likod ng higanteng nakahandusay.
"Kinain ng higante si eury. A-anong nangyayari..?" Utal na sabi ni sue dahil nagulat din sa nakitang tinitignan ni tamara.
"Ginawa ba tong lahat ni eury?" Naguguluhang tanong ni rai at agad tumakbo si tamara pababa at pumunta sa likod ng higante para kunin ang kapatid. Niyakap ng mahigpit ni tamara si eury at ganun din si sue habang umiiyak na sila. Napagpasyahan ng grupo nila tamara at eury na tuluyan ng ilikas ang mga tao bago pa dumami at magsisulputan ang iba pang higante. Matiwasay silang nakadating sa kampo.
"Guys! Mabuti naman at ligtas kayo. Eury at tamara?" Bungad ni maru na kasama si hiroshi. Sila ang sumalubong sa mga hunters at nagulat sila sa nalaman.
"Andito tayo para mamaintain ang strict secrecy... wala akong pwedeng sabihin. Pero hindi ko maimagine kung hanggang saan tatagal ang sekretong ito. Sooner or later malalaman na ito ng lahat. Kung talagang nag eexist ang humanity so that's it." Sabi ni hiroshi at cool na umalis. Ngumiti naman ng alanganin si maru kela tamara at sumunod sa captain nya.