Hindi naituloy ni fairen ang kanyang sasabihin dahil narinig na naman nila ang kakaibang tunog na iyon at syang paglabas ng higanteng nahuli nila kanina, kanya kanya naman silang pwesto at sabay sabay na sumugod sa higanteng ito.
"Sht! We can't fight that giant! Walang talab ang mga armas natin!" Sigaw ni sue ng mapansin na hindi nila nagagalusan ang higante.
"Nauubos na din ang mga miyembro ko at miyembro ng kapatid ko, levin" pahayag ni tamara kaya napatingin si levin sa lahat.
Dalawang miyembro na lamang ang natitira kay eury at gayundin kay tamara at halos wala ng natirang miyembro sa grupo nila.
"Eury, finish it" utos ni levin kay eury kaya naman mag isa itong sumugod sa babaeng higante at naglaban ang mga ito.
"That giant is something" anas ni fairen kaya halos mapatingin sa kanya ang lahat ng natitirang miyembro.
"Sinugod kami ng higanteng yan kanina habang papunta dito at kakat'wang isipin na hindi man lamang nya ako kinain" mahinang sabi ni sue sa mga ito.
"Napansin rin namin na sya ang sinusugod ng mga abnormal giants kanina" sabi ni skyler sa mga ito habang ang iba ay nanunuod sa dalawang higanteng naglalaban.
"Parehas sila ng lakas, madami silang pagkakahawig. Hindi kaya katulad ni eury ay may isang taong nagtatago sa katawan ng higanteng yan?" Tanong ni fairen sa mga kasamahan nya at tila napaisip silang lahat sa tanong na iyon.
"Kung ganun ay bihasa ang taong nasa likod ng higanteng yan, that person knows how to use that giant body" sabi ni tamara sa mga ito at tila naging palaisipan ito sa kanilang lahat.
"Sht! Alam ng higante kung saan kukunin si eury! Hawak sya ng higante!" Sigaw ni rare at nakita nila ang kaliwang kamay ng higante na hawak si eury.
"Kill that giant, no matter what!" Utos ni levin at nagsipag handa na lahat para umatake ngunit sinasangga lang ito ng babaeng higante.
"Kinain nya si eury!" Sigaw ni sue habang umaatake pa din at nahiwaan nito ang pisngi ng babaeng higante.
"Skyler, Rare. Trap her" utos ni levin na agad sinunod ng dalawang lieutenant. Malalakas at pwersahan ang ginagawang atake ni Tamara at nang iba kaya nagkakaroon na ng mga galos ang babaeng higante.
"Get eury, levin" seryosong utos ni skyler kaya naman naghanda si levin at ang kanyang floating tank. Mabilis itong pumunta sa likod ng higanteng babae at hinawa ng hiniwa ang batok nito hanggang sa makita nya ang katawan ni eury at agad kinuha.
"Umuusok ang katawan nya! Lumayo kayo!" Sigaw na utos ni nick ng mapansin na nag uusok ang katawan ng higante.
"Lets go! We need to go back!" Sigaw na utos ni levin at lahat sila ay pinagana ang floating tank nila papunta sa bukana ng kagubatan dahil andun ang kanilang mga kabayo.
Pagkarating nila sa mikaleiva ay inasikaso sila ng mga huntres at nagpaalam si levin para makausap ang mga emperors.
*****
"So you're telling us na may isa pang kagaya ni Eury Parker?" Tanong ni emperor sebastian kay levin."There's a possibility na marami pang kagaya nila ang nagpapagala gala sa imperyo" sabi ni emperor cyrus na sinang ayunan ng dalawang imperor.
"Bawiin nyo ang Lant at Garnedia Village, lieutenant levin" utos ni emperor arthur sa seryosong tono at agad namang yumukod si levin.
"Makakaasa kayo" at saka nagpaalam paalis.