"Hindi tayo nagtagumpay? Pano?" Tanong ni sue sa kanyang mga kasama kaya naman nag-umpisa itong tumakbo patungo sa kung nasaan sila tamara.
"Sue san ka pupunta?!" Tawag na tanong ni nick dito ngunit patuloy lang si sue sa pagtakbo.
"Kung hindi ko sya mapapakalma kailangan nyang mabalik sa sarili nya. She'll survive as long as hindi ko matatamaan ang puso nya" sabi ni sue sa kanyang isip at kinalkula ang sitwasyon saka tumalon sa likod ng higanteng si eury at isinaksak ang sandata nito.
"Anong kabaliwan yan, sue!" Sigaw ni tamara sa gulat.
"Konting sakit lang to" mahinang sabi ni sue idiniin ang pagsaksak.
"Sue.." sambit ni tamara, biglang nagwala ang higanteng si eury kaya naman napahigpit ang hawak ni sue sa sandata nya.
"Eury! Naririnig mo ba ko?! Come out through here! What's your mother's killer and besides.. lilibutin pa natin ang mundo balang araw hindi ba?! Sagutin mo ko eury! One step outside is a step in hell! Why did you want to see the outside?" Pangungumbinsi at pagpapakalma nya sa higante.
"Bakit? Sasabihin ko kung bakit.. dahil pinanganak ako sa mundong ito" sagot ni eury sa kanyang sarili. Nagising ang diwa nya at nacontrol ang kanyang higanteng katawan.
Ang lahat ng nakikipaglaban ay napahinto at halata ang gulat sa kanilang mukha dahil sa nasasaksihan.
"Eury!" Sigaw ni tamara na halata ang tuwa sa nangyari.
"Tammy! Nanalo si eury. Kailangan lang natin syang protektahan hanggang maabot ang gate at nasa atin na ang tagumpay" pahayag ni sue dito.
"Ibigay nyo lahat! Wag nyong hahayaan na makalapit kay eury ang mga higante!" Utos ni loki sa lahat ng huntres na agad nilang sinunod hanggang matakpan ni eury ang butas at napatay ng mga huntres ang mga higante sa loob ng based nila.
"Ang mga sakripisyo ng mga namatay ay hindi nasayang. Ngayon, sa unang pagkakataon ang sangkatauhan ay nanalo laban sa mga higante" ang huling sinabe ni thania at ipinaputok ang baril nya.
***
Sa kabilang dako naman ay nakikipaglaban ang grupo ng mga Lieutenant huntres hanggang sa naubos nila ang mga higanteng sumusugod at sila'y nagpahinga sa pinaka mataas na bubong ng isang gusali. Nakatanggap naman si skyler na nabawi na ang mikalieva habang sila'y binabawe ang Garnedia."Nakakapagod naman tong mga higante na to, di maubos ubos" nakasimangot na reklamo ni rare at nagpunas ng pawis.
"Nakatanggap ako ng balita. Nabawi na ng mikaleiva huntres ang bayan nila" pahayag ni skyler sa mga kasama nila. Ang grupo nila ay tinatawag na triumvirate dahil sa angkin nilang kagalingan. Si skyler ang utak ng grupo. Si rare ang scientist at nag iisang babae. Si levin ang leader at cold na namumuno sa kanila.
"Let's play a game, paramihan ng mapapatay" nakangising saad ni rare at nanguna sa pagsugod. Ito ang pinaka maloko sa kanila kaya naman hindi na nagtaka sila skyler sa mga grupo ni rare na gulat.
"Baliw na scientist tss" naiiling na sabi ni skyler na sinang ayunan ni levin.
"Move" utos ni levin at sumugod na silang lahat. Habang nasa kalagitnaan ng laban sila levin ay nakatanggap ito na bumalik na sila mikalieva.
"Retreat! We need to go back to mikaleiva!" Utos ni levin at isa isa silang sumakay sa kanilang mga kabayo at umalis na.