TGS 8

19 1 0
                                    

"Isinasaalang alang ko ang buhay ko para kay Eury Parker at Tamara Parker. I'm more than satisfied to end my life for defense para sa katotohanan! Kung pagsasamahin natin ang kapangyarihan nya bilang higante at ang natitira nating mga huntres ay mababawi natin ang lupain ng mikaleiva Village at magiging matagumpay!!" Pagbibigay saludo at respeto ni sue sa mga ito. Sa saludo at tindig pa lang ni sue ay namangha na ang mga frontier leaders at ang frontier 1st district kaya naman iniwan nila ang mga armas nila at pumunta sa gitna at matapang na prinotektahan ang kambal na ikinagulat ng tatlo.

"We are the witness of eury's braveness" sabi ni nick sa matapang na tindig at lumingon sa kambal na hindi pa din makapaniwala.

"The braveness of this twins that no one can replace" sabi din ni dustin at hindi makapaniwala ang mga nakakita sa katapangan ng mga ito.

"Rios, as usual pinag iinitan mo talaga ang mga pamangkin ko" naiiling na sabi ni commander fred. Ang pinaka pinuno ng lahat.

"Commander Fred" gulat na usal ni rios at hindi nakapagsalita.

"Bulag ka ba at hindi mo makita ang saludong ginagawa nilang lahat para sa babaeng gusto nyong patayin?" Kalmadong saad ni commander fred sa kanya.

"Uncle!" Gulat na turan ng kambal sa pagsulpot ng kanilang butihing tiyo.

"Nice to see both of you, eury and tamara" bati ni commander fred sa kanyang mga pamangkin sa malamig na salita.

"You're unfair! Even if they are your nephews they still need to be punish" sabat ni rios sa kanilang commander.

"I'm on that point but we also need to hear my nephews reason" sagot ni commander fred kaya naman wala ng nagawa si captain rios at nagpaubaya. Pinabalik naman ni commander fred ang lahat sa kani-kanilang trabaho at nag usap ang dalawa na si eury at commander fred tungol sa pag aanyong higante nito.

"Attention! Ipapaliwanag ko na ang paraan para makuha ulit natin ang Lant Village mula sa mga higante pero gusto kung ipakilala ang aking mga pamangkin na sina Eury at Tamara Parker. Eury is the evidence of giant experiment dahil kilala ang mga magulang nila bilang isang mahuhusay na siyentipiko. Ang plano ay gagawin nyang higante ang sarili para buhatin ang malaking bato at isara sa butas. Ang kailangan nyo lang gawin ay protektahan sya" paliwanag ni commander fred sa lahat at madaming umalma.

"Kalokohan! Ang lahat nang to tungkol sa taong sandata ay puro kasinungalingan!" Sigaw ng isang lalake mula sa mga taong nakikinig.

"Kung inaakala nyong mamamatay ako dito. Then i quit!" Sigaw pa ng isa at sabay sabay nag alisan ang ilan.

"Mga lapastangan!" Sigaw ni captain rios sa mga nagsisialisan.

"Makinig! Ang mga aalis ay hindi makakaharap ang kalayaan. Umalis ang mga duwag at manatili ang gustong lumaban. Kung gusto nyong makita ang mga pamilya nyong kainin ng mga higante na yun ay umalis kayo dito!" Sigaw ni commander fred sa kanila kaya napahinto ang ilang paalis.

"Hindi... hindi ang pamilya ko" sabi ng lalake at bumalik sa kanyang pwesto.

"Kung hindi natin lalabanan ang mga higante na yun. Lahat tayo ay makukulong dito at makakain ng mga higante. If we do it here then we'll die here!" Sigaw ni commander fred at nag ayos na sila para sa pag atake.

"Malapit na tayo sa ruta kung nasaan ang may pinaka malaking bato at masasabi kung wala pa akong nakikitang higante" sabi ni loki ang kanang kamay ni commander fred sa mga kasama nyang sila eury, dustin, sue, thania at tamara.

"Ngayon na!" Sigaw ni thania at naghiwa-hiwalay sila ng pwesto para protektahan si eury na nagsimula nang mag anyong higante ngunit hindi pa kontrolado ni eury ang katawang higante kaya naman ito ay nagwala na nagpahinto kela tamara na nangunguna sa daan.

"Kung sa kaso ng isang tao to hindi ko maiimagine na kaya ko tong buhatin pero sa kaso ni eury" sabi ni dustin sa kanyang sarili at patuloy na tumakbo.

"Eury!" Sigaw ni tamara kaya napalingon ang iba kay eury ngunit nagulat sila ng inatake nito si tamara na agad nakaiwas ngunit nadaplisan ito sa pisngi.

"Tamara! Nawawala sya sa sarili! Hindi nya pa kayang kontrolin ang katawang higante!" Sigaw ni loki pero hindi ito pinansin ni tamara.

"Eury?! Alalahanin mo ko!" Sigaw ni tamara pero patuloy pa din ang pag atake nang higanteng si eury.

"Move!" Utos ni loki kaya nagpatuloy sila sa pagkuha kay tamara mula sa pag atake ni eury.

"Mission failed. Sabi na eh... hindi nag eexist ang human weapon" sabi ni thania sa sarili at napailing hanggang sa itinaas nya ang colored gun at ipinaputok ito sa itaas

Sa kabilang dako naman ay napahinto ang grupo nila sue sa pagtakbo at nagtatakang tumingin sa kalangitan.

The Giant Slayer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon