TGS 15

17 1 0
                                    

Nang makabalik si levin ay nagkaroon na ng malay si eury. Nakatingin sya sa dalaga at pinag masdan ito.

"Sino ka nga bang talaga Eury Parker. Isa kang misteryo na mahirap lutasin, isang babaeng kulay asul ang buhok at kulay abong mga mata. Malamig na boses at tila walang pakealam sa pagilid, sino ka ba talaga. Nahihiwagaan ako sayo." Sambit ni levin sa kanyang isip at saka nagdesisyong umalis upang hanapin ang kanyang mga kasama.

***
"Mabuti't nagkamalay ka na eury" masayang usal ni sue sa kaibigan at lumapit naman si tamara.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong nito ngunit hindi sya sinagot ng kapatid na iginagala ang paningin sa paligid nya.

"Asan ang mga kasama natin?" Tanong ni eury nang hindi nya makita ang mga kasama nila sa labanan.

"Halos namatay ang kalahati sa'tin dahil sa nangyaring engkwentro eury. Si race at nick lamang ang natira sa nasasakupan ko" pahayag ni tamara at nakita nito ang pagkuyom nang kamao ng kanyang  kapatid.

"Ako at si dustin lamang ang natira sa distrito natin eury samantalang si fairen at Cloud lamang ang natira sa mga miyembro ng tatlong lieutenant" pahayag ni sue at lalong nagdilim ang mukha ni eury sa nalamang balita.

"I failed to protect everyone, again" seryoso at malamig na sabi ni eury at kinabahan ang dalawa sa tinig ng dalaga.

"You didn't fail, nakampante lamang kami. Wag mong sisihin ang iyong sarili" pagpapagaan ng loob ni tamara sa kapatid. Bumangon si eury mula sa pagkakahiga at lumabas sa tent.

"I'll follow her tamara, don't worry" sambit ni sue at sinundan si eury. Tahimik silang naglalakad lakad nang mapansin nila si Catliyah na pumasok sa isang kwarto kaya sinundan nila ito at nakitang may itinurok ito sa kanyang sarili.

"Catliyah" tawag ni sue dito at tila nagulat si catliyah kaya napahinto ito ngunit nakatalikod pa din.

"What are you doin?" Tanong ni eury dito kaya naman nagulat ang dalawa ng humarap si catliyah na may ngisi sa labi.

"Hindi mo pa rin ba ako kilala eury? Nakakatuwa naman" tila natutuwa at nakangising turan ni catliyah dito, natutuwa naman lalo si catliyah sa nakikitang pagkalito ni eury.

"Who are you" seryosong turan ni eury sa malamig sa tinig. Nalilito man si sue ay naging mas alerto ito sa paligid.

"I am Catherine's daughter at dahil sa antidote na ginawa ng mga magulang mo ay naging sakim si mama at namatay! Kasalanan iyon ng pamilya mo at ngayon ay magdurusa kayo!" Galit na sigaw ni catliyah at hiniwa ni catliyah kanyang pulsuhan.

Nagulat naman ang dalawa at mabilis na yumuko dahil sa malakas na pagsabog na narinig ng karamihan lalo na ang grupo nila levin.

"Ano yun? Saan nang galing yun?" Tanong ni rare sa mga kasama nyang nagtataka rin at nakita nila si tamara na tumatakbo palapit sa kanila.

"Narinig nyo ba ang pagsabog?" Tanong ni tamara habang naghahabol ng hininga.

"The fight of Two Goddesses will finally come" biglang sambit ng kadarating lang na si fairen kasama si cloud at dustin.

"What are you saying?" Tanong ni skyler dito ngunit bago pa sumagot si fairen ay nakatingin na ito sa kung saan at sinundan nila ito ng tingin.

The Giant Slayer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon